Kabanata 10

108 2 0
                                    


ALEX'S POV

Hindi ko inaasahang ganito kabilis ang mga pangyayari. From a stranger na sumugod sa opisina ko, ngayon ay girlfriend ko na si Lucy. There is something about her na nagtutulak para gustuhin ko s'ya. Mula sa unang araw ng pagkikita namin ay wala na akong ibang inisip kung hindi siya. At mula nang muli ko s'yang makita ay pinangarap ko na ang sana ay makasama siya sa araw-araw.

"Baby ready ka na?" tanong ko nang sagutin niya ang telepono. Susunduin ko siya ngayon dahil napagkasunduan naming sa bahay siya matutulog ngayong gabi.

"Oo," maikling tugon niya.

"Great! I'm on my way," sabi ko bago ibaba ang telepono. Pinag day off ko muna ang dalawang katulong sa bahay para hindi mailang si Lucy. Minsan kasi ay nahahalata kong medyo ilag siya sa mga tao, kung maaari ay ayaw niya ng mga bagong kakilala.

Naghihintay na siya sa lobby ng building nila nang dumating ako. Agad naman siyang tumayo nang makita ako.

"Hi!" bati niya sa akin at sinalubong ako ng halik sa pisngi.

"Let's go?" tugon ko habang hinalikan din siya sa noo.

Inalalayan ko siya at ipinagbukas ng pinto ng kotse.

"S-sigurado ka ba dito?" tanong niya habang nasa byahe kami. Isang oras din ang layo ng bahay namin sa tinitirhan niya.

"Oo naman," sagot kong ngumiti sa kaniya.

"Natatakot ka ba sa akin?" pilyong tanong ko.

"Hindi ah!" mabilis niyang tugon.

"Bakit nama ako matatakot sa'yo hindi ka naman multo," dagdag pa niya.

Natawa na lang ako.

VIOLET POV

Napakaganda ng bahay nina Alex. Hindi ko maiwasang hindi humanga sa napakaluwang na living room. Napaka elegante ng pagkaka-design. Makikitang mamahalin lahat mula carpet hanggang sa mga muebles. Maging ang mga painting na nakasabit sa pader ay gawa ng mga sikat na artist sa bansa. Pero ang pinaka tumawag ng atensyon ko ay ang portrait ng buong pamilya na naka pwesto sa pinaka sentrong dingding. Makikita roon ang mga magulang niya at siya at ang kaniyang kapatid. Unang beses kong makita ang pamilya niya. Maganda ang kaniyang ina at kapatid na babae pero parang magkakalayo ang mga itsura nila.

"Are you okay," si Alex bitbit ang isang tray na may lamang kung ano-ano.

"Hindi na ako nakapag luto," aniyang habang naglalakad patungo sa dulong bahagi ng pasilyo sa bandang likuran ng living room.

"Dito tayo," aya niya.

Sumunod naman ako sa kaniya. Pumasok kami sa isang madilim na silid. Nanlaki ang mga mata ko nang buksan niya ang ilaw, isang mini theater iyon.

"Wow!" bulalas ko habang inililibot ang mata sa kabuuan ng silid.

"Nagustuhan mo ba? Ako ang nag-design sa room na 'to," pagmamalaki niya.

"Yea, it's beautiful," tugon ko. Umupo ako sa couch na puwede na yatang gawing kama sa laki. May center table kung saan niya inilagay ang dala niyang tray kanina.

"Hmmm, ano'ng gusto mong panoorin?" tanong niya.

"B-bahala ka na basta hindi nakakatakot," kunwa'y tugon ko. Hindi naman talaga ako natatakot kahit sa mga horror film. Hindi lang talaga ako mahilig sa mga love story o romance film. Alangan namang crime movies ang i-suggest ko?

"Okay, try natin itong The Shape of Water. Hindi ko pa rin napanood ito," aniya saka pinindot ang remote at pinili ang sinabing pelikula.

Magkatabi kaming nanonood at bahagyang naka hilig ang ulo ko sa dibdib niya. Ramdam koa ang tibok ng puso niya. Feeling ko ay napaka-secure ko sa mga bisig niya. Nakapagdesisyon na rin ako. Hindi ko na itutuloy ang assignment ko. Kailangan ko lang alamin ay kung sino ang hinahanap ni Alex sa ALPHA.

DARK SECRET SERIES: TRAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon