Kabanata 14

123 2 0
                                    


Nang tuluyang gumaling at umuwi na sa kanilang mansion si Alex ay umuwi na rin sa mansion ng mga Chavez si Violet. Hindi pumayag si Donya Eloisa na hindi siya nito ma-uwi sa kanilang tahanan. Sabik na sabik ang Donya na makasama ang kaniyang anak na nawalay ng napakatagal.





"Mama ang itawag mo sa akin," nakangiting wika ni Eloisa sa anak nang mapansing asiwa pa rin ito at minsan ay tinatawag pa siyang 'maam'.





"Masanay ka na iha," anito at saka hinaplos ang kaniyang mahabang buhok. Kasalukuyan itong nasa silid niya. Naka-upo siya sa harap ng salamin habang dahan dahang sinusuklay ng kaniyang ina ang kaniyang buhok.





"Oho, M-mama," tugon ng dalaga kahit naninibago pa. Napakasarap pala ng pakiramdam nang mayroon kang matatawag na Mama, sa loob-loob ng dalaga.



"Darating sa susunod na linggo ang kapatid mo, excited na siyang makita ka anak," balita ng butihing ginang sa dalaga.



Kahit paano ay natutuwa siya, hindi lang pala magulang ang mayroon siya. May kapatid din siya.



Tila unti-unting lumalambot ang puso niyang pinatigas ng panahon. Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang ina at pinisil iyon. "Maraming salamat po at hindi kayo sumuko sa paghahanap sa akin," aniya.



"Anak, ano ka ba? Kahit pa tumanda at hanggang sa hindi ako mamatay hahanapin pa rin kita," tugon ng ginang na niyakap siya mula sa likuran.



"Mahal na mahal ka namin Ariah, kahit kailan hindi ka nawala sa isip at puso namin ng Daddy mo," aniya pa.



"Salamat po," sabi niya saka ngumiti.



"Sige na, matulog ka na at may pupuntahan tayo bukas, mamimili tayo ng mga gamit mo," anito sabay silyap sa maliit niyang maleta na nasa paanan pa rin ng kama niya.



"Mag-uutos ako ng katulong bukas para ayusin ang mga gamit mo," dagdag pa niya.



"Naku huwag na po. Kaunti lamang ito, aayusin ko na bago matulog," tanggi naman niya. Pero ang totoo marami siyang itinatago sa maletang iyon. Ang kaniyang mga alagang de kalibre ay naroon. Kaunti lamang ang dala niyang damit.



"Ikaw ang bahala," hindi na niya pinilit ang anak. Baka ayaw nito nang may ibang humahawak sa mga gamit. Hindi pa niya alam ang ayaw at gusto nito kaya hinayaan na lamang niya.

DARK SECRET SERIES: TRAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon