KABANATA 12

96 2 0
                                    

VIOLET POV
Dalawang araw na mula nang ikulong kami, hindi ko malaman kung ano talaga ang binabalak ng Alpha sa amin. Laging may kausap sa cellphone ang mga lalaking nagbabantay sa amin. Naulinigan kong parating na ang isa sa mga founder ng grupo kaya kinakabahan ako para kay Alex. Siguradong siya ang pagbabalingan ng mga ito at baka kumbinsihin pa akong bumalik sa grupo.
Hindi ako nagkamali, mamaya pa ay narinig namin ang mga ugong ng sasakyang palapit.
Bahagya akong sumiksik sa mga bisig ni Alex. Kahit na hindi gaanong makagalaw dahil sa pagkakatali ng kamay ay sinikap pa rin niyang yakapin ako.
"It's alright," bulong niya at dinampian ako ng halik sa noo.
"Lucy!" malakas na bulyaw ng isa sa mga nagbabantay sa amin saka lumapit at pahablot akong itinayo. Walang nagawa si Alex dahil sa kalagayan pero alam kong gigil na gigil na siya sa ito.
"Kakausapin ka ni boss!" aniyang kinaladkad ako palabas ng bodega. Nasilaw ako sa liwanag dahil sa dalawang araw na pagkakakulong sa loob ng madilim na bodega.
"Lucy! Look at you!" salubong ni Mr. Chavez sa akin.
"Hindi dapat ikaw ang nasa ganitong kalagayan iha kung sumusunod ka lamang sa kasunduan," aniya.
"Sir, ang serbisyo ko ay para lamang sa mga biktima ng mga taong halang ang kaluluwa and Alex is not on the list. Wala siyang inaagrabyado at tinatapakang iba. Kung dahil lang naman sa negosyo n'yo ay hindi ako papatay ng walang muwang na tao," mahaba kong tugon sa natitigilang Don.
"Well, mukhang hindi na magbabago ang pasya mo iha," mahinahon pa ring sagot niya.
Palakad lakad siya at hindi mapakali, halatang hindi malaman ang gagawing desisyon. Nasa harapan kami ng malaking bodegang iyon at halos walang katapusang bukirin ang natatanaw ko. Maya maya pa ay malakas na tunog ng cellphone ni Mr. Chavez ang pumukaw sa lahat. Sinagot niya iyon.
"Honey," aniya. Tahimik naman ang lahat. Nakatingin lang ang mga tauhang kasama niya.
"What? Are you sure with that?" nakita kong lumiwanag ang mukha niya matapos pakinggan ang sinabi ng kausap. Sa tingin ko ay halos maluha pa nga sa tuwa.
"Yeah, sure I'll be right there," aniyang mabilis na bumaling sa amin.
"May emergency ako, kayo na muna ang bahala sa kanila," sabi niyang halos liparin na ang nakaparadang sasakyan sa di kalayuan.
"Yes sir!" alertong sagot naman ng ilang lalaki.
Ibinalik ako sa loob ng bodega, basta na lamang akong iniwan sa may pinto saka mabilis iyong isinara.
"Ano, nakabili ka ba? Buksan mo na! kahapon pa ako uhaw na uhaw!" narinig kong utos ng isa sa mga bantay namin sa kasamahan niya. Mamaya pa ay nagkakasiyahan sa sila, dinig ang tunog ng mga bote at langhap ko ang ang masarap na amoy ng pagkain mula sa labas.
"Alex!" mahina ngunit mariing tawag ko. Hindi ko siya makita dahil madilim pa rin ang paningin ko. Hindi rin ako makakilos ng maayos dahil sa mga tali ko sa paa. Kahit na bahagyang lumuwag iyon ay hindi ko pa rin maalis dahil patalikod naman at mahigpit ang tali ng mga kamay ko.
Muntik na akong mapasigaw nang may malaking kamay na tumakip sa bibig ko at yumakap sa akin mula sa likuran.
"Sshhh.... I'ts me," bulong niya.
"What? How'd you-?"
"Sshh, let's get out of here," anas niya habang mabilis na inaalis ang pagkakatali ko sa kamay. Halos hindi ko pa iyon maigalaw dahil napakasakit.
"Let's go," aniya at inalalayan akong maglakad patungo sa dulong bahagi ng malaking bodega. Hinila niya ang isang sakong palay at tumambad ang butas sa kalawanging yero na dingding ng bodega.
"Be careful matalas 'yan," paalala ni Alex habang maingat akong tinulungang makalusot sa butas.
"Ouch!" daing niya nang sumabit ang nakausling bahagi ng yero sa isa niyang binti. Naka shorts lang kasi siya.
"Let me see," sabi ko nang tuluyan na siyang makalabas.
"Wala ito," aniya pero halata sa mukha niya ang kirot na nararamdaman. Muntik na siyang mapasigaw nang pisilin ko ang paligid ng sugat niya.
"What the-?"
"Sshh.."putol ko sa iba pa niyang sasabihin.
"May kalawang 'yung yero kaya dapat dumugo ng husto ang sugat mo para maiwasan ang impeksyon," paliwanag ko.
"Alright thank you," tugon niyang nakangiwi pa rin sa sakit.
Tumingin ako sa paligid, tulad kanina ay walang katapusang bukirin ang nakikita ko. Kahit na lasing na ang mga bantay namin ay siguradong makikita kami kahit saang direksyon kami pumunta dahil wala namang ibang tao sa paligid. Napansin ko ang kanal at medyo malalim iyon at medyo tago dahil sa mga damong tumubo sa gilid ng agusan. Tumingin ako kay Alex, tila naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin. Pagkatapos kong punitin ang isang manggas ng suot kong long sleeve at itali sa binti nkiyang may sugat ay dahan-dahan kaming lumusong sa kanal at sumabay sa malumanay na agos nito.
Halos tatlumpung minuto rin kaming nagpadala sa agos ng tubig hanggang sa marating ang masukal na bahagi ng kabukiran. Naglakad kami ng ilan pang kilometro nang sa wakas ay natanaw namin ang ilang maliliit na bahay. Lumapit kami sa matandang naroon para magtanong.
Nagtataka ang matandang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin.
"Lolo magandang hapon po, ano hong lugar ito?" magalang na tanong ko.
"San Simon iha, naliligaw ba kayo?" balik tanong niya.
"O-oho, medyo ho," kunwa'y nahihiyang tugon ko. Nanatili namang tahimik si Alex na palinga-linga lamang sa paligid.
"Dalawang oras pa kayong maglalakad para marating ang pinakamalapit sa bario, doon ay may masasakyan na kayo papunta sa bayan," aniya sabay turo sa direksyon ng makitid na daan. Napaka layo pa ng San Simon sa San Juaquin at pakiramdam ko ay hindi rin ligtas ang pumunta roon sa ngayon.
"Pero kung sa highway naman kayo galing mas mabilis dahil mas malapit, iyon nga lang ay private property kasi iyang maluwang na bukid sa kabila," patuloy niya at itinuro ang direksyon kung saan kami galing. Kaya pala walang tao sa paligid ng bodegang iyon.
"Ah dito na lang ho kami. Baka ho umalis na rin ang mga kasama namin, wala na rin kaming masasakyan doon," tugon ko.
"Kayo ang bahala, mukhang basang basa pa kayo," pansin niya.
"Nahulog po kasi ako d'yan sa may kanal," sagot ko namang bahagyang itinago ang namumula kong braso. Hinubad ko na kasi ang suot kong long sleeve kanina at itinali sa beywang ko.
"Salamat ho, tutuloy na kami baka ho gabihin kami," paalam ko.
"Walang anoman, mag-iingat kayo," tugon naman niya saka ipinagpatuloy ang ginagawang pagtatabas sa malalaking damo sa paligid ng bahay.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang maabot ang sinasabi niyang bario.
"Do you need to call someone?" tanong ko kay Alex nang makita ko ang naka paskil na 'pay phone' sa isang maliit na tindahan.
"No, sinabi ko na kay mama that I'll be busy the coming days," aniya.
"Actually baka wala pang nakaka-alam about what happen dahil pinagbakasyon ko rin 'yung dalawang katulong sa bahay," dagdag pa niya.
Oo nga pala, mula nang nagpupunta ako sa bahay nila ay wala na ang dalawang kasambahay nila.
"Tatawagan ko lang si Sister Julie," sabi kong tila may nag-uudyok sa akin na kausapin siya. Sabagay ay nasanay na kasi akong siya ang nilalapitan ko sa tuwing kailangan ko ng makakausap. Lumapit ako sa tindahan.
"Puwede ho bang makitawag?" tanong ko sa aleng nangbabantay doon.
"Anim na piso ho kada minuto," tugon naman niya.
"Naku eh wala po kaming pera, medyo naligaw ho kasi kami. Agriculture student po kami, may pinuntahan kaming bukirin sa kabilang bario pa yata eh hindi mali yata ang dinaanan namin kaya napadpad kami rito," pagdadahilan ko. Sinuri niya ako ng tingin. Maraming galos ang braso ko dahil sa mga matatalas na talahib na dinaanan namin kanina.
"Misis, heto kunin n'yo," anang lumapit na si Alex sabay abot sa relos na hawak niya. Tanging ito lamang kasi ang suot niya nang madatnan kami ng mga dumukot sa amin.
"Bigyan mo na lamang kami ng kahit magkano para magamit namin pauwi," dagdag pa niya. Nakatingin lamang ang babae sa relos pero mamaya pa ay inabot iyon at masusing siniyasat kung totoo ito.
"S-sige," aniya nang makumbinse ang ang sariling hindi peke ang relos. Inabot niya ang telepono sa akin at saka bumaling sa kaha at nagsimulang magbilang ng pera.
Napatingin naman ako kay Alex, alam kong mamahalin ang kaniyang relos kahit pa sampung beses na kabuoang halaga ng maliit na tindahang ito ay hindi pa sapat na kabayaran dito. Pero tila walang anoman iyon kay Alex.
"Violet, iha! Mabuti at napatawag ka, naku alam kong matutuwa ka sa sasabihin ko," hindi magkanda ugagang balita ni Sister Julie nang sagutin ang telepono.
"B-bakit ho Sister?" nagtatakang tugon ko. Medyo kinabahan ako.
"Iha, ang tunay mong mga magulang ay galing dito kanina lamang, kinumpirma nilang ikaw ang nawawala nilang anak!" bulalas niya.
"Violet anak, ito na ang matagal mong pinangarap ang sarili mong pamilya. Mayroon kang pamilya Violet!" tila maiiyak pa si Sister nang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Pumunta ka rito bukas na bukas din"para makita mo na ang tunay mong mga magulang! Babalik sila para magpasalamat at magbibigay ng kaunting donasyon sa ampunan," aniya. Hindi pa rin ako makasagot. Hindi pa nag-sink in sa isip ko ang mga sinabi niya. Para akong tulala na nakikinig lang sa mga sinasabi niya.
"Baby, are you okay?" untag sa akin ni Alex nang mapansing natitigilan ako.
"Y-yea I'm fine," tugon ko.
"S-sige ho, pupunta ako," sagot ko kay Sister Julie saka tuluyang ibinaba ang telepono. Pero ang totoo hindi ko alam sa sarili ko kung ano ang magiging reaksyon ko sa nalaman ko.
"May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni Alex
"W-wala," maiksing tugon ko. Alam kong nag-aalala s'ya sa akin.
"Puwede ba tayong dumuretso muna sa San Juaquin?" tanong ko. Kanina kasi ay sinabi niyang pupunta muna kami sa Baguio dahil may bahay sila doon. Doon muna kami magtatago, hindi na rin kasi ligtas ang Maynila para sa amin. Masyado nang masikip ang lugar na iyon para sa amin ng Alpha.
"Are you sure?" nag-aalala pa ring tanong niya.
"Oo, halika na," sabi kong kinuha ang kamay niya at naglakad patungo sa mga tricycle na nakaparada sa di kalayuan. Medyo madilim na kaya hindi na masyadong agaw atensyon ang mga itsura namin.
"Manong sa bayan ho," sabi ko sa driver ng tricycle na nasa unahan ng pila. Mabilis naman siyang tumalima at pinaandar ang tricycle. Sumakay kami ni Alex at parehong tahimik habang nasa byahe. Pinipisil niya ang palad ko at hinahaplos ang buhok ko habang nakasandal ako sa dibdib niya. Nang marating namin ang bayan ay laganap na ang dilim. Tuyo na rin ang mga suot naming damit. Ibinili ako ni Alex ng long sleeve shirt para dahil bahagya nang lumamig ang simoy ng hangin. Naka t-shirt na lang kasi ako at medyo manipis pa ang tela nito. Napaka maalaga niya, kanina pa siya abala sa mga pangangailangan ko at hindi alitana ang sarili.
"Kailangang mapalitan na 'yang takip ng sugat mo," paalala ko sa kaniya.
"I'm fine," pagsasawalang bahala niya kumain kami sa isang turo-turo habang hinihintay ang susunod na biyahe ng bus.
"Don't worry, may alam naman ako sa first aid," sabi kong ngumisi nang maalala ang ginawa kong pagpisil sa sugat niya kanina. Dahil nga nasa bayan naman kami hindi ako nahirapang maghanap ng botika. Bumuli ako ng kalainganin para sa paglilinis ng sugat niya at gamot na rin para dito.
Kahit na halata ang pag-aalinlangan ay ipinaubaya niya sa akin ang paglilinis at paglalagay ng gamot sa sugat niya.
"Are you okay?" tanong ko nang mapansin kong ayaw niyang tingnan ang sugat niya.
"Y-yeah," aniya pero hindi pa rin lumilingon.
"Something wrong?" muling tanong ko.
"N-nothing, ayaw ko lang makakita ng mga open wounds. Parang iba ang pakiramdam ko," mahinang paliwanag niya.
"San Sebastian! San Juaquin! Malapit nang umalis!" malakas na sigaw ng kunduktor ng bus.
"Let's go," si Alex habang dahandahang tumayo. Medyo namaga na kasi ang sugat niya.
"Be careful," sabi ko habang hinawakan siya sa braso at bewang.
"Hindi po ako pilay Miss Violet," natatawang tugon niya.
Nakatulog kami sa byahe, dahil na rin sa pagod at puyat nang mga nagdaang gabi. Alas tres na ng madaling araw nang marating namin ang San Juaquin. Naglakad lang kami papunta sa apartment ko dahil hindi naman kalayuan iyon sa hinintuan ng bus. Hinagilap ko ang duplicate key sa ilalim ng malaking paso kung saan ko ito itinago. Ibinigay ko kasi kay Sister Julie ang susi ko.
Suwerteng naroon pa naman ito kaya mabilis kaming nakapasok sa apartment.
Nagbihis lang ako at ganoon din si Alex, pinahiram ko na lang siya ng oversize t-shirt at jogging pants ko. Pareho kaming bagsak sa kama pagkatapos mag-ayos ng sarili. Yakap niya ako mula sa likuran at marahang hinahaplos ang buhok ko, mabilis akong nakatulog.
Mahihinang katok sa pinto ang pumukaw sa pagkakahimbing ko. Tumingin ako sa maliit na alarm clock, alas nueve na pala ng umaga.
"Sino yan," medyo paos pa ang boses ko. Tumayo ako at lumabas sa maliit na sala.
"Magandang umaga, napansin ko kasing marumi ang harap ng pinto. Gusto ko lang makasigurong walang ibang naka pasok," tinig iyo ng taga linis sa simbahan. Dito rin pala siya nangungupahan.
"Salamat. Paki sabi na lang kay Sister susunod na ako," sabi kong bumalik sa kama. Tulog na tulog pa rin si Alex. Halatang pagod.

DARK SECRET SERIES: TRAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon