Kabanata 8

117 2 0
                                    


 'CHAVEZ GROUP' ang mga letrang naka lagay sa harap ng malaking building na ito dito sa Makati. Ang sabi ni Mr. Valle ay hanapin ko raw dito si Arthur Chavez, inaasahan na raw niya akong darating kaya nagmadali akong pumasok sa gusali. Hinatid ako ng isang empleyado sa isang napaka laking opisina. Halatang mamahalin ang lahat ng gamit sa loob, mas maganda pa kaysa sa opisina ni Mr. Valle. 'Ano kaya ang katayuan ni Mr. Chavez sa ALPHA?' Sa loob loob ko. Malalaman ko lang siguro kapag nakaharap ko na siya.

"Please have a sit," sabi ng babaeng sumalubong sa akin. Sekretarya siguro niya.

"Ma'am paki hintay na lang si Sir, matatapos na rin po ang meeting n'ya," sabi niya at inilapag ang isang tasa ng kape sa lamesa.

"It's okay, maghihintay ako," tugon ko naman at nginitian s'ya.

Isang simpleng bestida ang suot ko, sabi kasi ni Mr. Valle ay medyo pormal daw si Mr. Chavez kaya pumili ako ng medyo mas maayos na damit kaysa sa nakasanayan kong suotin.

Mamaya pa ay bumungad sa pinto ang matangkad na lalaki, matikas ito sa suot na amerikana. Halata na ang mga puting buhok nito pero hindi ito naka bawas sa taglay na kakisigan. Tumayo ako nagbigay galang sa kaniya.

" Good morning sir!" sabi ko na bahagyang yumuko.

"Good morning," sagot naman niya at dumiretso sa kaniyang swivel chair.

"Maupo ka," aniya saka tumingin sa mga tauhan niyang kasama kanina. Sumenyas siyang lumabas muna ang mga ito.

"Lucy, alam mo na siguro kung bakit ka narito," simula niya.

"Importante ang kasong ito dahil naka taya ang buong organisasyon at lahat ng mga taong kabilang dito. Alam kong maasahan kita kaya ikaw ang napili ko," sabi niya. Mataman lamang akong nakikinig.

"Heto ang files ng susunod na assignment mo, bibigyan kita ng malaking gantimpla kapag natapos mo ang misyon na 'to," dagdag pa niya habang inaabot sa akin ang isang folder. Tinitingnan ko siya habang nagsasalita at napansin ko ang kulay ng mga mata niya, co-incidence lang ba that we have both hazel color of eyes?

"Baka maapektuhan ang iba kong kumpanya kapag nabunyag ang ALPHA kaya inaasahan ko ang malinis mong trabaho sa kasong ito," pahayag niya. Para naman akong namamalik matang bumalik sa reyalidad.

"Yes sir! Maasahan n'yo!" Mabilis na sagot ko.

"Well, that's all!" Aniyang tumayo na.

"May meeting pa ako, magsabi ka lang kung may kailangan ka," sabi pa niya saka tumalikod na.

Naiwan akong natitigilan. Napaka pormal ni Mr. Chavez, tila nang-aarok lagi ang mga titig nito. Tingin ko ay para kang bumangga sa pader kapag siya ang binangga mo. Kaya niyang ipa paslang nagiging sagabal sa negosyo niya.

Huminga ako ng malalim bago tumayo at tuluyang lisanin ang opisinang iyon. Lumabas ako ng gusali at nag-taxi na lamang pauwi. Dumaan muna ako sa isang grocery store para bumili ng stock kong pagkain. Hindi kasi ako mahilig kumain sa labas. Pakiramdam ko ay nagsasayang lang ako ng oras, marunong naman akong magluto kaya natitikman ko naman ang mga pagkaing gusto ko.

Pagdating ko sa condo ay nagluto muna ako dahil kanina pa rin ako nagugutom. Maaga kasi ang appontment ko kay Mr. Chavez kanina kaya hindi ko na naharap ang kumain ng agahan. Sanay akong kumain ng tatlong beses isang araw lalo na noong nasa training pa lang kami. Mabuti na ngayon at nasasanay na rin ako sa mga light meal lang.

Pagkatapos kumain ay naalala ko ang folder na ibinigay sa akin ni Mr. Chavez. Binuksan ko iyon ay tumambad sa akin ang litrato ng napaka guwapong lalaki. Naka ngiti siya kaya labas ang mapuputi at pantay niyang ngipin. Kahit na naka suot ng t-shirt sa picture ay bakas ang maumbok na muscles nito sa dibdib. Para akong namamalik-mata. Matangos ang ilong niya na bumagay sa maganda niyang mata. Para akong naka tingin kay Piolo Pascual pero sa tingin ko ay mas guwapo pa nga ang nasa picture. My ghad! Ito ba ang mamarkahan ko? Parang sayang naman kung kay San Pedro lang ang bagsak niya.

DARK SECRET SERIES: TRAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon