Paula's POV"oh mamaya na ule ha sabay sabay tayong mag lunch!" sigaw papalayo ni Dana dahil pinapatawag ito ni Prof Agustus.
"oo sige"
"oki"
"ano class mo ngayon, Pau?" tanong ni Ienna sakin.
"History" sagot ko rito
"makaka perfect ka nanaman dyan noh" Audrey said.
"baka shota mo yung prof mo sa history noh" ani ni atheena.
"hoy manahimik ka nga dyan tin, sige na pau pasok na kami ha" paalam ni Ienna, sabay silang tatlo sa isang klase kaya sila lagi ang magkakasama.
"papasok na naman" buntong hininga ko at pumasok na ako sa room.
"good afternoon, Prof Del" bati namin kay Prof.
"good afternoon guys" bati neto at nilagay niya na yung mga gamit niya sa teacher's table.
"ahmm, sir Del may emergency meeting po raw kayo sa teacher's office" sabi nung matangkad na lalaki, sobrang tangos ng ilong nya ha infairness medyo maputi siya parang labanos.
"sige class may meeting ako, Dmitri ikaw muna mag turo sa klase ko ok lang ba yon sayo?" tanong ni Professor doon sa lalaking naka salamin.
"yes po, okay lang" sagot naman nito.
tuluyan nang lumabas si prof Del sa room namin at pumasok naman itong lalaking to kala mo gwapo kung umasta gwapo nga naman talaga.
"so everyone let me introduce myself, I'm Dmitri Danielson and I'm from STEM, any questions?" feeling astig netong sabi kala mo gwapo, oo na gwapo na.
"ahm how should I call you sir Dmitri or Dmitri?" tanong ng isang babae sa likod ko, si Hare pala yung feeling maganda badtrip naman.
"Dmitri" maikling sagot nito.
"So everyone napag aralan nyo naman na ito last semester diba? so sino si Dmitri Shostakovich?" seryoso nitong tanong habang nakatingin sa teacher's table.
alam ko to e wait oo alam ko to, ako ang sasagot para naman hindi ako mabad trip ngayon.
"Dmitri Shostakovich was a Soviet-era Russian composer and pianist" maikling sagot ko rito.
"kelan siya sumikat?" ah hinahamon niya talaga ako ah.
"He became internationally famous upon the premiere of his first Symphony in 1926" maikling sagot ko.
"What is Dmitri Shostakovich most famous piece?" tanong niya.
"The Leningrad Symphony is one of Shostakovich's major works, and its Leningrad premiere was a major cultural moment in the Soviet Union during world war II." sagot ko rito para manahimik naman na to at maturo na saamin ang lesson ngayong araw.
"nice, very good, miss?"
"Miss Reos" maikling sagot ko rito.
"okay very good, Miss Reos" maikling sagot nito nang nakita ko si Prof Del papasok ng room.
"hay buti naman tapos na ang meeting na yon, oh Dmitri bumalik ka na sa building niyo at may exam pala kayo, sorry sa abala ha" napaka bait talaga ni Prof Del, may biglang binulong si Dmitri kay Prof ano kaya yon.
"Paula, you did a good job today huh" sabi netong si Dmitri at biglang umalis na, ano to first named basis feeling close ampotcha.
"class dismissed na para makapagpahinga na kayo" sabi ni Prof Del.
"Parang kayo naman po ang magpapahinga e" sabi nung isa kong kaklase rito sa History class ko lumabas na rin ako para makapahangin din.
"oy Paula!!" rinig kong sigaw mula sa malayo, alam ko na kung sino yon.
"oh tin bat ka nandito kala ko may klase pa kayo?" tanong ko rito.
"Ahh wala na may meeting kasi yung mga teachers diba? alam mo ba may gwapo akong nakita kanina roon sa room niyo crush mo noh?"
"ha crush ko si Dmitri? big no, big yuck, sobrang arte nang itsure niya tsaka pahirap para sakin kanina buti alam ko ang isasagot ko." i said
"ayy first named basis ba?" pang aasar neto.
"Paula rin ang tawag niya sakin kaya Dmitri ang tawag ko sakanya" i said.
"oy te senior natin yon ngayong taon gragraduate na sila ibig sabihin mas matanda siya kesa sayo"
"eh ano naman ha tin? siya ang unang tumawag sakin sa pangalan ko kaya yon ang tawag ko sa kanya" i iritately said.
"oo na sige na hayss anong oras na sige bye na may klase pa ko bye love you!!"palayo nitong sabi.
"love you too!!" sigaw ko.
"it's not allowed to shout here dahil may mga klase pa" gulat kong napalingon sa aking likod.
"ay tipaklong!! tangina naman, wag ka namang nanggugulat" sabi ko habang nakayuko dahil sa kahihiyan.
"bawal din mag mura" dagdag pa neto.
"hayss umalis ka nga sa harapan ko Dmitri dahil naiinis ako" bakas sa mukha niya ang gulat nung sinabi ko ang pangalan niya.
"wag mo nga ako guluhin, sige bye"
"ang gwapo nung sa STEM building diba? yung Dmitri Danielson, balita ko anak daw yon ng may ari ng school na to"
"ang gwapo niya no? tsaka mayaman pa"
"ang gwapo talaga ni Dmitri!!"
"diba yung Dmitri na kinukwento mo sakin kanina e yung anak ng may ari ng school?" Atheena asked.
"I don't know di ko alam basta wala akong pake" I coldly said.
"ayy sus first named basis sila ni Dmitri, Ienna!"
"tin manahimik ka nga busalan ko yang bibig mo" inis kong sabi.
"ayy sus dagdag mo nanaman sa crush list mo yung Dmitri no" Dana said.
"Oh yung burger kay Dana yan tapos yung sandwich kay Paula ha" pagkatapos ibigay ni Ienna yung mga pagkain e naupo na rin siya.
"oh alam mo ba si Paula may crush na naman" I rolled my eyes sa mga sinasabi nila.
"hindi ko nga siya crush, hindi porke gwapo siya matangkad na maputi at matalino e gusto ko na siya—hindi ko siya gusto manahimik nga kayo!" kairita itong dila ko kung ano ano na lang ang sinasabi.
"ayy sus nadulas ka nga e"
"lmfao"
"edi wow"
"you're so funny, Pau"
"manahimik nga kayo naiirita na ako sainyo di ko kayo lulutuan ng sinigang mamaya" I said while rolling my eyes.
"charot lang naman" Dana said.
"joke time!!" Atheena said.
"hindi kami kasali dyan ha" sabay na sabi ni Ienna at Audrey.
"Kairita kayo kung 'di ko lang kayo mahal magkaka-cup noodles tayo ngayon" sabi ko
BINABASA MO ANG
Under The Rain ( Cinco De Maria's Series 1)
Romanceshe likes red - everything in red