TDRSB#1 (TAHIMIK)

139 7 0
                                    

New update  ulit...try ko mag update  ulit mamaya.



Chapter 21:
Naging simpleng selebrasyon lang ang ginawa namin noong ikawalong buwan namin mag bf/gf.nag usap-usap lang kaming mga magkakaibigan na pumunta ng tagaytay para doon ganapin ang aming monthsary.

Sa subrang abala  sa parehong trabaho ay minsan nalang kami nagkikita ni Clark.inaasikaso kasi niya yung pinapatayo nilang bagong business.kaya nagkakasya nalang kami sa palitan ng messages at videocall.nangako naman siyang babawi pag naayos at natapos na ang mga kailangan niyang asikasohin .

Day-off naming tatlo ngayon.kaya napag-usapan nalang namin na mag stay sa bahay at magmumukbang kami.at magkukwentuhan.sosulitin namin ang aming mga day-off kasama ang isa't isa.

Tulong tulong kami sa pagluluto.dahil di mahilig magluto  sina daine at lyka.mas gusto nalqng daw nilang maghiwa ng mga lukutuin at ako na daw bahalang magluto.paladisesyon minsan mga bestfriend ko at buti nalang talaga at nasanay nako.atleast nagkusa na silang nagsabi na sila nalang maghihiwa ng mga lulutuin.kahit papaano may ambag sa kusina ang dalawa kaysa ako lang diba?.

Ang ilukuyo namin ngaun ay,Butter shrimp,pritong isda,pakbet,adobong manok na may kasamang itlog at karne ng baboy,at sinigang para may sabaw.at syemore dadamihan namin ang isasaing na bigas.para damang dama ang mukbang namin.di uso diet sa amin ngayon.motto nga naming ngayong araw ay"lamon ng lamon gang mabusog,walang deit deit.food is life!"

Tapos na kaming magluto at inaayos na namin ang paglalapagan namin ng mga kakainen namin.galit galit muna kami ng mga bff ko.focus muna kami sa foods.mamaya na ang chika.

Nong medyo busog na kami ay doon lang kami nakausap-usap.nagkwekwentuhan kami about sa mga lovelife namin.

Kagaya nito."Maxine  anu pakiramdam  ang makilala ang mga magulang ni Clark? "Ang sagot ko naman sa tanong nila ay."noong papunta palang kami ni Clark sa bahay nila,subrang kaba ko parang sasabokg yung dibdib ko.hindi ko alam  kung magugustuhan nila ko o hindi.laking pasalamat ko kasi subrang  bait at masayahin silang kausap.walang halong kaplastikan.yung way nila pag makikipag -usap sila sa akin. Chill at enjoy sila kasama.mix emotion  kung baga."

(The Del Rio's Series Book #1)" My Home"Where stories live. Discover now