yakap

153 5 0
                                    

Chapter 36:

Anu ba ang kahulugan ng Kasal?at anong mga dahilan bakit gusto nilang maikasal?paano sila kasigurado na sila na talaga yong para sa isat isa?gaano ba sila kasigurado sa disesyon nila?

Mga tanong na gusto kong malaman ang sagot, na dati alam kung sagotin ang mga tanong na mga iyan bago ko siya makilala at bago ako masaktan.napakalawak at magagandang salita at may magandang kahulugan ang salitang "KASAL" para sa akin.

Isa ako sa mga babaeng may pangarap at may magandang tingin sa salitang "KASAL".dahil gusto ko rin maikasal sa taong mahal at pinili kong makasama sa aking pagtanda at bubuo ng Pamily,Masayang pamilya  na kahit gaano kahirap at kung gaano kadaming pagsubok ang aming kahaharapin ay kasama ko siyang lalaban.

At iniidolo at tinitingala ko  pagdating sa pagkakaroon ng masaya at matatag na pamilya  ay ang aking mga magulang,gusto kong magkaroon nang gaya nang pagsasama meron sila bilang mag-asawa  gaya nila.hindi man kami mayaman pero gaya nila gusto ko din magkaroon nang ganitong kasal.mga pangako sa harap ng diyos,sa harap nang mga taong nakasaksi nang pag-iibigan at pag iisang dibdib nila at sa harap nila at sarili nila na nangagakong kahit gaano kahirap ang buhay na tatahakin at kakaharapin nila ay mas hahawakan at aalalayan  nila ang isa't  isa at sabay na lalaban kahit imposible o walang kasiguraduhan na magkamali sila o makagawa nang mali na hindi sinasadya,papanindigan ang bawat mga salitang binitawan at mga pangako sa isa't  isa.

Hangad ko na ganon din sila kuya at ang asawa niya.hangad ko na magkaroon sila nang masayang pamilya,hangad kung malagpasan nila ang mga pagsubok sa buhay nila,buhay mag-asawa .hangad ko na sana mapaninidigan nila ang mga pangako nila sa isa't  isa,kahit sa kanila nalang maniniwala akong masarap sa pakiramdam ang salitang kasal,kahit sa kanila nalang iisipin kung masarap mag mahal at masarap mahalin nang taong pinili mong makasama sa buhay.kahit sa kanila nalang ako maniniwalang  may walang hanggang pagmamahal at kahit sa kabilang buhay ay mamahalin nila ang isa't isa.

Habang tahimik na humihiling  ang aking puso at nanalangin na sana lahat nang mahal ko sa buhay ay maging masaya sa buhay na meron sila at sana matagpuan yong kaligayahan  na hinahanap at nararapat na para sa kanila.

Ang tao may iba't  ibang opinyon, at may mga taong may malalim na dahilan ,meron naman na gusto lang makasal dahil may gustong makuha kahit makasakit sila nang damdamin nang iba at wala silang pakialam .ang iba ang gusto lang ay gumanda ang buhay at makuha ang buhay na ninananis nila kaya kahit walang pagmamahal at purong pag papapanggap basta maikasal sa mayaman ay wala na silang pakialam kung ano mangyayari sa relasyong pinasok nila.ang iba naman  ay napilitan lang mag pakasal dahil kailangan at walang magawa kundi sundin ang utos  nang kanilang magulang at ginagawang business ang pagpapakasal,meron din nagpapakasal dahil gusto lang na may matawag na asawa.ang iba naman nagpapakasal dahil akala nila kapag ikinasal ay magiging masaya na at nahanap na ang taong gustong makasama sa pagtanda.

Ilan lang yan sa mga alam kung rason kung bakit ang tao ay nagpapakasal....oo na ako na bitter bakit ba  sa nagsishare lang ako ng opinyon ko sa kasal,at Oo na ako na ang single at di maka move on bakit ba sa di pa kaya ni heart eh.

At ano ba kasi pumasok sa isip ko at naisip ko yan at  sarili ko lang naman din ako nakikipag debate

Basta masaya ako kila kuya Daren at sa asawa niya ok na ko doon.dapat naman talagang maging masaya ako kasi nahanap na ni kuya yong babaeng makakasama biya.

Paalis na ang mga tao kaya lumakas na din ako para makaalis na sa simbahan at makapunta sa kung saan at lugar nang madaming pagkain dahil bitter ako humanda sa akin yang pagkain na yan di sila uurongan!!

Nasa reception Hall na kami ngayon.kasama ko sa mahabang mesa ang aking mga kaibigan at pamilya.ramdam ko ang mga matang nakatingin sa  kinaroroonan namin sino ba ang magiging maayos ang pakiramdam  kung ang mga taong ayaw mo sanang makaharap ay silang katapat niyo ngayon. sino ang magiging ok ang pakiramdam di ba?

Parang may mali talaga eh kanina ko pa na papansin bakit   di mapakali yong tatlong babaeng kasama ko?Anu meron at bakit ba ang tagal nang pagkain??Aba gutom na ang alaga ko kahit pagkain nalang sana maging props ko ok na eh para di naman mahalata  na kinakabahan at may iniiwasan ako.

Di nagtagal ay nakahanda na ang mga pagkaing nakahain sa lamesa,gaya nang sabi ko ay magpapakabusog ako ngayon.

Pagkatapos kumain habang nag-uusap kami nang mga kaibigan ko  ay may tumawag sa aking pangalan gamit ang mikropono at isa isang tinawag ang mga babae upang pumunta sa harap dahil ihahagis na ni Bride ang bulaklak gaya nang nakagawian tuwing may kasalan.

Ayaw ko man wala akong magagawa ayaw ko naman ipahiya ang hipag ko naka special mention pa naman ang pangalan ko ,kaya heto ako ngayon na sa harap nakatayo at walang balak na makiagaw sa  iba pang mga dalaga .Bakit?, anu gagawin ko sa bulaklak pag ako nakakuha eh wala naman akong boyfriend!! Magiging bitter lang ako lalo dahil sinasampal ako nang katotohanan na "buti pa ang bulaklak pinag aagawan,eh ako  malalang trauma ang naramdaman nang akoy iniwan".oh di ba subrang kabitteran ko ay napapatula nalang ako.mabalik nga jan sa bulaklak na yan.

Nasa oinakagilid na nga ako kunti nalang talaga nasa may tahong spot na ako..ewan lang huh kung ikakasaya oh ikakainis tong nangyaring eto...nasa tagong lugar na ko sa aken padin napunta ang bulaklak.Anu naman gagawin ko dito itatanim ?at sino naman kaya ang malas na lalaki ang makakasama ko sa harap upang isout sa akin ang ihahagis naman nang groom?


Pati ba naman ang tadhana pag titripan ako?ayaw makisama naging mortal enemy ba kami noon?oh ako talaga ang malas at hindi yung lalaki.Really?,bakit siya kasali eh may asawa na yan at ang kapal naman nang mukha niya para makisali pa sa agawan ng  ano na nga pangalan non???diko alam  iba talaga pag mayaman may paganyan ganyan pa talaga.

Ano ba kasi yun?yung hinahagis nang groom yung nilalagay sa hita nang bride?diko alam eh parang narinig kona yung tawag sa ganun diko lang matandaan.


Sana wag siya  ang makakuha para di awkward  tyaka hello may asawa na siya kaya di na nya kailangan sumali sa mga ganyan dapat sa mga single lang yun.



Nanadya ba talaga ang tadhana?kakasabi ko lang na wag sana na siya.bakit ayaw ako pakinggan ?nakakahiya at nakakailang kapag isusuot niya sa hita yung hinagis nang groom.at asan ba kasi yang britanny  na iyan?bakit hinahayaan at di sumasama  sa ganitong pagtitipon yung babaeng yun?kasal nang Sister in-law niya tapos wala dito?

At heto na nga nasa harap na kaming dalawa para maisuot sa akin ni Clark ang dapat na isuot sa may hita ko,aarte nalang akong parang wala siya sa harap ko at hindi apektado sa prisensya niya kasi yun naman talaga dapat.gagawin ko lang to para di masira ang kasiyahan at ang tradisyon na kasal at di mapahiya  ang magasawa sa bisita.


Nakaupo ako ngayon sa may upuan  at si Clark ay nakaluhod sa may paanan ko .dahan dahan itinataas ang bagay na ilalagay sa may hita ko,napapalunok ako nang sarili kungvlaway dahil sa sitwasyon kong ito kahit gaanong pagsaway ko sa sarili ko na wag mapalktuhan  parang may sariling isip ang katawan ko at ayaw makinig at ayaw sundin ang sinasabi ko.



Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas nang loob at masabi ko nang malakas at dapat na nasa isip ko lang,na kahit siya ay nabigla sa sinabi ko.

"Pwede ba pakibilisan  mo na ang paglagay nang bagay na iyan sa may hita ko para matapos na!"ang masayang mukha at kaba sa mukha nang binata ay napalitan nang lungkot,subrang nakakailang lang talaga .paano kung makita kami ni britanny  sa ganitong sitwasyon  ?baka isipin pa niya na inaagaw at inaakit ko ang asawa niya.



Gaya nang sinabi ko sa kanya ay tinapos niya kaagad at tumayo ako kaagad dahil di ko na kayang malapit sa kanya parang kinakain ako nang konsensya ko dahil subrang lapit namin sa isa't  isa kahit di sinasadya.



Bumaba na ako sa stage at nagpasyang umalis at maķalayo sa reception  hall dahil gusto kung makahinga.


Akala ko makakalayo na ako pero bihlang may isang kamay ang humawak sa akin at bigla akong yakapin nong nagsalita ang yumakap sa akin ay nakumperma ko na si Clark  nga pero bakit sinundan padin niya ko dito?gusto ko lang mapag isa.bigla akong kinabahan at agad na nagpahiwalay sa kanya  dahil kinakabahan akong may ibang taong makakita sa amin na magkayakap at baka ano pa ang sabihin nila.

Anu bang problema Clark?bakit ba dikit ka nang dikit sa akin?bulag ka ba o nagbubulag bulagan ka lang?umiiwas ako sayo pero eto ka at lapit nang lapit sa akin Anu ba ang gusto mo huh?di ko napigilan ang sarili  kung mag taas nang boses

(The Del Rio's Series Book #1)" My Home"Where stories live. Discover now