(Closures )

160 6 0
                                    


New update enjoy reading my Angels🥰🥰🥰sabay sabay tayong umiyak😭😭


Chapter 34:


Clark ...sambit ko sa pangalan ng taong hindi ko inaasahang makikita ko pa ngayun,ang lalaking hindi ko alam kung paano ko haharapin kapag dumating ang araw na muli kaming magkita.




Nanadya ba ang tadhana?o sinusubok ako kung gaano ko pa ba kamahal ang taong ito?kung may nararamdaman pa ba ako?



Kung pwede lang pakiusapan ang tadhana na,Sana.hindi muna ngayon yung araw na muli naming pagkikita  pero badtrip naman si Destiny ayaw makisama!!kung may paraan lang na makita ko si Destiny aabangan  ko talaga sa kanto at sasabunotan kaso Wala eh.





"How are you Maxine?it's  been 5 years  mas lalo kang gumanda"talaga ba Clark ?noh ka ba maliit na bagay ganyan talaga pag broken gumaganda,kung pwede lang sabihin sa kanya sinabi ko kanina kaso dahil state of Shock ang ferson  biglang umatras ang mga salitang  gusto kong sabihin sa kanya.




"Oo nga 5 years din  at ngayon lang nakabalik,Ok lang naman nakapag adjust at ok naman ang pananatili ko  sa bansang  pinuntahan ko." Anu ba tears wag ka naman excited lumabas sa eyes ko stay ka lang dyan pakiusap ko sa sarili ko dahil biglang bumalik yong panahon na nagkausap kami at huling pag uusap namin  bago ako lumayo.



"I heard  the little girl called you Mommy, Anak mo ba siya?.bakit ang lungkot ng mata ni Clark  habang tinatanong sa akin kung Anak ko si Chalesia,bakit pakiramdam ko nasasaktan siya?at baket siya nasasaktan?may sariling pamilya  na siya diba?Bakit Clark bakit malungkoy ang iyong maya habang nakatingin at nakatitig sa akin,Bakit Clark?




"Yes she's  my Daughter".gusto kung sabihin na hindi man siya galing sa akin  pero Anak ko siya,bakit parang Ang defensive  ko naman ata sa part na yon.




May sasabihin pa sana si Clark  nang biglang may tumigil  na sasakyan at lumabas si kuya Daren kaya  hindi ko narinig at napansin ang huling  sinabi niya dahil iniwan ko na siya at sinalubong ang magkasintahan at nagkaroon ako ng dahilan para iwasan siya.dahil di ko pa kayang makipag usap skanya ng matagal.





Kunting asaran at kamustahan  muna kami nila kuya Daren at ang Fiance  niya bago kami pumasok sa loob.kaya pala nandoon si Clark dahil kapatid niya at hindi na ako magtataka kung pati magulang nila ay nandito,ang problema paano ko haharapin ang mga magulang nila.







Dahil balisa ako at lumilipad ang isip ko diko napansin na nakalapit na pla sa akin ang Mama ni Clark hindi pa ko magigising sa malalim na pag iisip ng mga bagay bagay tulad nang kung paano ko sila haharapin, at hindi heto na nga naramdaman ko nalang na  nakayakap ang Ginang sa akin.





Napaka ganda at masayahin padin ang mukha nang mag asawang Del Rio. Hindi ko alam kung paano ako nakasagot sa mga tanong nila at kung paano ako nakikipagtawanan sa kanila kahit sa loob loob ko ay nahihirapan ako at ang puso ko ay umiiyak ang sakit.bakit may lakas pa akong humarap sa kanila?bakit pakiramdam ko ako pa ang kailangan umiwas sa kanila anong dahilan?wala naman silang kasalanan sa nangyari sa relasyon naming dalawa ni Clark di ba?kaya walang dahilan para iwasan at wag silang kausapin diba?.




Natapos na ang lahat na kumain at nagpaalam na akong mauuna nang umakyat dahil inaantok na 
Si Chalesia at kailangan  narin matulog nang bata kaya umakyat na kami at iniwan ang mga bisita sa baba.





Nakapag shower at  napatulog kona ang bata at napatingin ako sa orasan na nakasabit sa akin  pader sa kwarto 11:00 pm na pala baka nakauwi na ang mga bisita kaya nagpasya akong bumaba para tignan kung may aayosin pa ba dahil paniguradong pagod sila mama maghapaon sa kakaluto at pag aasekaso sa mga bisita at para makainom din ako ng tubig  dahil nuuhaw ako.




Tama nga ako hindi pa nila naligpit lahat at nagpasya na silang ipabukas nalang.tamang tama lang ang desisyon kung bumaba.




Habang nagliligpit hindi ko napansin na may kasama pala akong  gising pa at nagliligpit sa mga ginamit at nilinis na rin,nagpasya akong tignan ang kasama ko at kausapin.Hindi ko inakalang nandito pa siya at di pa nakaalis anong dahilan niya at di pa siya umuwi kasama ang pamilya  niya?




"Clark bakit hindi ka pa umuwi?at bakit nandito ka pa?". Hanep din Maxine ikaw pa talaga unang nagsalita at kausapin siya?Really Maxine!!.




Clark response."paano ako makakauwi kung hindi pa ko pinapauwi ng taong mahal ko".oh nag away sila ni Brittany  kaya dito niya naisipang tumambay?ano naman pakialam ko doon diba?.





"Bakit naman ayaw ka pauwiin?may nagawa ka bang mali kaya nag away kayo?tanong ko ulit skanya.




"Oo hindi ko nga alam kung makakauwi pa ba ako sa kanya at kung paano nya ako mapapatawad sa nagawa ko.i missed  her, and i miss "My Home".Aray ang sakit naman masampal ng katotohanan na tama lang ang desisyon  ko na ipaubaya siya kay Brittany.kaya siguro ganito kalungkot ang mga mata niya dahil nag away sila ni Brittany.


Panindigan mo yan self,panindigan mo ang pagiging madaldal at palatanong mo ngayon.




"Pinuntahan at kinausap mo na ba siya?para maayos niyo agad kung ano man yong hindi niyo nagkaintindihan."talaga lang Maxine pinupush mo talaga?kayanin mo pa kaya pakinggan ang mga hinahin niya sa buhay?at tinanong at nakikinig ka talaga Grabe din self push mo yan.



"Yes i already  did,at kinausap ko na din siya pero mailap at mukhang ayaw ata akong kausapin,parang iniiwasan niya ko  i miss  her  i really miss her.pero parang ayaw na niya ko mukhang masaya na siya sa buhay niya."nakakainit naman ng bunbunan yang si Brittany bakit ganito ang pinaparamdam niya kay Clark,ang linaw linaw nang pagkasabi ko sa kanya na wag saktan at at mahalin pa lalo si Clark masasabunutan ko talaga yong babae na yun walang Hustisya  ang pagbibigay daan ko sa kanila.




"Bakit di mo ulit siya kausapin  tanungin kong ano ba talaga ang problema at kung  naging masaya  siya sa gusto niya ?"baka may Chance pa Wala naman masamang magtanong Kahit Paano naman  siguro may karapatan ka,ayusin niyo kung ano man ang Problema pag usapan niyo ng mabuti."talaga ba Maxine martyr  yarn taga bigay ng Payo ka nala pala?sabi ng isip ko at sabi naman ng puso ko "hindi man naging maganda ang pagtatapos ng relasyon niyo pwede naman kayong magkaibigan di ba?.




"Maxine sa tingin mo mabibigyan pa ako ng Chance?may Chance pa kaya akong ipakita sa kanya na nagbago na ako  at Deserve ko ng Second Chance?mas hihigatan at mas lalawakan ko pa ang pag unawa ko sa lahat ng bagay at mas matured na ko ngayon?.Anu ba Clark sinasampal ako sa mga salitang binibitawan mo ganun mo ba siya kamahal?ang sakit,Subrang sakit na ipamukhang  hindi talaga ako yung babaeng nakapag bigay sa kanya ng totoong pagmamahal niya ganun ba ako kawalang kwentang Girlfriend  sayo noon.hindi  mo man intensyong saktan ako pero bakit ganun subrang Sakit?.





"Ganun mo ba siya kamahal ?at handa kang gawin lahat para mapatawad ka niya?Hangad ko ang kaligayahan at hinihiling ko na sana Mapatawad at bigyang ka pa ng Chance na iparamdam sa kanya na Mahal na Mahal mo siya." Ito na siguro yong masasabi kung huling pagkakataon na pagkikita namin ni Clark dahil Masaya na siya sa buhay niya,ako lang siguro yung nag iisip at nagbabakasakaling pwede pa kahit alam kung malabo na.dahil sigurado na akong wala na talaga
Ako nalang yung hindi nakakausad sa amin dalawa.siguro nga magiging masaya nalang ako para sa kanila kasi masaya na sila,Ok na akong kasama sila Grace at Chalesia  sa buhay ko pati ang mga Kaibigan para sa kanila magiging masaya na din ako.."Ang sakit".




Buti nalang natapos na kami kaya  nagpaalam na ako skanya  dahan dahan akong lumakad palayo sa kanya noong natiyak kong malayo at hindi na niya ko makita doon bumuhos lahat ng luhang pinipigilan ko habang kausap siya.nababasag ang puso ko bumalik dati yong ganitong pakiramdam na akala ko matatanggap ko kung ano man iyong mangyayari sa amin kapag nagkita kami ulit.kala ko pag nakita at makausqp siyang muli ay magkakaroon ng Closure ,Closure  na ako lang nakakaalam.




Sa kabilang banda habang mag isa si Clark at naiwan sa kinaroonan nila kanina ni Maxine sinisisi niya ang sarili niya na ,"Bakit ang dami pang paligoy ligoy ang ginawa niya bakit hindi nalang siya nagpapakatotoo paano mararamdaman at malalaman ni Maxine na siya yung Babaeng gusto na niyang "Uwian"ang tanga mo Clark.

(The Del Rio's Series Book #1)" My Home"Where stories live. Discover now