ang Ampalaya boww

152 6 0
                                    

Chapter  28:

Clark:

Nasaktan ko siya nang hindi namamalayan,ayoko siya makitang umiyak nasasaktan ako mas double  yung sakit habang umiiyak siya sa harapan ko.

Para akong nababasag,nangako akong mamahalin , proprotektahan ko sya at wag papaiyakin .pero ,ano itong  ginawa ko??

Sinasaktan ko siya ng di ko alam,diko napansin na madami na pala akong nagawang kasalanan skanya,ganun na pala kadami.

Ayokong pumayag  sa gusto niya na makipag hiwalay dahil mahal na mahal ko siya,pero ano ang magagawa ko kung nakapagpasya na sya diba?

Rerespituhin ko iyong kahit nabigla ako sa naging desisyon  niya,masakit subrang sakit sa puso.

Deserved ko iyon diba?dapat lang sa akin to diba dahil walang akong kwentang boyfriend,napa kawalang kwentang boyfriend.

Gaya ng sinabi niya sinunod ko  ang gusto niya,masakit man pero  gagawin at tatanggapin ko dahil mahal na mahal ko siya at hihintayin ko siya hanggang  sa maging handa na sya ulit at mapatawad niya ako ng lubusan.

Kala ko kaya ko,akala ko makakapaghintay ako pero bakit ang hirap ?bakit ganito para akong namamatay sa sakit,hindi ako makakain ng maayos nawawalan ako ng gana mabuhay,kahit sa trabaho wala na akong  gana at  sa lahat.

Araw-araw naglalasing,hindi gawain to pero magmula nang iwan niya ako natutu na akong mawalang ng gana sa buhay at maglasing  di ko nga alam kung nakaka kain pa ako.

Ganito pala pakiramdam ng broken,ang sakit subrang sakit nakakamatay pala ang pagiging broken,"ito na ba ang karma ko ?"napaka walang hiya ko  noon bago ko pa makilala si Maxine,akala ko mga laruan lang ang mga babae ,kaya ganun nalang ako kadaling magpapalit palit ng babae.


Siguro nga ito na karma ko,ilang araw na ba akong di pumapasok sa opisina?dalawang linggo o tatlong buwan?

Habang iniisip ko kung ilang araw na kong nagkukulong  sa condo ko nang biglang tumonog ang doorbell ko.wala akong inaasahan na bisita o bwesita ngayon araw.lalong lalo naman na hindi ko inaasahan na pupunta dito si Brittany dahil sinabi ko nang ayoko na sya makita kahit na kailan .dahil sa kanya kaya kami nagkanda sira sira
ni Maxine,kahit na sabihin  naten na may kasalanan ako kasi ganun ako kadaling  nagtiwala at naawa skanya.hindi ko naisip sa mga ganung bagay pala kami magkakaganito ni Maxine.

Kaya pinabalik kona siya kung saan siya nararapat,at wag na niya akong guluhin pa nang dahil sa pagiging bulag at manhid nawala sa akin ang babaeng pinaka mamahal ko.sana kung iniisip ko lang yong mararamdaman ni Maxine kapag ibang babae ang kasama ko at inaalagaan ...di sana hindi kami nagka ganito,kung sana hindi ako naawa sa iba at inuna sila di sana hindi kami nasasaktan ni Maxine ng ganito.

Totoo ng anag kasabihan na nasa huli ang pagsisisi,maiisip mo lang yun mga naging desisyon  mo kapag nakita mo ng nagkamali ka,kung sana yung rekasyon lang namin ni Maxine ang pinagtoonan ko ng pansin"di sana masaya at mas magiging masaya pa kaming magkasama.masakit "subrang sakit,parang napupunit yung puso ko sa nangyari sa relasyon namin".pwede bang bumalik sa dati o ibalik yung oras?.oras na hindi ko nakita ang halaga at pagmamahal sken ni Maxine?mga sakripisyo at pag inintindi  sa akin ni Maxine?pwede ba iyon?.

"Anu ang gagawin ko ?"nasasaktan ako ng subra"bago tumolo mga luha ko,ay lumakad na ako papunta sa pintuan dahil panay pindot sa doorbell ko,ang kulit naman ng lahi ng taong yun.

Mabuksan na nga para matigil na sa pagdo doorbell.

Hindi lang pala iisang tao ang aking mga bwesita,mga kaibigan ko pala.

(The Del Rio's Series Book #1)" My Home"Where stories live. Discover now