CHAPTER ONE

147 5 2
                                    

[Yuki's POV]

"Good morning Lola!"bati ko sabay halik sa pisngi ni Lola habang abala ito sa pagluluto.

"Magandang umaga apo. Sandali nalang ito."bati pabalik ni Lola sakin.

"Si Lolo po?"tanong ko ng mapansin kung wala din siya sa komedor ng dumaan ako.

"Maagang pumasok. May dadaluhan daw kasi siyang seminar at aayusin pa daw niya yong form para sa basketball try-out."sagot ulit ni Lola habang busy pa din sa pagluluto.

"Kaya po pala hindi ko siya nakita sa komedor kanina."tatangong sabi ko.

"Kilala mo naman ang Lolo mo. He's very hands-on pagdating sa basketball."dagdag pa ng Lola niya sabay salin nong omelet sa isang plato.

Napangiti ako sa sinabi ni Lola, one of the main reason why I loved basketball is because of my Lolo.

"Hmm, ang bango talaga nakakagutom."sabi ko sabay ngiti kay Lola.

"Aysus, binula na naman ako. Halika kana at kumain."sabi nalang ni Lola.

Napanguso naman ako, naglalambing lang naman ako ah...

"Yuki!"tawag pa ni Lola.

"Andiyan na po."napapangusong sabi ko.

Nang maupo ako sa harap ng komedor ay nakahanda na ang pagkain ko. Pati strawberry milk ko, napangiti ulit ako.

"Kamusta naman ang unang araw mo sa school kahapon?"biglang tanong ni Lola.

Linunok ko muna yong kinakain ko bago sumagot.

"Okay naman La. Sa katunayan may tatlo na akong kaibigan na kaklase ko rin."nakangiting sagot ko.

"Buti naman. Nakalimutan kung itanong sayo kahapon. Nakatulog kana kasi at hindi kana nga nakapag-hapunan pagkatapos ng overseas call niyo ng Mommy at Daddy mo."sabi pa ni Lola.

"It's okay La, nabusog na din naman ako sa miryenda ko kahapon."nakangiting sabi ko.

Pagkatapos naming kumain ng agahan ay nagpaalam na ako sa Lola ko na papasok na sa school.

---------------------

"Yuki!"tawag agad sakin ni Haruko pagkapasok ko palang sa classroom.

"Magandang umaga!"bati ko sa mangilan-ngilan kong classmates sa loob ng classroom.

"Hi Haruko! Hi Matsui at Hi Fujii."bati ko pagkalapit ko sakanilang tatlo.

"Hello, good morning!"bati nila pabalik sakin.

"So nakapagsorry kana ba kay Sakuragi?"tanong ko ng makaupo ako sa table ko.

"Oo naman. Ang dami ngang nangyari kahapon."sagot ni Haruko.

"Hmm, katulad ng?"tanong ko.

"Katulad nalang ng laban ni Sakuragi at ng kuya ni Haruko sa basketball kahapon."sagot ni Matsui.

"At usap-usapan parin yon hanggang ngayon."dagdag ni Fujii.

"Kuya?"tanong ko.

"Oo ngapala nakalimutan kong sabihin sa inyo na kuya ko ang Team Captain ng basketball team."sabi ni Haruko.

"Kahapon lang din namin nalaman na kuya niya ang Team Captain."dagdag ni Matsui.

"Naririnig ko nga din sa hallway kanina na tinalo daw ni Sakuragi ang team captain ng basketball team, which is kuya mo pala. Mas nadagdagan tuloy ang kuryosidad ko na makilala ang Sakuragi ni tinutukoy niyo."sabi ko naman.

"Basta may nakita kang lalaki na matangkad at may kulay pula na buhok, siya na yon."sabi ni Matsui.

Natawa naman ako sa sinabi ni Matsui, ganoon na din sina Haruko at Fujii.

TAMING THE SILENT ROOKIEWhere stories live. Discover now