[Yuki's POV]
"Hay! Nakakapagod. Kailan ba ako huling nag-jogging. Dati naman ay hindi agad ako napapagod."bulong ko sa sarili.
Dahil na rin sa pagod ay napayuko ako habang hinihingal. Nang itaas ko ang aking paningin ay may nahagip ang aking mata na pamilyar na pigura. Napatayo tuloy ako ng deretso.
"Anong tinitignan mo diyan?"curious na tanong ko sabay tingin sa tinitignan ni Rukawa.
"Oh, Ikaw pala! Anong ginagawa mo rito?"tanong nito ng lingunin ako hindi man lang siya nagulat sa pagsulpot ko.
"Napadaan lang ako. Nagjo-jogging kasi ako. Ikaw, anong ginagawa mo rito?"sagot at tanong ko.
"Balak ko sanang maglaro ng basketball ang kaso naunahan ako."sagot ni Rukawa.
"Oh! Hindi ba sila Haruko at Sakuragi yon?"tanong ko ng tumingin ulit ako sa tinitignan ni Rukawa.
Napatingin naman si Rukawa sa tinitignan ko bahagya pa nitong naihilamos ang palad sa mukha nito.
"Tara, tawa-"hindi na pinatapos ni Rukawa ang sinasabi ko basta nalang niya akong hinila palayo sa court.
"Samahan mo nalang akong mag-agahan."sabi ni Rukawa habang hinihila ako sa kamay.
"Sakay."sabi nito ng makarating kami sa tapat ng bisikleta nito sa gilid ng court.
"Hindi kapa kumakain?"tanong ko.
"Hindi pa, kaya halika na."sagot nito sabay hila sakin at pinaupo ako sa may maliit na upuan sa likod ng bisikleta niya.
"Humawak ka."dagdag nito ng mapausad niya ang bisikleta, humawak naman ako sa laylayan ng damit nito.
Nagulat nalang ako ng hawakan ni rukawa ang kamay ko at iniyakap sa bewang nito para doon kumapit. Tatanggalin kopa sana ang kamay ko na nakakapit sa bewang ng mabilis na nitong pinidal ang bisikleta nito,napakapit tuloy ako bigla.
Huminto kami sa tapat ng isang stool ng japanese restaurant para kumain. Nang maiayos na niya ang kaniyang bisikleta ay sabay na kaming pumasok. Umorder siya ng 2 Ramen, sushi at onigiri.
Pagkatapos naming kumain ay naisipan naming bumalik sa court para ituloy ang naudlot na pagpa-praktis ni Rukawa.
Pagkalapit namin sa court ay rinig na rinig namin ang tawa ni Sakuragi pati narin ni Haruko mukhang nagawa na ding ipasok ni Sakuragi ang lay-up na itinuturo ni Haruko sakanya.
"Tsk! Naka-isa kana, kaya pwede ba umuwi kana. Ako naman."bubulong-bulong na sabi ni Rukawa sabay paikot ng bula sa isang daliri.
Natawa naman ako sa reaction nito. At dahil napansin ko na wala pang balak umuwi sina Haruko at Sakuragi ay inaya ko nalang sa ibang lugar si Rukawa.
----------------
Kinaumagahan ay hindi maitago ang kasiyahan sa mukha ni Sakuragi. Excited na excited itong ipakita ang natutunan nitong lay-up na itinuro ni Haruko sakanya.
Sa tatlong beses na naglay-up si Sakuragi ay isa ang pumasok kaya naman tuwang-tuwa ang ibang miyembro ng team maliban kay Captain Akagi at sa amin ni Rukawa na alam at nakita ang kanilang naging sikretong insayo nong Sabado.
Nang matapos ang aming pagiinsayo ay pinauwi na kami ni captain Akagi pero pinaiwan niya si Sakuragi para daw mag-practice ulit. Mukhang may ituturo ito sakanya.
Araw ng sabado, ang pinakaiintay naming lahat ang practice game laban sa ryonan basketball team. Kasalukuyang nakasakay kami ng train patungo sa Ryonan Station.
"Ito nga pala unang laro mo, Sakuragi. Anong pakiramdam?"sabi ni Ayako.
"Ayos lang, ayos lang."wika ni Sakuragi na halatang kinakabahan.
YOU ARE READING
TAMING THE SILENT ROOKIE
FanfictionSYNOPSIS: SI MIYUKI maganda, mabait, matalino at higit sa lahat sobrang daldal. She is the Top-notcher and often referred as the Goddess of Takeishi Junior High. Marami ang humahanga sa taglay niyang ganda at talino mapa-babae o lalaki man yan. Nagm...