Jake P.O.VAng ingay? Ba't ang ingay nila o nanaginip lang ako pero ba't mabigat ang pakiramdam ko at masakit?
Napamulat ako sa sakit na nanggagaling sa braso ko, nais ko sana itong makita pero madilim ang paligid na kinaroroonan ko, kinapa ko ang akong paligid at naramdaman ko ang mga maraming pader. Bakit may mga pader? Nadaganan ako ng mga pader, ano ba ang nangyari? Wala akong matandaan.
Hinawakan ko na lamang ang sumasakit kong braso at nalaman na itong nasugatan at dumudugo pa.
"Tulong!" Sigaw ko para makahingi ng tulong pero walang dumating. Kaya sinubukan kong i-urong ang pader ng dahan-dahan kahit sumasakit na ng subra ang braso at katawan ko.Sa wakas ay naalis ko rin ang pader, ng makita ko na ang kapaligiran, bigla akong natulala. Ba't ganito? Ang paligid ay puno ng usok at apoy na sa pag-aakala mo ay bago lang nanggaling sa matinding gera.
Dahan-dahan akong naglakad pero di ko na alam kung saan ako papunta, tinignan ko ang buong paligid, may mga dugo, may namatay.
Nalilito na ako, ba't wala akong maalala at ang pangalan ko lang alam ko pero ang apelyido hindi.
Lakad-lakad lang ako ng lakad, parang gusto ko nang sumuka sa nakikita ko. May mga tao pa bang buhay?
"Hello!!! May mga tao pa ba?!!" Sigaw ko ulit ng biglang may narinig ako.
"Grrrrrrrrrr! Grr!"
May nakita akong tao.
"Hello? Manong? Ok lang po ba kayo?" Sigaw ko at tumingin sakin ang lalaki at dahan-dahan na naglakad papunta sakin pero ang lakad nya ay di tuwid, para syang lasing na galing sa inuman.
"Grraaaaa!"
Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong duguan at puno ng kagat ang buo nitong katawan. Napatakbo ako pabalik kung san ako ng galing, kahit nanghihina ay binilisan ko ang pagtakbo.
"Ahh! Tulong! Tulong may humahbol sakin!" Sigaw ko habang tumatakbo, di ko na makaya ang sakit.
"Graaaa!"
Takbo. Kailangan kong maka-alis dito at humingi ng tulong. Tumakbo ako hangang makaabot ako sa isang dead end.
YOU ARE READING
Zombie Apocalypse: Control
Fanfiction𝐍𝐚𝐠𝐢𝐦𝐛𝐚𝐥 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐠𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐦𝐚𝐥𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐚𝐚𝐤𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐦𝐨𝐯𝐢𝐞𝐬. 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐧𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠-𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐉𝐚𝐤𝐞...