Jake P.O.V"Dead end na, pano nato." Tarantang bulong ko sa 'king sarili, mataas ang pader na nasa likod ko at di ko ito kayang akyatin, seguru ay dito nalang ako. Tumingin akong muli sa humahabol sakin, papalapit na ito, tinignan nya ako na para bang isa akong masarap na pagkain.
Naririnig ko ang malakas na tibok nang aking puso, sa subrang takot ay ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at napaupo sa lupa. Hindi ko kayang saksihan kung ano man ang gagawin sakin ng halimaw na nasa harapan ko.
Papalapit na sakin ang halimaw pero wala akong magawa upang labanan ito, kahit bakal man lang.
"Grrrrraaaaaaahh!!!"
BANG!
THUD!
Nakarinig nalang ako ng putok ng baril at kasunod 'non ay pagkatumba ng isang tao o bagay, nang wala akong maramdamang sakit ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita kong nakahandusay na sa lupa ang halimaw na humahabol sakin at may tama ito sa kanyang ulo.
Hindi ko man lang naramdamang may lumapit sakin.
"Oi? Ok ka lang ba?" Napalingon ako bigla kung san nangagaling ang boses, isang lalaki, mga nasa edad tryanta, may begote at pang cowboy ang purmahan, sya seguru ang bumaril dahil sa dala nyang dalawang baril.
"O..okey lang po ako, salamat po sa pagligtas sakin." Pasalamat ko.
"May dugo ka, ano yan? Sugat o kagat?" Galing naman ang tanong na iyon sa isa sa kasama ng lalaki, suot nya ay black jacket, black jeans at army boats. May dala-dala rin syang baseball bat na napapalibutan ng matatalim na wires.
Hinawakan ko ang aking dumudugong braso. "Sugat po ito nong natrap ako sa gumuhong pader." Sagot ko.
"Seguraduhin mo lang."
Tumango na lamang ako.
"Ano pala pangalan mo?" Tanong 'nong cowboy sakin.
"Jake po."
"Jake lang?"
"Yun lang po alam ko dahil wala na akong maalala pang iba." Sambit ko, di katagalan ay naramdaman ko nalang na biglang nanghina ang buo kong katawan at para bang lumulutang ang ulo ko sa hangin.
Napansin iyon ng lalaking nasa harapan ko.
"Oi? Jake?" Tanong uli ng lalaking hindi ko alam ang pangalan pero para bang ang boses nya ay nanagagaling sa kabilang tunel.
"Jake? Oi? Ok kalang ba talaga?" Hinawakan nya ang balikat ko pero bigla nalang nandilim ang buong paligid.
Huli kong narinig ang boses nya na tinatawag ang aking pangalan.
YOU ARE READING
Zombie Apocalypse: Control
Fanfiction𝐍𝐚𝐠𝐢𝐦𝐛𝐚𝐥 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐠𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐦𝐚𝐥𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐚𝐚𝐤𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐦𝐨𝐯𝐢𝐞𝐬. 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐧𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠-𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐉𝐚𝐤𝐞...