Chapter 3

1 0 0
                                    

AT HAYAN NA ANG PANGATLONG PAHINA ANG STORYANG ITO. NGAYON RIN LANG AKO NAKAPAGLAGAY....

No one's P.OV

"Jake?!" Nabigla ang lalaki nang biglang natumba si Jake.

"Henrey? An'nangyari sa kanya?"

"Maraming dugo ang nawala sa kanya dahil sa dumudugo nyang sugat. Dali, Jonash dalhin mo na yung mga kinuha natin at babalik na tayo sa kampo, baka maabutan pa tayo dito ng mga walkers." Saad ni Henrey, tumango naman si Jonash at agad na binitbit ang bag na puno ng mga dilata at iba pang gamit upang maka-survive sa susunod na araw.

Tinalian naman ni Henrey an sugat ng binata upang tumigil ang pagdurugo at agad na binuhat, sinundan si Jonash.

.....

CREEEEEECCCCKKK!!

Nang makarating ay agad bumukas ang gate. Ang lugar na iyon ay napapaligiran ng mataas na pader. Agad na pumasok ang dalawa.

Ang loob ang may mga bahay, kaagad na pumasok si Henrey sa kanyang bahay at bumungad sa kanya ang kanyang mga kasamahan. "Kuya Henrey, sino po yang dala nyo?" Isa sa kanila ang pumutol ng katahimikan, bumukas ang pintong nasa gilid ni Henrey at pumasok si Jonash dalaa ng bag at inilagay nya ito sa isang malapit na lamesa, maraming mata ang tumingin sa kanya pero bumalik rin naman ang kanilang tingid kay Henrey ng magsalita ito. "Nakita namin sa labas, bilis, asan si Julie, kailangan ko sya rito ngayon." Utos pa ni Henrey at agad na umakyat sa itaas dala ang sugatang binata, agad naman nya itong inilagay sa isa sa mga kama at ganoon din ang pagdating ng isang babaing nakasuot ng red shirt at pale blue na pantalon. Nasa edad bente, maputi at makinis ang balat, may kurti rin ang kanyang  katawan at nasa 5'4 ang tangkad.

"Anong nangyari dito at sino yan?" Tanong ni Julie at agad na umupo sa kama at tinignan ang sugat ni Jake.

"Nakita namin ni Jonash habang pabalik dito. Muntikan na ngang maging haponan ng mga nangagain ng tao sa labas." Sagot naman ni Henrey habang minamasdan ang dalagang gamutin si Jake. Nang matapos ay tumayo si Julie at nilinis ang kamay. "Ano ang pangalan ng batang yan Rey?" Tanong pa nito at tumingin sa kanyang tinutukoy.

"Jake. Yan yung sabi nya pero wala na raw syang iba pang naaalala." Sagot naman ni Henrey at tumingin sa kaibigan. "Ano nang kalagayan nya?"

Napabuntong hininga si Julie, alam ni Henrey na maging masama ang sasabihin nito. "Andaming dugo ang nawala sa kanya at kailangan nya ng matinding pahinga. May impeksyon narin ang kanyang sugat at lalagnatin sya dahil sinusubukang labanan ng kanyang katawan ang impeksyon, tawagin mo lang ako pag nangyari yun at isa pa, pakainin mo rin sya pag nagising sya." Tugon ni Julie at inempaki ang kagamitan. "Salamat pala Julie, niligtas mo na naman ako." Ngiting pasalamat ni Henrey

"Nah, wala yun Rey." Saad ni Julie at ngumiti. "Sege't aalis na muna ako, byebye!" At umalis.

Napabuntong hininga si Henrey at kinamot ang ulo. "Kailangan ko na munang maglinis, para akong cowboy na walang sariling kabayo." Pabirong sambit nito sa sarili at umalis upang maglinis ng mabilis, ng matapos ay agad ring bumalik kung san ang binatang sugatan at binihisan ito habang tulog.

.....

Dumilim ang paligid at ang mga bituin ay lumitaw sa madilim na kalangitan. Ang mga halimaw ay nagsimula nang lumabas at di kalaunan ay dumami, sa isang lugar na pinapigiran ng mataas na pader, ang mga taong nasa loob nito ay masayang nag-uusap sa kanilang tahanan.

.....

"Mataas ang lagnat nya." Saad ni Julie at nilagyan ng basang panyo ang ulo ni Jake. Habang sya ay tulog pero alam ni Julie na nahihirapan ang binata sa nararamdaman dahil nakikita iyon mismo ni Julie sa kanyang mukha. Di nya alam kung ilang araw nang nasa labas ang binata at ayon sa nakuha nyang impormasyon galing kay Henrey ay may amnesya  si Jake dahil sa natamo nitong sugat sa ulo nito at dala na rin seguru sa  truamang sinapit.

"Alam ko." Henrey

"Bukas o mamaya ay  bababa narin ang lagnat nya baka magising na rin." Julie.

Tumango si Henrey at agad na umalis ang dalawa upang hayaan makapagpahinga si Jake.

.....

Jake's Unconcious State

'Bat ganoon nalang sila pero walang lumalabas saking bibig o sadyang di bumubuka ito?'

'"Anak. Pasinsya kana ha kung kailangan itong gawin ng iyong ama, kailangan nyang burahin ang alaala mo tungkol dito, tungkot sa itinuro sa iyo."'

'Ano? Huh? Anong itinuru sakin? Wala akong maintindihan.'

'"Kinakailangan ito upang walang maghanap sayo dahil ikaw lang ang may alam ng nalalaman ng iyong ama. Kung ano ang mangyayari dito sa mundo dahil pag nahanap ka nila, papatayin ka nila."'

'Sambit iyon ng babae na dahan-dahang tumutulo ang mga luha. Tinignan ko sila na may halong pagkalito at kaba pero bakit pamilyar sila sakin kaso wala akong maalala kahit kaunti.'

'Lumapit sakin ang lalaki na may hawak na seringilya na di ko alam kung ano ang laman. Nanlaki ang aking mata nang matanto kung ano ang gagawin niya dito, ninais kong gumalaw, kumalis upang makaalis pero para bang hinayaan ko lang gawin sakin iyon.'

'Tumutulo narin ang mga luha ng lalaki nang itinurok na nya sakin ang seringilya at naramdaman ko nalang na nandilim ang aking paligid. Narinig kong umiiyak ito at naramdamang may yumakap sakin ng mahigpit.'

'"Patawarin mo ko Jake, patawad kong ginawa ko ito. Patawarin mo ko anak ko, mahal ka namin ng ina mo...." Iyon ang huli kong narinig mula sa lalaking tinawag akong anak habang ako'y dahan-dahang kinain ng kadiliman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Zombie Apocalypse: Control Where stories live. Discover now