Chapter 8

700 28 2
                                    

I've been contacting Kendrick for the last two days, he can't be reached. Gusto kong isuli sa kanya ang sobreng inabot sa akin bago bumaba ng sasakyan, may kasama pang paperbag.

I know that the envelope consists money beforehand, natuwa ako kasi may sweldo agad. Sa kwarto ko tiningnan ang laman, kakahiya naman kung sa harap niya, di ba?

But what shocked me the most?

The envelope has 30 thousand!

Halos malaglag ang panga ko! Manipis lang kasi bago ang lahat ng pera, parang bagong withdraw kaya hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang laman.

Kaya naman isusuli ko, sobra-sobra ito. I needed money but I'm not an oppurtunist! Kaya nga imbes na tanggapin ko ang unang sampung libong bigay niya, humirit ako ng trabaho.

Ini-expect kong malaki na ang five hundred, tapos 30 thousand!?

At ang laman ng paperbag, halos umiyak ako, stet, Littmann classic III.

Tila bumigay ang puso ko. Feelings overwhelmed me. I actually don't know what to feel towards him. He's so good to me, hindi niya naman ako kaano-ano.

Kaya paulit-ulit ko siyang tinatawagan, sobra-sobra 'tong mga binigay niya. But I only got a text as an answer.

Kirara:

Sup?



Sup-sup ka diyan! Sup-sup mo mukha mo!

Bakit ayaw nito sagutin? Alam yatang ibabalik ko sa kanya ang pera kaya ayaw ako kausap.

I named him Kirara on my phone, para hindi mahalata noong tatlong asungot. Saka cute si Kirara sa Inuyasha, kabaliktaran niya.


Ako:

Isusuli ko pera mo. Saka bakit mo ako binilhan ng stet? Sagutin mo tawag ko.


I dialled his number but he never answered. Naiinis na talaga ako. Tapos nagawa pang magreply, maano bang e-swipe na lang niya, kakapagod mag type.


Kirara:

Ibili mo ng reference book. Regalo na iyong stet.



Tila ilang minuto kong tinitigan ang reply niya. Wala akong masabi kasi ang totoo niyan, nahahati ako. I really can't believe it, talaga bang may nag-e-exist na ganitong tao?

Na mabangis, na estranghero... ngunit ganito.

If there's a devil with the lamb's robe, Kendrick's a reverse.

I remembered, I once told him that the approximate price of my books is 30 thousand. Naalala niya kaya siguro nagbigay ng ganitong halaga.

But I can't, I'm so uncomfortable recieving something that I haven't worked for. It's 30 thousand, malaking-malaki 'to para sa akin.

Mapag-iipunan ko naman iyon ng pakunti-kunti. Mabibili ko naman ang libro 'pag pinagtrabahuan ko pa.


Ako:

Why are you giving me this? I don't need charity.



Mga dalawang minuto siguro ang dumaan bago dumating ang reply niya.


Kirara:

I didn't give you that, you worked for that. That's a small amount of money. Malaki ang panalo ko, that isn't a problem.



Ganoon ba talaga kalaki ang kita niya sa MMA? E marami pa naman siyang ka team, baka pinapaboran niya lang ako kasi desperada akong makahanap ng pera dahil kailangan na kailangan ko talaga.


The Not-so RegularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon