Chapter 38

697 28 17
                                    


Pioneer Avenue is filled with people, nagbayad kami para sa aming pwesto sa Sugbahan sa Dalan in General Santos City. We took a late drive from North Cotabto last night to attend the one of the highlights of the Tuna Festival, a celebration of food and culture.

Nauna na sina Draco, Damien, Gus at Hunter dito, they rented a beach villa in Sarangani and they said they went to Balut Island and stayed there for three days. Nagsariling tour nalang daw sila at ang tagal daw naming magpunta.

Natatawa pa nga ako dahil ako ang nag-aya pero kami pa ang nahuli, kawawa tuloy at nagsariling sikap ang mga ‘yan. Di pa naman sila marunong magsakita ng lokal. Pero malalaki na naman sila at kaya na nila ang sarili.

We are all standing by the grill, kanina ko pa nadidinig ang mga papuri nila sa tuna na iniihaw. It’s fresh and delicious, pinaresan pa namin ng toyo, kalamansi at kamatis. Nagkakamay na nga rin din.

Hunter placed a grilled shrimp on my plate, it’s been piling, mga lima na yata mahigit. Para kaming nagpi-picnic dahil sa set up. May mga upuan na ginagamit sa camping na nakalatag sa aming likuran na hindi na namin nagagamit dahil mas masarap tumayo.

Halos katabi ng grill namin ang mesa na pinapatungan ng mga gamit. Box ng kanin, softdrinks at baso, ilang bakangteng tupperware at mga sawsawan. Sa ilalim noon ang cooler na may lamang yelo at can ng beer.

The street is bustling at makapal ang usok pataas pero nakakahumaling na amoy ng preskong inihaw. Whenever I smell it, I smell Gensan. It always reminds me of Gensan. Idagdag pa ang amoy ng ilang klase ng seaweed saka suka.

Kanina pa paroo’t parito ang mga dalaga at nagbibigay ng pagkain sa amin dahil sa mga kasama ko. Isda, prutas, juice, anything they can offer. Kung di man makalapit ay panay naman ang tingin. Wanting a little attention.   

They are like on celebrity status. Naka cargo shorts at simpleng t-shirt pa lang ‘yan. Ano pa kaya kapag nakita nila ang mga ‘to na naka-corporate.

Kendrick is wearing the same, khaki cargo shorts, vneck black tshirt and white sneakers, I wear fitted black shirt, light blue denim straight leg jeans and white sneaker. Our shoes are twining.

Damien and Draco are somehow entertaining the ladies while fanning the charcoal, exchanging conversation with them but our good boy, Hunter is busy flipping our food on the grill. And Gus is just silently glancing at them while eating, declining any talk unless its us.

I was about to put my plate on table so that I could get the shrimp and peel it when my husband took it and do the work for me. Kanina ko pa siya inaayang kumain pero mas pinili niyang ipagluto na muna ang lahat, ngayon ay napalitan na siya nina Hunter at Draco sa grill.

Inilagay niya sa isang gilid ang mga wala ng balat, kinuha ko iyon at isinawsaw, nilagyan ng kaunting kanin at sinubo sa kanya, bago nagsubo rin ng para sa akin.

Tumikhim si Damien na nakatayo sa tabi ko, akala ko ay nabulunan lang pero nang sinubuan ko uli si Kendrick ay tumikhim na naman kaya sinipa ko na sa binti, alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"Aray naman!" Sinamaan niya ako ng tingin saka nginuso ako kay Kendrick, tahimik na nagsusumbong ng ginawa ko.

Kendrick eyed him, like its his fault. Damien’s face flattened. I showed him an evil smile.

Duh! Ako ang kakampihan niyan!

Nagbalat uli ng hipon si Kendrick, ganoon pa rin ang ginawa ko, sinubuan siya. At 'tong isang unggoy sa tabi ko ay hindi pa rin mapakali.

“Para pala tumagal, dapat magsubuan?” Damien teased innocently pero biglang napaubo si Gus, nag-abot pa siya ng baso ng soft drink sa may mesa, sunod ay naiiling na tumawa.

The Not-so RegularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon