Ang love talaga, mas madalas dumadating ng biglaan. Minsan magugulat ka nalang nandyan na pala sya. At minsan.. dumadating sya kapag hindi pa pwede.. O kaya.. Hindi na pwede.
Ako si Erin..
Bata pa ko, wag mo na itanong. High school student, presidente ng SSG.---
OCTOBER 2011Busy busy busy. Soooobrang busy! Napapagod na ko pumasok ng 7:00am hanggang 6pm! Para na kong nakatira sa school!
Paikot-ikot sa campus, lalabas ng campus, lilipat ng classroom, kakausapin si ganito, si ganyan, uutusan si ganito uutusan si ganyan, type dito, type doon. Yan ang naging daily routine ko simula ng nag-october.
May isang section akong pinagiistay-an lagi kase nandoon si Ma'am dela Cruz, yung adviser ng SSC. Third year section Rose. Basta di pedeng matapos yung araw na pumunta ko sa room na yon.
Stressful masyado para sakin tong event na ito dahil ito yung much awaited event of the year bukod sa foundation week. United Nations ito, sobrang daming events. Mas naging stressful pa dahil ako yung pinakakumikilos sa lahat.
Ang main event ng UN ay yung Mr and Ms United Nations. A week before the event, sobrang galgal na ko. Basta!!! Stressssss!
★★★★★★★★★
OFF TOPICMay isang lalaki sa SSC na sikat daw. Si Red. Although alam ko pangalan nya, di ko alam kung ano ang nagawa nya para maging sikat sa school. Kapatid nya yung classmate ko, kaya nakilala ko. Sumali din daw sa Mr&Ms yun dati.
"Pogi ba yan? Bat di ko feel?" Tanong ko sa classmate kong kilig na kilig.
Pero habang tumatagal.. Cute nga.
Kaso snobbers. Edi ikaw na. Kaw na pogi.PS. Nasa advisory class sya ni Ms. Dela Cruz. Kaya araw araw din kami nagkikita.
Kaso officer sya e. Pero bat di sya tumutulong! Tss badtrep.
--------
Di ko nalang ininda ng husto yung short comings ng council ko. Instead nagappoint ako ng chairmen and chairpersons para makabawi sila.
Palapit na nang palapit ang big day! Sobrang kinakabahan na ko. Yun yung first major major event ko. At di pedeng magfail! Buti nalang sa araw ng event di na ko kikilos ng sobra dahil may council na gagawa non para sakin.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mini Forever
FanfictionIstorya ni Erin na umibig, umasa, nasaktan. Read from the first one :) walang sayang na chapter jan :)