2

42 1 2
                                    

Big Day!!!!!!!!!

This is it! I went to school reaaal early para sa finishing touches ng event. Nagset up na and everything.

Muntik pa kami sumabit dahil wala kami mahiraman ng tela para ipang harang sa stage. Buti lang nandoon si Renzo. Ang ♥♥ ko. Lol. Crush ko yun. 3rd year high school palang ako crsh ko na yun.. Nagawan nya ng paraan. *haaaay savior 0:)*

Inaayos namin lahat. Nagbubuhat, lahat! Tas eto si Renzo.. Palapit sakin habang kausap ko si Mr. Munsod. Yung guidance councilor namin na mas cool pa kesa sa Alaska! May bottled water na dala si Renzo. Pagdaan sakin inabot nya yung tubig at binato yung bimpo nya. Sign na punasan ko daw pawis ko..

Wait... Whaaaaaaaat did just happened?!

Natameme ako for approximately 3secs. Lol. Ginising ako ni Mr. Munsod sa aking pagtameme..

"Uuuuuy!! Kayo na ba?" Kantyaw ni sir.

"Ha? Sir?? Ano meron?? Haha! Pano magiging kame e no feelings naman. Haha!" Confident kong sagot.

Tuloy pa din si Sir Munsod sa pagkantyaw sakin.

Haaaaay ano ba yun? Napapansin ko din kaseng super lapit nya sakin ever since nung nagfourth year kami. Pero no string attached talaga. Crush ko lang talaga si Renzo.

Back to the story..

So ayun na nga big day.. Half day lang ang school sched namin today dahil nga may event.

Nasalubong ko si Red.

"Hi!" Bati ni Red..

"Uy!.. Uy ikaw ha di ka tumutulong.." Mahinahon kong sabi sakanya. Di ako galit sinabi ko lang talaga :)

"Uy hindi ah, tumulong ako. Tsaka mamaya usher ako sa pageant.."

"Ay weh?? Tsk tsk pero dapat miski nung nakaraan tumulong ka. Pero sige ayusin mo mamaya ha.."

"Ganito nalang.. Para mapatawad mo ko, ililinre nalang kita. Ano ba gusto mo??"

"Ha?? Yun agad?? Hahaha! Pero sige dahil sinabe mo.. Gusto ko nung Cornetto Disc! Kahit yun lang, okay na ko. Haha!"

"Yun lang?? Tara!"

"Ay ngayon agad? Haha! Uwi na muna ko. Mamaya nalang pagtapos ng UN.."

"Ngeee, sige sabi mo eh., ingat ha! Bbye!"

"Bbye"

Ang weird.
Weird kase never naman nya ko kinausap ng ganon.

Umuwi na ko para makapagpahinga at makapagrefresh bago man lang magstart yung event.

----------

Malakas ang hiyawan.. Excited ang lahat. Kanya-kanyang pambato ang bawat isa.

Miski ako sobrang excited.

Rumarampa ang bawat contestant.. Mapalalaki mapababae napapahiyaw sa bawat paglabas ng mga candidates.

Haaaay grabe worth it ang stress at pagod.

So as the president.. I have to check everything.. Kung may kailangan ba or whatsoever..

I suddenly saw Red. Nasa gilid sya ng stage..

*jawdrop*
*insert tulo laway here*

Napatigil ako. Nagslow motion!
Aaaaaaaaang gwaaaaaaapoooooo nyaaaaaaaaaa.

He's wearing a black vest, white long sleeves, plus may bow tie.

Ba't ganon? Sakanya ang gwapo tignan ng nakavest at bow tie.. Ba't sa iba ang waiter ng datingan..

As usual.. May pumutol sa pagpapantasya ko..

"Si Red ba yun?" Tanong ko sa KJ na gumising sakin.

"Yes Presi(dent).."

"Aba totoo pala.."

I proceeded sa mga ginagawa at dapat kong gawin.. Nairaos nang maayos at sobrang ayos yung event. I'm so glad na kahit last minute na.. Nagkaisa ang council at naging maayos ang event.

-----------------------------------
Ayun ang unang kilig moments ni Erin kay Red.
E paano naman si Renzo? May feelings kaya si Renzo para kay Erin? E si Red? Nagpaparamdam din ba yun???

Alamins sa mga susunod na kabanata. :D

PS. COMMENT LANG PO. LIBRE LAIT WAG LANG HARSH :)

Ang Aking Mini ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon