Maaga na naman akong nagising dahil sa pag pukaw nang aking pinsan,"Ang lakas naman nang boses mo insan mangigising na nga lang masisira pa eardrums natin,tss."pagsisimangot ko sa kanya na ngayon ay naka harap sa akin na parang maiiyak na, para bang nagbabadya ng tumulo ang kanyang mga luha

"Ayse uhm s-si mama bakit hanggang ngayon wala pa?, Saan na kaya sya at bakit hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi?." Takang tanong naman nito sa akin

Oo nga hindi pa nakakauwi si tita ling, ako na nga yung nag luto ng hapunan namin kagabi ni hindi nga napansin ni jannah na wala si tita kagabi dahil panay ang tutok nito sa cellphone

"Hay naku baka nakitulog na yun nila tita reese naki marites na naman iyon jannah, kaya wag kang mag-alala jaan."pangungumbinsi ko rito at para hindi nya mahalata na nag-aalala din ako sa mama nya dahil galit ang peg namin ni tita nung mga nakaraang araw na kahit ni isa sa amin ay walang nag paramdam ng guilt sa isa't isa

"Oh sya jannah pumasok na tayo sa school at baka ma detention na naman tayo ng magaling na teacher doon." Pag-iiba ko sa usapan

"No hindi na, wala akong ganang pumasok ngayon hihintayin ko si mama dito." Malungkot nitong sambit sa akin

"Ah ganon ba insan, uhm sige i-excuse nalang kita sa lahat nang subjects sabihan ko si ma'am." Sambit ko bago ako umalis sa bahay nila

"Hay naku saan na kaya si tita ling at hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi, eh mapuntahan nalang kaya kina tita reese at baka nandoon nga sya." Wala sa sarili kong sambit bago paman ako maka balik sa daan papunta kina tita ay may nakabangga sa akin, malaki ang katawan, matangkad, naka tuxedo pa at parang kakahubad lang nang kaniyang coat at sadya pang naka bukas ang ilang butones sa kaniyang damit, aaminin kong ang gwapo niya ang puti ng balat at saka ko lang nalaman nang mabalik ako sa huwisyo na ito'y naka tingin sa akin na para bang nagtatanong

"Uh eh uhm s-sir? Maaari ka po bang makaalis sa daanan?May pupuntahan po ako   ." Nagpuppy eyes pa ako sa kanya para naman maka alis ito sa daanan ko

"Oh uhm hello miss?."pagtatanong nito sa akin na para bang pangalan ko ang tinatanong

"Oh uhm I'm Farrah Ayse Rodriguez nice to meet you sir?." May pagkainis na sagot ko sa kanya

"Ah nice to meet you farrah my name is Raizen Ezekiel Lauriel ."pagpapakilala nito sa sarili

"Mukha ba akong nagtanong sa pangalan mo sir?." Pagsusungit ko dahil alam kong late na late na ako sa two classes ko, wah dalawang detention slip na naman UGH!

"May kakilala ka bang Lialing Rayn Monterey?." Pagtatanong nito na ikinalaki ng mata ko

"Bakit mo naman natanong sir, tita ko yon bakit alam mo ba nasaan sya ngayon, matutulungan mo ba ako mahanap sya!?." Sunod-sunod kong tanong na ikinatawa niya nang mahina

"Sige tara alam ko kung nasaan, samahan mo ko ." Pag-aabot niya ng kanyang kamay sa harapan ko

Nag-aalinlangan man ay iniabot ko sakanya ang kamay ko, dahil alam kong magiging masaya si insan kung makakauwi na si tita ling

You're Mine Now Where stories live. Discover now