NGAYON ay nakasakay na kami sa kaniyang sasakyan, panay ang tingin nito sa side mirror na animoy parang may sumusunod sa amin

"Uhm sir maaari po bang tumingin po kayo sa harap at baka mabangga po tayo?."

"Oh yah I'm sorry."

"Para saan naman po yung sorry na yun?"

"Ah don't mind it malapit na tayo sa kinaroroonan ng tita mo, wag kanang maingay."

"Oh sige." sabay halukipkip ng mga kamay

Mga ilang minuto lang at dumating na kami sa bahay este MANSYON nila sir Raizen ,napaawang ang aking bibig nang makita ko ang kabuuan ng mansyon nila paglabas ko sa sasakyan, sadyang hinawakan ni sir raizen ang kamay ko na nagdulot ng daloy ng kuryente sa katawan ko

"Roseanna pakibukas ng gate!" pasigaw na sabi niya sa nakatayong babae na sobrang ganda kung may iba pang makakakita

"Ah Sir Raizen nandito na pala kayo." May kakaiba akong naramdaman nung nagkatitigan sila pero hindi ko nalang iyon pinansin pa

"Sige, nandiyan ba si pāpā?." Tanong naman ni sir raizen

"Ah opo nandun po sa kaniyang kwarto at nagpapahinga, kakauwi lang po kasi galing sa kahariang De Los Gatos." Pagpapaliwanag ni roseanna "sino po pala ang kasama niyo sir?" Dag-dag pa niya

"Wala ka na dun, oh sya paglutuin mo na ang mga kusinero natin at gutom na gutom na ako." Walang emosyong sambit ni Sir Raizen

Naka simangot namang tumalikod si Roseanna, alam kong nakita iyon ni sir raizen pero isinawalang bahala nalang niya ito o baka ganoon lang talaga ang ugali niya

Hinawakan ni sir raizen ang kamay ko na nagdulot na naman ng kakaibang nararamdaman sa katawan ko, nakita ko pa kung paano maningkit ang mga mata ni roseanna na animo'y tinututukan talaga ang ginagawa ni sir sa akin

"Tsk. Roseanna sundin mo na ang inutos ko sa iyo at makakain na kami, alam ko kung paano ka makatingin sa property ko at yun ang ipinagbabawal ko ni kahit babae ay hindi maaari maliban nalang kay amang hari."mahabang litanya na hindi ko maintindihan "property"? Ako ba ang tinutukoy nyang property niya? Eh? Ayse naman wag kang ganyan mag isip di mo pa kilala ang gagong to

"Ano kaya ang tinutukoy nyang property ako ba o....... Aish wag na nga lang na e stress lang ako sa lalaking to kung maka asta naman eh parang matagal na kaming magkakilala" mahabang pag iisip ko sa sinaba niya kanina

"Oops narinig ko yun, stay quiet, malalaman mo din ang lahat baby."

Saglit akong namula sa narinig ko, yiee kinikilig ka sa isang stranger Ayse tsk. Landi mo no?

Nang makarating kami sa dining hall nila ay nanlaki ang mga mata ko nang sobrang laki nito at sobrang dami ng pagkain WOOOW!!

BAGO pa ako makaupo at lumantak sa pagkaing nasa harap ay may biglang humawak sa kamay ko at nilagay sa likod niya at para sya na mismo ang umusog sa upuan para maka upo ako

"Ay gentleman, gusto ko yan!!" Kinikilig na ani ko sa aking isipan

"Oh I know baby now sit properly ang enjoy the food". Nakangiti nitong sambit sa akin na nagdulot nang kiliti sa aking tiyan na para bang nag pa-party ang mga paru paru sa tiyan ko

You're Mine Now Where stories live. Discover now