PAGKATAPOS na pagkatapos kong kumain ay hinanap kaagad ng mata ko si sir raizen ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko sya makita kaya naisipan kong magtanong sa mga katulong dito

"Uhm Hello po ako po si Farrah yung sinama po ni sir Raizen?"

"Ah si Master Raizen po ba?"

"O-opo sya nga po."

"Sige sumama ka sa akin."may ngiti pa na nagpangilabot sa akin

Hindi ko man alam pero gusto ko na syang makita kaya sumama na ako dito sa babaeng matanda na may soot na pang katulong

"Alam mo ba kung ano ang pinasok mo hija?"tanong nito habang naglalakad kami sa isang madilim na pasilyo

"A-ano po ang ibig sabihin niyo?" Nanginginig ang aking boses

"Naniniwala ka ba sa bampira hija?"

"Hahaha hindi po, dahil hindi naman po talaga sila totoo, kathang-isip lang naman iyon."natatawa kong sagot

"Wag ka muna tumawa, dahil hindi mo pa alam ang lahat." May kaunting nabuo na ngiti sa kanyang labi

"W-wag na man po kayong gany--" hindi ko na natapos ang pagsasalita ko ng marinig ang boses ni tita ling na mukhang umiiyak

"Ahm n-nay saan po nanggagaling ang umiiyak na boses na yun?" May halong pagtatakha kong tanong

"Ah yung bagong hinuli ba ang iyong tinutukoy?"

"Uh opo para po kasing magkaboses sila ni tita ling ko po, maaari po bang pumunta kung saan nanggagaling ang boses?"

"Uh oh hindi ko iyan masasagot dahil baka makita mo na akong walang buhay haha." May halong pait na sambit nito

"Hindi naman po yan mangyayari, sabihin mo nalang kasi kung saan dahil kung pwede ako nalang po ang pumunta."

"Kung ako sayo hija wag nalang, binabalaan na kita ayokong mapahamak ka, dahil alam kong wala ka pang kaalam-alam sa pinasok mo."  "Ayoko lang matulad ka sa anak ko na babae." Dugtong pa nito

Hindi na ako nagtanong pa dahil alam ko na hindi maganda ang patutunguhan ng pag-uusapan namin, baka mapaiyak ko pa sya, mahirap na baka pagalitan ako ng Raizen nayun

"Maria!! Nasaan ka! Nakita mo ba si Ayse!? Maria sumagot ka! Kung hindi baka matulad ka sa anak mo!!"

Nagulat ako sa sumisigaw na galit na galit na boses ni Sir Raizen at parang hinahanap siguro si nanay dahil nanginig ito sa narinig na pangalan, ah baka maria ang pangalan niya.

"Oo maria ang pangalan ko hija, tara na at baka makita pa tayo ni master raizen."

"Sige po, una na po kayo at ako nalang ang bahala sa kanya."

"Sige hija, mag -ingat ka sa kaniya, iba yan magalit." Sambit nito bago mawala sa harapan ko ng biglaan

Biglaan?

Nagsimula na akong maglakad pabalik kung saan papunta sa salas ng mansyon, nakita ko ang nangagalaiting mukha ni Sir Raizen kaya dali dali akong pumunta papunta sa direksyon niya, nang makita niya ako ay parang nahimasmasan ang galit na mukha niya at madali akong niyakap sa kaniyang malalaking mga braso

"Baby!,saan ka ba pumunta, you made me worry much." Sabay yakap sa akin kaya bale nakakulong ako sa kaniyang malalaki na mga braso at napasinghot ako sa kanyang mabangong scent sa katawan

"Wow,ganyan ka pala mag-alala sa babae mo raize, mabuti naman at nahupa na ang pag-aalala at galit mo na parang kanina lang na kulang nalang halughugin mo na ang buong mansyon ninyo, haha." Tatawa-tawang sambit ng isang lalake na parang ka edad lang naming dalawa

"Pffft.."narinig ko naman ang pagpipigil ng lalake na nasa pang isahang sofa lang

"Shut up! You two! Kung gusto niyong makita ang hinahanap nyo, diba yun ang pinunta nyo rito?"

"Ah eh o-oo nga, pasensya na raize di ko lang mapigilan hehe."

"Sige alis muna kami."

"Then go, tatawag ako ulit sa inyo, dahil alam kong gusto niyo na silang makita."

Sinong dapat makita? Ano? Like heck hindi ko nga alam ano talaga sya base sa sinasabi ni aling maria, tsk, wag na nga lang baka mamatay pa ako ng maaga.

"Baby, nakakain ka na ba?"

"Baby?, Anong pinagsasabi mo jan sir raizen?"

You're Mine Now Where stories live. Discover now