"HEAVEN !!"
"..." nanatili akong walang imik
"Heaven, gurl, alam ko di mo pa din siya nakakalimutan, alam ko hanggang ngayon sya pa din, pero Hev, kailangan mo tanggapin na wala na sya. Wala na si Skyrie!"
"..."
"Heav--"
"Alam ko, Jana! Alam ko .. pero kahit anong gawin ko, bawat pagpikit ko ... siya pa din ang nakikita ko ! Gusto ko na kumawala sa alaala nya, pero buhay na buhay pa rin sya dito (turo ko sa ulo ko) lalong lalo na dito (turo ko naman sa puso ko). Ang hirap, Jana *huk* ang hirap" T_T at bumigay na nga ako.
Niyakap ako ni Jana at matagal na pinatahan. Nang kumalma na ako ay inaya nya na akong umuwi.
Ako nga pala si Heaven Jae Kim.20 yrs old. At kung nagtataka kayo kung nasaan kami kanina ng pinsan at bff kong si Jana Kim, nasa isang puntod kami.. puntod ng pinakamamahal ko, na hindi ko man lang nakita bago kinuha sa akin. Siya si Djen Skyrie Tan. 18 yrs old lang sya nang mamatay sya. Ang pagkamatay nya ay hindi agad pinaalam sakin. Nasa Korea ako nun for 1week vacation, umuwi ako nung isang araw matapos sya ilibing. Pagkatapos din nun ay bumalik ako ng Korea at dun ipinagpatuloy ang pag aaral. There I've tried to move-on. Nag aral lang ako ng nag aral, at minsan sinasama ako ni Jana sa mga gimik nila ng mga kaibigan nya dun. But that two words is really hard to get.
"Hev! lika na shopping na tayo!" Jana
At ayun, bumalik na ulit ako sa reality. (nye! me ganun?haha)
Nag ayos na ako at bumaba sa sala kung saan dumadada na naman ang pinsan ko.
"Tagal mo girl ah? Pa VIP mats ka teh !"
"Ah .. pasensya na, may ginawa lang!" sagot ko
At ayun, kinaladkad na nya ko papunta sa mall.
SA MALL
Nasa isang boutique kami at namimili ng mga dress.
"Hev, ano mas maganda? Ito o Ito?" tanong ni Jana habang hawak yung yellow at blue na dress. Parang pareho naman maganda? err
"Hmm... I prefer the blue one" sabi ko
"Ah .. ok , pero maghahanap pa ko. hihi" Jana
Adik talaga to -__-
"Geh dito lang ako banda" at namili na din ako..
Maya maya ay nakaramdam na kami ng gutom. Nagpunta kami sa Razon's, favorite ko halo halo nila dito eh. uhmm ... gutom tapos halo halo ?? haha yae na namiss ko eh.
Nang makaorder na kami ay naupo na kami sa table namin. Pero may napansin ako. Yung lalaki sa katabi naming table.
dub dub
dub dub
eh? ano tong pakiramdam na to?
"err ... Hev ?" Jana
"Oh?" ako
"Ba-bakit parang kamukha nya si Skyrie?" Jana
Napansin nya rin pala. Hay .. nalulungkot tuloy ako. Kung kelan gusto ko na kalimutan tsaka naman magpapakita tong kamukha nya.. Sky, ayaw mo ba kalimutan kita?
"ah .. ehh oo nga eh. he he" pilit na tawa ko
"Yae mo na nga lang yan gurl, bilisan nalang natin kumain." Jana
Uhmmm err... bakit parang ang cold naman dito? brr... tumatayo tuloy mga balahibo ko. Pagtingin ko dun sa lalaki. O_o
dub dub
dub dub
Oh my momay ... bakit nakatingin sya sakin??? Tinignan ko si Jana kasi baka nakita nya din, pero busy lang sya sa paglasap ng pagkain. Bumalik ulit ang tingin ko sa lalaki at .. Nakatingin pa din sya O_o
dub dub
dub dub
err ano ba to? pati puso ko natatakot na?
natatakot nga ba? parang may mali eh ..
"err .. may kailangan ka?" naglakas loob na kong tanungin sya
Eh? Nagulat sya nung bigla akong nagsalita.
"No-nothing .. it's just that ... arggh ..." yung lalaki
dub dub
dub dub
eh? anu yun ? napahawak sya sa ulo nya at parang nababaliw na ewan. Tapos tumayo na sya at lumabas. pe-pero yung boses na yun.. haay .. bakit Sky? naaalala kita sa kanya :'<
"Gurl ano ginawa mo?" usisa ni Jana
"huh? a-ako? sya nga un eh .. kanina pa sya nakatingin sakin .. nung tanungin ko naman ayun .. nagbaliwbaliwan" sabi ko
"nye? sayang ! gwapo pa naman hehe" Jana
“Ikaw talaga "
"tara na nga ... nagkakabaliwan na dito eh haha" Jana
Lumabas na din kami at umuwi na.
Err.. I’m just wondering … sana sya na lang si Sky !!
Haay .. bakit kasi kamukha nya pa ang lalaking pinakamamahal ko? ? ..tsk