Epilogue

129 15 2
                                    

After 6 yrs., masaya ako dahil mas lalaong tumitibay ang pagsasama namin ni Sky, at syempre dahil na din na rin sa dalawa naming anghel. Oo dalawa.. haha ang galing nga eh, kambal yung anak namin, lalaki at babae pa. Ako na ata ang pinakamasayang babae sa buong mundo.

“Hon” bulong ng lalaking yumapos mula sa likuran ko.

“hmm?”

“Tignan mo ang kambal, ang saya nila noh?” sabi nya

“oo nga eh”

“uhmmm.. siguro mas sasaya sila kung dadagadagan pa natin?”

O_o

“ANONG SABI MO? ?”

“Joke lang naman hon, kaw talaga haha” at hinigpitan nya pa ang yakap sa’kin

“Wala ka na namang magawa ah? Psh”

“aww.. wag ka magpout.. natetemp ako”

“psh oo na..”

“Hon, salamat at naibalik mo ang alaala ko .. di ko man alam kung kumpleto na ba yun lahat, basta ang alam ko, masaya akong kasama ka sa paggawa ng panibagong alaala” sabi nya

“Ang drama mo, Hon.. haha”

“psh .. do not ruin the moment .. ayt” tapos sya naman yung nagpout.. Ang cute lang eh haha

“haha ok ok .. ako din naman nagpapasalamat dahil akala ko kasabay ng pagkawala ng alaala mo ay ang pagkawala ng lugar ko sa puso mo”

“Ah basta .. Mahal kita, Heaven ko … ikaw lang”  saad nya

“talaga? Ako lang?” tanong ko naman

“ay hindi pala…meron pa..”

“ANOO?” loko to ah .. may iba pang mahal? psh

“aish .. wag ka naman sumigaw.. syempre mahal ko din ang mga anak natin noh!! Ikaw talaga”  sabay kurot sa ilong ko.

“akala ko kung ano na eh”

At hinalikan nya ko ng mabilis sa labi.

“psh .. sabi ko wag magpout eh” Sky

“kaw talaga..umiiskor ka na naman eh”

“haha hindi ah.. umm tara na? pasok na tayo sa bahay”

“sige tawagin ko na ang mga bata”

Nauna na syang pumasok sa loob ng bahay.

 “Hayley! Dayle! Kids, come on inside.. we’re goin’ to eat na.. your Dad is waiting” sigaw ko sa mga anak ko.

At tumakbo naman sila papalapit sa kin.

“Come on mom, Dad is waiting!” sabay pa nilang sabi sakin.

Tamo tong mga ‘to. Ako ang tumawag sa kanila pero akala mo sila ang nag abalang puntahan ako dito sa labas para kaladkarin papasok ng bahay para kumain.. haha 5yrs old palang pero mga ingglesero na.

 “uyy!”

“Ay kabayo ka!”

“Hon naman.. di ako kabayo noh!” si Sky lang pala

“haha kaw kasi ginugulat ako eh .. umm tara kain na tayo ^__^”

“o sige po ^__^”

At dumiretso na kami sa kusina. Nakita namin ang kambal na pinipilit abutin ang mesa para lang maiayos ang mga pinggan.

 “Ang cute nila noh?” sabi ni Sky

“oo nga eh.. ang swerte natin nagkaroon tayo ng ganyan kababait na mga anak” sabi ko

“oo nga.. salamat sayo, hon ^___^ I Love You” Sky

“oo na po .. haha I love you too ^__^”

At ayun, lumapit na kami sa mga bata para tulungan silang maghain.

Haay .. ang saya lang magkaroon ng ganitong pamilya ^___^

Akala ko di ko na to mararanasan nung mawala sya, pero heto kami ngayon. Gumagawa ng panibagong alaala, kasama ang mga anak namin.

Salamat, Bro ! ^__^

----------------------------------------------------

A/N: uwaaaa ayos naman po ba ito ?? first story ko to dito eh .. short story lang po .. feedback naman oh ... wag naman po sana laitin ..

Thank You po ^___^

---eirellei

Still The One (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon