Chapter IV:

148 13 0
                                    

10 moths na mula nang makalabas si Sky mula sa hospital.

"Heaven?"

"Yup? ^___^"

"Sawa ka na ba sakin?"

"Huh? bakit naman?"

"ka-kasi, di pa din malinaw sa kin ang nakaraan natin.. pe-pero, alam ko, may pakiramdam dito sa puso ko .. na-na mahalaga ka sa-sakin"

Pagtingin ko sa kanya, nagba blush sya .. 

Ang cute lang eh haha

"ano ka ba? di ba sabi ko sa'yo, ako na ang bahalang ibalik lahat ng memories natin? ang mahalaga sakin magkasama na tayo ^__^"

"sa-salamat, a-ano .. pa-payag ka ba kung sakali kung .. kung a-ano --"

"bakit nauutal ka pa? nahihiya ka pa din ba sakin?" tinignan ko sya ng diretso. 

Bigla syang yumuko at lalong namula.. haha Di pa din talaga nagbabago ang lalaking 'to, ang lalaking mahal na mahal ko. Para pa ding bata haha cute ^__^

"hi-hindi ah, a-ano kasi" tumingin sya sakin ng diretso at naging seryoso ang mukha.

O_o

Nagulat ako ng bigla syang lumuhod sa harap ko.

"te-teka, tumayo ka dyan Sky, a-ano bang ginagawa mo?"

May kinuha syang maliit na box mula sa likod nya.

O_o

Anong--wag nyong sabihing...

"Heaven Jae Kim, total, sabi mo, hindi ka nagsasawa sakin .. sana pagpatuloy mo lang yan -- Aray!" binatukan ko nga

"anong ipagpatuloy ka dyan? pag dumating ang isang taon at di mo pa din naaalala ng lubos ang nakaraan natin magasasawa na ko sayo no.. hmp " biro ko

"aish .. wag ka na magpout dyan, ang ibig ko sabihin, sana patuloy ka lang ganyan, inaalagaan ako, nasa tabi ko, at minamahal ako.... pipilitin ko kahit mahirap, na alalahanin yung lahat lahat sa atin.. pero .. kung hindi na bumalik yun ... ayos lang ba sayo, na .. gumawa tayo ng bagong memories? promise , hinding hindi ko na yun kakalimutan... ^___^"

aww ... touch naman me .. haha

"o-oo naman, umm para san ba yang box na yan? kanina mo pa hawak eh?"

"ay oo nga pala, sinira mo kasi yung moment ko eh.."

"adik -_-"

"sayo ^__^"

"tss oo na po .. tuloy mo na lang ang sasabihin mo."

"hehe .. ayun nga .. Ms. Heaven Jae Kim, maaari bang tanggapin ko ang alok ko sayo na magpakasal?"

COUGH COUGH

"sira ka talaga, proposal ba yan? grabe ah? may sarili kang lines ... haha"

"eee ... sagutin mo nalang" parang bata haha

"tingin mo makaktanggi ako? eh ang ganda lang ng tanong mo eh"

"ga-ganun? ayaw mo ba magpakasal sakin?"

"o-oy .. anong drama yan Sky? hmph? syempre gusto ko magpakasal sayo no, kaya tumayo ka na dyan.. kahit ata proposal naklimutan mo kung paano gawin haha .. "

"hindi naman, gusto ko lang na iba yung pagpropose ko sayo"

"ok sige .. ahemm ahemm Mr. Djen Skyrie Tan, I accept the unique proposal of yours ^___^" at hinalikan ko sya sa pisngi na ikinagulat ya.

"ta-talaga? gusto mong maging Mrs. Tan?"

"oo na nga , bilis, suot mo na yang engagement ring mo, bago magbago isip ko" sabay lahad ng kamay ko sa kanya

"huh? ah eh .. wa-wala kasi tong laman eh .. props lang hehe"

PAK

"aray naman Heaven ko" reklamo nya

"aray aray ka dyan, sira ka talaga, andrama drama natin dito wala palang laman yan"

"relax ka lang honey ko, nagpabili na ako kay ate eh.. di kasi ako marunong pumili hehe"

"eh di ba nasa Japan si ate Diana? at next month pa ang balik" tanong ko

"oo nga, kaya pagbalik nya di lang singsing ang dala nya"

"a-anong ibig mong sabihin?"

"pati wedding gown mo dala nya na" tumayo na sya at pumuntang kusina, pero nakita ko ang nakakaloko nyang ngiti...

"SKKKKKKKKKKKYYYYYYYYYYYRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE !!!!!!!!"

Tumakbo sya at naghabulan kami sa loob ng bahay nila.

Nang mapagod kami ay nahiga kami sa bakuran nila, ang ganda kasi dito eh, ang linis pa. Green na green ang damo. hay . ang ganda ng langit... Peaceful !

"ang daya mo" panimula ko

"bakit?" pagsilip ko sa mukha nya nakangisi sya.

"hindi mo sinabi sakin na pinaghahandaan mo na ang kasal"

"Bakit? may problema ba dun?"

"wala naman, kaso, paano kung di ko tinanggap yun? edi sayang effort nyo?"

"bakit?di mo ba dapat tatanggapin?" naramdaman kong tumingin na sya sakin.

"ha?hindi naman, kung sakali lang.. pero.. salamat Sky .. akala ko, di mo na ako mapapnsin noon"

Lumapit sya sakin at niyakap ako, nakahiga pa din kami sa damuhan.

"ang drama naman ng honey ko, alam mo, sobrang malas ko na pag di pa kita napansin"

"bakit naman?" tanong ko

"kasi, nawala na nga sakin ang alaala natin, oo nga bumabalik, pero paunti unti lang at di pa gaanong malinaw .. tapos, di pa kita mapapansin kahit malapit ka lang sakin? parang ang unfair naman na nun... kaya Heaven, ang swerte ko, na nakilala kita ... ang babaeng matyagang naghintay sakin, kahit sa pagbabalik ko di na kita naaalala, ang babaeng hanggang ngayon mahal na mahal ako... at ang babaeng minahal ko, minamahal at mamahalin ko.. salamat Heaven ko ^___^"

Ang sarap naman sa pakiramdam, na ang lalaking matagal kong iniyakan at inakalang wala na, andito sa tabi ko, yakap yakap ako at nagsasabi ng mga cheesy lines... Ang sweet lang eh .. sana wag na to matapos ^__^

Still The One (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon