Chapter III:

117 12 0
                                    

*BLAGG*

Tumunog ang pinto at lumabas ang isang babae, babaeng matagal ko ng hindi nakikita.

O_O nagulat sya ng makita ako.

Maging ako rin naman .. nagulat ng makita ko sya..

Si ate Diana. Panganay na kapatid ni Sky at malapit sa akin.

"He-Heaven?" ate Diana.

"a-ate? a-anong i-ibig sabihin ni-nito ?” ako 

"Heaven" lumapit sya sakin at niyakap ako "Heaven sorry, sila mommy ang may sabi na palabasin naming patay na si Djen, ayaw nila na malaman mong buhay sya pero hindi ka nya maalala. Heaven mahal ka nila mommy, alam mo yan, ayaw nila na masaktan ka sa pagkawala ng alaala ni Djen. Sorry, Heaven" umiiyak na di sya.

Ako nanatili lang na nakangaga.di ko alam ang gagawin, gusto ko magalit dahil tinago nila sakin sa matagal na panahon ang lalaking pinakamamahal ko. Pero at the same time natutuwa ako dahil buhay sya. Pero nalulungkot ako na kahit maliit na alaala tungkol samin ay wala syang maalala T_T

"Heav --" 

"ayos lang ate ... oo masakit , nagmukha akong tanga, iniiyakan ko ang taong buhay pa ... pero , masaya pa rin ako, nang makita ko si Sky, kahit walang emosyon syang nagpakita sakin, nawala lahat ng lungkot na nararamdaman ko, ate, salamat pa din at itinago nyo si Sky sakin -- "

"Heaven, baby anong -- " nagtatakang tanong ni ate na agad ko ng pinutol.

"kasi ate, kung hindi nyo sya itinago sakin, kung hindi sya nalayo sakin, hindi ko pa malalaman na sya pala ang lalaking mamahalin ko ng ganito, salamat ate" at niyakap ko si ate Diana at humagulgol

*BOOGSH*

O_o

"Oh my god !! Skyrie !!" ate Diana na tumakbo palapit kay Sky.

Natumba si Sky, anong nangyari??

"Rin, call the doctor!! NOW!!" ate Diana

Tumakbo naman si Rin sa telepono at tinawagan ang doctor ni Sky. Ako?? eto , tulala .. di ko alam kung ano ang nangyayari, di ko alam kung anong gagawin. Walang malay si Sky na yakap yakap ni ate Diana. Kahit gusto kong umiyak di ko magawa. Gawa nang nakatulala na lang ako.

SA HOSPITAL

Nandito kami ngayon sa Hospital kung saan isinugod si Sky. Payo na rin kasi sa amin ng doktor na dalhin na lang daw sya dito para mas makita kung anong problema.

"a-ate, ok lang ba si Sky? anong nangyari sa kanya?" tanong ko kay ate Diana pagkalabas ng kwarto ni Sky, di ko kayang tignan kung ano na kalagayan nya sa loob baka kung ano na ang mayroong nakakabit sa kanya. Takot kasi ako makakaita ng ganun.

"Hev, ok lang naman sya, nalipasan daw sya ng gutom kaya sya nahimatay. Hindi kasi pwede magutom dahil may minemaintain sya na gamot. Pwede ka na pumasok kung gusto mo, wag ka mag alala, dextrose lang naman ang nakakabit sa kanya, wala ng iba." sagot ni ate

"opo ate"

"Hev, pasensya na talaga sa -- "

"ayos lang po ate" at nginitian ko sya kahit kinakabahan akong pumasok sa kwarto kung saan nakahiga si Sky

Pagpasok ko nakita ko si Sky na natutulog. Mukhang kailangan nya talaga ng pahinga. Namumutla pa din kasi sya.

"uhmmm .." ungol ni Sky

"ah .. ehh ano, Sky?" lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kamay nya, mukhang nananaginip sya.

"ma-mahal kita, ba-ba-balikan kita, He-Heav ... aaarrghhh .."

"S-Sky ? a-anong nangyayari sayo? masakit na naman ba ang ulo mo?" tanong ko sa kanya kahit tulog sya, hawak lang ng kanang kamay ko ang isa sa kamay nya at hinahaplos naman ng isa kong kamay ang ulo nya.

"arggghh...." hawak hawak na nya ngayon ang ulo njya at nakatagilid, halatang nahihirapan sya kaya tatawagin ko na sana sila ate, kaya lang ...

"wag-wag mo akong iwan, di-dito ka lang .. please .. please " hinawakan ni Sky ang kamay ko. Nakapikit pa din sya, nananaginip nga sya.

Lumapit ako muli sa kanya at niyakap sya.

"sshhh ... Sky, andito lang ako, di na kita iiwan" sagot ko naman

Nakita kong may luhang tumulo sa mga mata nya kaya pinunasan ko ito.

Kahit di nya ako maalala ngayon, alam ko, babalik din ako sa alaala nya. Mahal na mahal ko siya. Siya lang wala ng iba.

 Matapos ang ilang minutong pagkakayakap ko sa kanya ay napagpasyahan kong umuwi muna.

Pag lumabas na sya ng ospital, pangako ko.. gagawa kami ng panibagong alaala.

Still The One (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon