002

2 1 0
                                    

"LAXEEEEE!!!" 


Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Nakita ko si Gilbert, isa sa mga colleagues ko dito sa trabaho. 


"Oh?! Ang lakas ng boses mo, Gilbert!" Suway ko rito. Hinihingal naman siyang nakarating sa aming pwesto. 


"Balita ko ay Pumasa raw ang presentation mo ah? At sa Tuscany pa unang ma la-launch!" Na eexcite niyang ani sa akin at niyakap ako. Ngi-ngiti ngiti ko namang tinanggap ang kanyang mga bisig. 


Si Gilbert ay isa sa mga Colleagues ko dito na tinulungan ako na maka adjust kaagad sa trabaho at kahit papaano ay hindi ako nahirapan kaya laki ko ring pasasalamat sa lalaking 'to e. 


"Oo! At saka ito ang first project ko!" Natutuwa kong ani at tumalon-talon habang yakap siya. 


"Dahil d'yan kailangan natin mag Shot!" Biglang sabat ni Bading at napa tango-tango naman kami ni Gilbert. 


Nagsibalikan na kaming  mga cubicle at nagsimula na muling mag-trabaho. Isa sa mga rason kung bakit ko napili ang trabahong ito ay dahil nung bata ako ay mayroong nakapagsabi sa akin na dati raw na nagtatrabaho ang tatay ko sa isang pagawaan ng mga alak. 


I'm not yet done looking for my father, It's been what? Dalawang dekada na. Buhay pa kaya ang tatay ko? Kung siya man ay namayapa na ay kailangan ko paring malaman kung anong nangyari sakaniya, nasaan siya nung mga panahong kinakailangan ko siya? Bakit niya ako iniwan? 


Maraming katanungan sa aking isipan na hindi maaalis sa aking sistema. 


Ako ay nag focus na sa aking trabaho at saka lamang tumayo ng mapagtantong ako nalang ang mag-isang nasa office dahil launch break na pala. Masyado yata akong nabusy sa pag-aayos pa ng aking presentation dahil once na nalaunch na ang The Entice Wine ay paniguradong kinakailangan nito ng background information. 


Well, wala naman akong kahit anong malalim na rason sa pag-gawa sa wine na 'to, it just happens na nagkaroon ako ng idea nung time na nag-uusap kami ni Hera sa active sex life niya sana all...


"Hoy, Laxe! Ano? In-game ka nanaman sa larong sipag-sipagan" Pagtawag sa akin ni Bading. Bading na ang tawag ko sakanya dahil ang totoong name niya ay 'Leo' at mas hindi niya gusto na iyon ang tinatawag sakaniya. 


"Wait lang sis may tinatapos pa akong trabaho, sunod nalang ako kapag nanginginig na ako sa gutom hahaha" Natatawa kong ano. 


"Gaga! Aba'y sumunod ka ah masyado you workaholic sis!" 


"Ge ge" 


Lumabas naman na siya at ako naman ay tinutukan nang muli ang aking computer. Paminsan minsan ay gusto ko talagang tanungin itong si Zachary tutal ay isa naman din siyang Mafia. Nalaman ko ito dahil ikwinento ni Hera sa akin lahat lahat nang nangyari at kahit ngayon ay may parte parin sa akin na sinisisi ang sarili ko. Kahit na hindi naman ako ang nagpalit kay Cassian at Hera nung sila ay mga sanggol pa ay ang tatay ko parin ang may sala. 

The Mafia Endless Affliction (ON-GOING)Where stories live. Discover now