"Bakit ngayon ka lang?! Diba't sinasabi namin sayong umuwi ka ng maaga at babae ka pa din naman! Ang tigas tigas talaga ng ulo mong bata ka! Hindi ka masabihan!" Bungad sakin ng mama ko pagkapasok ko sa bahay.
"Sorry po ma, tinapos pa kase namin ng kaklase ko yong activity sa school na ipapasa na bukas" sagot ko rito.
"Activity nga ba talaga ha?! Naku pag nalaman ko lang na lumandi lang ang ginawa mo talagang papalayasin kita sa pamamahay ko! Hindi kita pinalaki para mabuntis lang ng maaga at walang maitutulong sakin pagdating ng panahon!"
*bugtong hininga... "Ma, talagang activity po ang ginawa namin at tyaka po sila Cleo at Jannah lang ang kasama ko kanina."
" Tsk! Ang dami mong palusot! O siya, magluto ka na diyan ng hapunan natin at ako ay may lakad pa!"
"Opo, ingat po kayo."
Umalis na si mama at nagbihis lang din ako saglit tyaka sinimulan na maghanda ng lulutuin na ulam para sa hapunan. Nagluto na lang ako ng adobong sitaw dahil yon lang ang nakita ko sa loob ng ref, bukas pa din kase ako mamamalengke kaya wala na halos kalaman-laman ang ref namin sa bahay.
Ako nga pala si Eury, panganay sa tatlong magkakapatid, labing-walong taong gulang at isang grade 12 student.
Si mama ay lagi nang ganon simula pa nong bata kami, mas lumalala lang siguro ang pagkamagagalitin niya nong iniwan kami ni papa, pitong taon pa lamang ako noon, yong dalawa kong kapatid ay sumama kay papa samantalang ako naman ang naiwan kay mama. Minsan naman ay nagpupunta ako kanila papa pero hindi ako doon nagtatagal dahil walang kasama si mama sa bahay. Nasanay na din ako kay mama pero minsan hindi ko din mapigilan na magalit lalo na kung sobra sobra na din naman na ang sinasabi nito.
.....
"Eury Nova!!" narinig ko na malakas na sigaw ng mama ko, kaya bigla akong napatayo sa pagkakahiga.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakahintay kay mama na makauwi. Kumukulo na din ang tiyan ko dahil halos 10pm na ay hindi pa ako nakakain, hinihintay ko kase si mama dahil ayaw nito na hindi nagsasabay na kumakain.
"Anong tinutulog-tulog mo diyan ha?! Alam mo namang hindi pa ako nakakauwi ay tinutulugan mo na ako?! Bwesit ka talagang bata ka!" sigaw nito sakin.
"Ma, pasensya na po kayo nakatulog ako dahil gabi na din po at hindi ko napigilan ang antok ko, pasensya na po ma." sagot ko naman dito na halos mangiyak-ngiyak na sa pagkabila sa pagising, pagod at sa takot na din kay mama.
"Tumahimik ka! Kuhunan mo ko ng makakain ko at ako'y nagugutom na!" utos nito sakin.
Dali-dali din naman akong kumilos at nagsandok na din nang makakain naming dalawa. Kumakalam na ang sikmura ko at gusto ko na din talagang kumain.
"Bweset na Marites yon, abay nabalitan ko ba naman na chinichismis niya sa mga kapit-bahay na kaya daw ako iniwan ng ama mo ay dahil sugarol daw ako?! Abay baka gusto niyang balasahin ko siya ng makita niya sinasabi niya!" naririnig ko na sigaw nito habang papalapit ako sa kinalalagyan nito.
"Alam mo Eury ha, ayusin mo na mag-aral at ng makatapos ka ay maiahon mo ko sa hirap! Bwesit na buhay ito gusto mo lang magsaya na magsugal ay gagawin pang chismis?!" dagdag pa nito.
Hindi na lang ako kumikibo dahil baka mas magalit pa sakin si mama at kung ano ano pa ang masabi niya. Natapos ko nang naiprepara ang kakainin namin kaya niyaya ko na si mama na kumain.
"Ma, tapos na po. Nagluto na lang po ako ng adobong sitaw para sa hapunan natin dahil wala na pong laman ang ref natin. Kung gusto niyo po eh aagahan ko po bukas na magising para makapamalengke pa po ako ng maaga at may mailuto po sa umaga" mungkahi ko kay mama.
"Ay hayaan mo yan at umutang ka na lang kanila aling belinda bukas dahil naipatalo ko yong limang libong bigay ng papa mo na panggastos natin." "Bwesit na Marites kase yon minalas niya ang araw ko!"
"Po? Pero ma para po sa graduation fee na bayarin ko yong 4k sa pera na ibinigay sa iyo ni papa ? Ano pong gagamitin ko na pangbayad doon?" nagaalalang tanong ko kay mama. Talagang kailangan ko yong pera ngayon dahil isang buwan na lang ay gragraduate na ako ng Senior high.
"e sa naipatalo ko nga diba? anong magagawa ko? humingi ka na lang diyan ulit sa magaling mong papa at tutal yan lang din naman ang naitutulong niya sayo!" "Tigil-tigilan mo nga muna ako diyan sa kadramahan mo Eury dahil wala ako sa mood at baka masampal ko pa yong pagmumukha mo!" Ani pa nito.
Grabe. Hindi ko alam kung anong dapat ko na maramdaman sa mga oras na yon. Hindi ako makapagsalita, hindi ko masabi ang gusto ko na sabihin. Gusto ko na sagutin si mama kaso hindi ko kaya hindi ko kaya na sabihin yong mga salitang gusto ko iparating sa kanya.
Chapter 1- Mom
I wish I could say that, mom I'm tired. Mom can I get a hug? Mom I just finished lot's of school works, can I rest first?Mom aren't you going to ask me if I'm still okay? because I'm not.How I wish I could say that, mom I'm your daughter and not a tool or escape route for your future. I wish I could express my feelings more. But I can't. This, this are the words that I can't tell.
BINABASA MO ANG
Words I can't tell - Eury Nova ( ongoing)
Storie breviI don't know just read it and make your own understanding of the story. This is purely a work of fiction. Names, places, events that are similar to existing person, places or events are just coincidence.