Episode 3: Bagong Buhay

303 15 0
                                    

MAKALIPAS ang ilang buwan, lumabas na si Adam gamit ang bago niyang hitsura. Mahusay ang pagkaka-surgery sa kanya. Wala nang makakaalam na dati siyang lalaki. Nag-uumapaw sa kagandahan ang buo niyang katawan.

Hugis puso na ang kanyang mukha, matangos na ang kanyang ilong, manipis ang kilay, perpekto ang pagkakalilok sa mga labi, mapungay ang mamasa-masang mga mata, at may dibdib na rin siya gaya ng isang tunay na babae. Maganda rin ang hubog ng kanyang katawan, sing puti ng bulak ang kutis at abot hanggang baywang ang buhok na kinulayan ng pula.

She decided to locked himself in his incognito. Habang buhay na siyang magtatago sa bagong mukha at katawang iyon bilang si Eve. Iyon ang pangalan na ibinigay niya sa bagong sarili.

Siya na ngayon si Eve Mendoza.

"Goodbye Adam! Hello Eve! Yes, you are now Eve Mendoza!" sabi niya sa sarili habang may hawak na wine glass.

Pagkaraan ng halos dalawang taon, naisipan din niyang bumalik ng Pilipinas. Wala nang nakakaalam sa kanya. Kahit ang ilan sa mga katrabaho niya noon sa industriya ay hindi na siya nakilala.

Magandang sign ito. Naisipan niyang huwag nang sabihin ang tunay niyang pagkatao. Ayaw na kasi niyang kumalat pa ito sa publiko at baka magbalik pa ang mga dating may galit sa kanya, lalo na ang pamilya niya. Mahirap na. Gusto na talaga niyang i-restart ang buhay at magsimula ng panibago na walang koneksyon sa kahit anong bahagi ng kanyang nakaraan.

Hindi na rin niya naisipang bumalik pa sa pag-arte. Naging vlogger na lamang siya sa YouTube kung saan puro fashion-related content ang ibinabahagi niya. Madali rin niyang naparami ang views at subscribers ng kanyang channel dahil sa taglay niyang kagandahan. Ito na ngayon ang bago niyang pinagkakakitaan.

Isang araw, naisipan niyang kumain sa isang mamahaling restaurant. Dala niya ang cellphone at bini-videohan ang sarili habang naglalakad sa magandang view sa paligid.

Pagkapasok sa loob ay naghanap agad siya ng table na mauupuan. May isang lalaking nagmamadali ang nakabanggaan niya. Tumilapon tuloy sa damit niya ang kaunting juice sa baso nito.

"Oh no! I'm so sorry, Miss! Hindi ko sinasadya. It's my fault. I'm really sorry..."

Ang amo ng boses ng lalaki. Pati hitsura nito ay maamo rin. Naka-formal attire ito at nag-uumapaw ang kaguwapuhan at kainosentehan.

Dahil sincere naman ito sa paghingi ng tawad ay hindi na niya ito pinahiya pa. She immediately accepted his apology.

"It's okay. Walang may gustong mangyari 'yon, Sir."

"Thank you, Miss. Pasensiya na talaga dahil nagmamadali ako at hindi ko na tiningnan ang dinadaanan ko."

Tila nakaramdam siya ng kuryenteng kumurot sa kanyang kalamnan nang ngumiti ito at lumitaw ang dimples.

"Same with me. Hindi rin kasi ako lumilingon sa dinadaanan ko. Pasensiya ka na rin, ha?"


"No! Ako dapat ang humingi ng tawad dahil natapunan tuloy ng juice ang magandang damit mo. Baka kasi may importante kang meeting or event ngayon."

"Wala naman po, Sir. Dito ko lang naisipang mag-lunch."

"Pareho pala tayo." Matagal siyang pinagmasdan ng lalaki. Tila namangha ito sa pulang-pula niyang buhok na bumabagay sa red casual dress niya. Pati mga labi niya at makeup sa mukha ay pulang-pula rin. She's burning in red.

"I just came here para lang din mag-lunch," natatawang sabi nito.

"Really? Sa suot mong 'yan, para kang may mahalagang meeting, eh!" ngiting sagot niya rito.

"Hilig ko lang talaga magsuot ng ganito kapag pumupunta ako sa mga fancy places gaya nito."

"Wow! Wala pala tayong pinagkaiba! Hilig ko rin pumorma, eh!" Nagtawanan sila.

Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon