PUMAUNANG pumasok si Adam sa entrance ng isang five-star hotel. Nasa likuran naman niya si Sandro na may kinakalikot sa cellphone. Dumiretso sila sa front desk at siya na ang nagproseso sa pag-check in nila roon.
Pagkatapos niyang magbayad, inabot na sa kanya ang susi kung saan nakalagay ang floor at number ng room na kailangan nilang puntahan.
Doon niya nilapitan si Sandro at niyayang sumakay ng elevator. Pero umayaw ito at nagsabing kuhanan muna niya ito ng litrato sa malalaking mga paintings at artwork na naka-display sa paligid.
Ginawa na muna niya ang gusto ng kasintahan. Hindi na nila alintana ang ilang mga staff sa front desk na napapatingin sa kanila. Bihira lang yata makakita ang mga ito ng dalawang lalaki na magche-check in sa isang hotel.
Katatapos lang i-date ni Adam ang asawa niya noong nakaraang linggo. Kaya naman kay Sandro siya bumabawi ngayon. Naisipan niyang i-date ito sa isang five-star hotel para mas bongga. Nagdala na rin sila ng tig isang condom na chocolate flavor para sigurado. Mahirap na. Baka may hindi makapagpigil.
ABALA naman si Rose Ann sa pakikipag-usap sa mga kliyente habang naghihintay sa supervisor nila. Kasama niya ang mga ito sa lobby at doon gaganapin ang meeting nila.
Wala sa loob na napalingon siya sa paligid habang nagsasalita. Bigla siyang nahinto sa kanyang nakita sa di kalayuan.
Si Adam, may kasamang lalaki malapit sa front desk. Nagpipicture-an pa ang mga ito. Pinagmasdan niya iyon nang mabuti para makasigurado. Hindi siya puwedeng linlangin ng mata. Iyon nga ang asawa niya!
Pasimple siyang nagpaalam sa mga kausap at saglit na lumabas ng lobby. Sinilip niya sa malapitan ang dalawa pero nakatago pa rin siya. Kitang-kita niya kung paano magtawanan, maghawakan, at maglambingan ang dalawa. Daig pa ang mag-asawa.
Nang papasok na ang mga ito sa elevator, biglang humalik si Adam sa pisngi ng kasama nitong lalaki. Saka ito umakbay at tinapik-tapik pa ang makisig na braso ng kasama.
Ibig sumabog ng ulo ni Rose Ann sa nakita. Pakiramdam niya'y babaligtad ang sikmura niya. Napahagod siya sa dibdib na biglang sumikip. Ano ang ibig sabihin ng nakita niyang iyon?
Hindi siya nakatiis. Nais niyang malaman kung ano talaga ang nangyayari. Nag-utos siya sa mga tauhan doon na manmanan ang kilos ng dalawa. Ibinigay rin niya sa mga ito ang litrato at buong pangalan ng asawa niyang si Adam Villeso. Dinescribe din niya ang kasama nitong lalaki na naka-white shirt, jogging pants at white rubber shoes.
Pagbalik niya sa lobby, parang wala na siya sa sarili niya. Hindi na niya alam kung paano kakausapin ang mga kliyente nila. Nasa kalagitnaan siya ng trabaho pero ang utak niya ay lumulutang sa kanyang nakita kanina.
Panay ang lambingan at halikan nina Adam at Sandro habang naglalakad sa pasilyo ng ikatlong palapag kung nasaan ang room nila. Nasa bandang dulo pa iyon. Napakatahimik ng paligid sa mga oras na iyon at medyo madilim din ang ilaw kaya malakas ang loob nilang mag-ingay at magwala.
"Di ba dito nagtatrabaho 'yung asawa mo, Pare kong Adam?"
"Oo. Pero nasa back office 'yon panigurado. Doon ang trabaho niya, eh. Malayo siya rito kaya never niya tayong makikita."
"Oh, talaga? Kahit halikan kita hindi niya makikita?" Saka ito muling humalik sa pisngi niya. Mas matagal. Five seconds."Oo naman! Kahit maghubad pa tayong dalawa rito hinding-hindi niya makikita!" natatawa namang sagot niya saka gumanti ng halik dito. Ten seconds. Halos lamunin na niya ang kalahati ng pisngi nito.
Pagpasok nila sa kanilang room, nagsimula na agad ang party. Isang party kung saan kailangan nilang magtanggal ng damit. Sa halip na sumayaw o kumanta, hihiga lang sila sa kama at doon magaganap ang lahat ng uri ng kasiyahan.
BINABASA MO ANG
Burning Flowers
HororIsang lalaki ang nagpa-surgery para magpapalit ng kasarian. Susubukan niyang agawin ang bagong asawa ng dating asawa niya. Pero may isang nilalang din ang magkakagusto sa kanya, na kahit sa panaginip ay hindi niya nanaising makita. At paliligayahin...