Episode 4: Paghanap ng Sagot

274 14 2
                                    

NASA trabaho muli si Rose Ann kaya si Charlie ang kasama ngayon ni Eve sa studio. Nakaupo lang ito sa isang tabi habang pinagmamasdan siya sa kalagitnaan ng kanyang photoshoot. Hindi na niya napansin ang matamis na ngiti ng lalaki habang nakatitig sa kanya. Para bang nabihag niya ang buong atensyon nito.

Pagkatapos ng photoshoot, sabay silang nagtungo sa dressing room. Doon na siya nag-retouch ng kanyang makeup.

"Wala ka na bang ibang pupuntahan, Eve?" tanong sa kanya ng lalaki na nasa likuran lang niya.

"Wala na siguro. I think uuwi na muna ako."

Napalunok ng laway ang lalaki bago nagsalita. "Okay lang ba kung isama muna kita somewhere?"

Nahinto siya sa ginagawa at lumingon dito. "Where?"

"Sa mall sana. If you don't mind."

"Ah, gusto mong mamasyal? Sure! No problem, Charlie."

Hindi na niya pinalampas ang pagkakataon. Gusto rin talaga niya itong makasama nang mas matagal. Ewan ba niya ngunit kakaibang saya ang nararamdaman niya kapag nandito ang lalaki. Yes, may asawa na ito but it didn't stop her from falling in love sa lalaking ito. Babae lang naman siya. Marunong ding matukso...at tumukso.

Ang haba ng napag-usapan nilang dalawa habang naglalakad-lakad sa mga store sa mall. Nag-uumapaw sa kaligayahan si Eve. Parang ayaw na niyang magwakas ang moment na iyon. Daig pa nila ang mag-asawa sa sobrang closeness nila.

Hanggang sa pag-uwi, ito mismo ang nagboluntaryo na ihatid siya sa bahay niya. Hindi na siya tumanggi dahil gustong-gusto rin niya iyon.

Doon nagsimula ang lahat. Mula noon ay napadalas na ang pagkikita ng dalawa. Palagi silang nagmi-meetup kung saan-saan nang hindi nalalaman ni Rose Ann. Ewan ba niya pero labis-labis ang kaligayahang bumabalot sa kanya tuwing kasama ang lalaki. At sigurado siyang ganoon din ang nararamdaman nito kapag kasama siya.

Nang gabing iyon, si Charlie muli ang naghatid sa kanya pauwi. Galing sila sa isang seminar na pinuntahan ng lalaki at siya ang naisipan nitong isama.

Pagod ngunit masaya si Eve. Hanggang sa paghiga niya, hindi mawala-wala sa isip niya ang nangyari kanina. Nasiraan kasi siya ng sapatos habang nasa kalagitnaan sila ng paglalakad. Kaya naman binuhat siya nito upang hindi marumihan ang paa niya.

Sinamahan siya nito sa mall para bumili ng bago. Ito pa ang namili ng sapatos niya. As usual, pula rin ang kulay na pinili nito para sa kanya. Bumagay muli sa pulang buhok at kasuotan niya.

Halos mamula ang mga pisngi niya roon. Hanggang ngayon nga, kinikilig pa rin siya sa tuwa. Nakalimutan na niyang may asawa ito na dating asawa rin niya. Ewan ba niya ngunit tila may namumuong balak sa isip niya. Nais niyang paghigantihan ang babae sa pamamagitan ng pag-agaw sa asawa nito.

At malakas ang kutob niya na magtatagumpay siya dahil sa taglay niyang kagandahan na kayang bihagin ang puso ng kahit sinong lalaki. Ang dami na ngang nagkakandarapa sa kanya pero kay Charlie lang siya handang magpahulog.

Nang makatulog na si Eve, dinalaw muli siya ng isang panaginip. Natagpuan na naman niya ang sarili sa isang di pamilyar na lugar. Sa pagkakataong iyon, limang lalaki na ang pumasok sa kuwarto. Demonyo pa rin ang kanilang mga kaanyuan na may maganda at matipunong katawan.

Pinagtulungan siya ng mga ito. Iginapos siya sa kama at pinunit ang lahat ng saplot sa kanyang katawan. Piniringan pa siya ng panyo sa mga mata. At habang wala siyang nakikita, naramdaman niya ang paglakbay ng malalaki at matitigas na titi ng mga ito sa leeg niya patungo sa kanyang mga hita. Halos maglaway siya sa sarap. Parang gusto na niyang isubo nang sabay ang mga iyon sa kanyang bibig.

Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon