note: good evening! i wasn't able to update nung mga nakaraang araw because i've been busy and may lagnat, but since mahal ko kayo and hindi ko kaya matiis, tried to update today and here it is. alagaan niyo mga sarili niyo and enjoy, readers!
Jill's POV
"Tita Mommy,"
Habang nakaupo kami ni Lian sa sofa at nanonood ng cartoons, naramdaman kong hinila niya ang damit ko nang bahagya.
"Yes, baby?" I softly asked while caressing his hair.
"I want ice cweam,"
"Diba I said use po and opo whenever you're talking to someone older that you?" malumanay kong sabi. "Say it again, baby before Tita Mommy give you ice cream,"
"Ice cweam, Tita Mommy please," he pouted and was about to cry.
"Okay, come on say I want ice cream po,"
Pinunasan niya ang luha na tumulo sa pisngi niya.
"I want ice cweam.. p-po,"
Natawa ako, sobrang cute niya pero konti na lang, isisisi ko na kay Arki kung bakit hindi niya 'to tinuruan mag tagalog.
"Okay, you wait here, hmm? I'll get sa ref," I said at tumayo para pumunta sa kusina.
Habang naghahanap ako ng ice cream sa ref, I saw Lian ran papunta kay Ate Trish na nasa dining ngayon, may meeting kasi siya with her supporters.
"Lian!" bulong ko, hoping na marinig niya dahil baka makagulo siya sa event ni Ate.
Sumisilip si Lian sa laptop ni Ate Trish at nang mapansin ito ni Ate, kinuha niya 'yong bata at kinandong para maiharap sa camera.
"Say hi to them, handsome," utos ni Ate at hinawakan ang kamay ni Lian. "Wave your hands,"
Natawa ako nang pilit na pilit na kumaway si Lian dahil hawak ni Ate Trish ang kamay niya. Agad din siyang humarap kay Ate at yumakap sa leeg nito.
"Why, baby what's wrong?" Ate asked habang tatawa tawang hinahaplos ang likod ng ulo ni Lian. "Look oh, it's you," turo niya sa screen niya.
"No no," Lian refused na humarap sa camera habang umiiling, mas lalo siyang yumakap sa leeg ni Ate Trish.
Shy type na nga, masungit pa. Kanino ba 'to nag mana? Kay bubby siguro.
"Ate Trish, wala nang ice cream? Meron pa rito kagabi ah," I said.
Ate Trish looked at me. "Sorry, Jill kinain ko na kagabi,"
"Lian wants ice cream,"
"Oh, baby you want ice cream?" she asked Lian at tumango tango naman siya. "I'll suyo na lang 'yong driver natin to buy sa 711 d'yan sa malapi-"
"Hindi na!" putol ko sa kaniya at napatingin naman siya sa akin habang nakataas ang kilay. "Ako na lang, baka makaabala pa tayo, wala naman ako ginagawa,"
Ate Trish looked at me with her nagdududang tingin.
"Here," inabutan niya ako ng pera. "Ice cream ang target ha, hindi ang staff,"
"Ate!?"
"Bakit? Paalala lang naman," patay malisya niyang sagot na akala mo ay walang ibang ibig sabihin.
Inirapan ko siya bago kinuha 'yong pera na inaabot niya.
Bago ako tuluyang lumabas ay narinig ko pa siya na sinasabihan si Lian na last na raw 'yon for today, too much sweets na raw kasi.
Perks of having a Doctor na nanay. But thankfully, masunurin naman si Lian. Kanino pa ba magmamana? Edi sa mga tita.
Speaking of Tita, nang bumukas 'yong pinto ng elevator, si Keith ang bumungad sa akin.

YOU ARE READING
Chasing Daylight
Fanfiction"Doing good, so far." Jill smiled when she responded to me. I asked how is she, after what happened. It has been three years since the last time I saw and had a talk with her. She looks magnificent still. She's still the same Jillian Therese Robred...