note: dalawang chap ang kinaya ng powers ko kagabi HAHAHAHA tatlo sana pero nakatulugan ko na rin. kung medyo sabog man, pagpasensyahan niyo na pls. sana kumain na kayo dinner and enjoy, readers!
Miles' POV
Sa'yo na
Sa'yo na
Sa'yo na..
Napailing ako, hindi ko maintindihan kung bakit paulit ulit kong naririnig 'yung sagot niya sa'kin kanina.
Kanina pa rin pabalik balik ang tingin ko sa kaniya kahit na nasa likod siya. Hindi rin ako mapakali sa inuupuan ko.
Tama ba 'tong desisyon ko na sumama rito at manatili sa iisang sasakyan kasama siya?
Binabalot kami ng katahimikan at heto ako, nagiisip ng puwede naming pagusapan. Nakakapanibago, kung noon ay ayaw kong humahaba ang usapan namin ng isang tao, ngayon ay gustong gusto kong magkausap kami ni Jill.
Napabalik ako sa huwisyo nang marinig ko siyang tumikhim.
"So, nag pagupit ka?" tanong niya.
"Oo, kailangan na kasi sa school," sagot ko at parang gusto kong sapakin ang sarili ko dahil doon.
Ano pa bang puwedeng isagot? E, talaga namang kaya ako nagpagupit ay kailangan na? Sobrang hina ko sa pakikipagusap at ginagawa ko naman ang lahat para baguhin 'yun dahil ayaw kong isipin niya na hindi ako interesado na kausap siya.
Nakita ko siyang tumatango. "Hmm, I see. You look good,"
Pakiramdam ko ay nagiinit ang mukha ko dahil sa narinig ko.
Kanina ay pinuri rin ako ni Ma'am Leni pero iba pala talaga ang dating kapag kay Jill na mismo nanggaling. Para akong kinukuryente.
"Namumula ka, okay ka lang ba?" tanong niya at may halong pangaasar sa boses niya dahil natatawa siya.
"Oo naman, mainit lang,"
"Really? E, nakatodo 'yung aircon, Raf."
Delikado na yata ako, binanggit lang niya ang pangalan ko ay kinikilig na ako.
Ito ba 'yung sinasabi ni Keith na nakakawala ng angas si Jill? Ganito pala 'yun.
Tinawanan na lang niya ako at hindi na kinulit, naramdaman niya sigurong nahihiya ako at siguro naman ay alam niya sa sarili niya kung bakit ako namumula nang ganito.
"I'm sleepy, but ayokong makatulog kasi mag isa ka lang," aniya.
Naisip pa niya ako.
Palihim akong napangiti dahil doon.
"Let's play na lang!"
"Laro? Anong laro?"
Paano kami maglalaro rito sa sasakyan?
"How about.. this or that?" alok niya. "Are you G?"
Tumango ako at agad naman nagliwanag ang mukha niya, mukhang excited. Okay din 'to para hindi ako antukin at para rin mas makilala ko siya, 'yung mga gusto niya.
"Mauna ka na mag tanong," sabi ko.
"Okay! Rice or bread?"
"Bread po, pancakes or waffles?"
"Hirap! But I'll go with pancakes! Drawing or painting?"
"Drawing po, twitter or tiktok?"
Pareho kaming natawa dahil sa tanong ko. Naalala ko kasi ayan 'yung binanggit niya sa'kin nung nakaraan. Curious ako kung ano ang pipiliin o mas ginagamit niya.

YOU ARE READING
Chasing Daylight
Fiksi Penggemar"Doing good, so far." Jill smiled when she responded to me. I asked how is she, after what happened. It has been three years since the last time I saw and had a talk with her. She looks magnificent still. She's still the same Jillian Therese Robred...