05

3.2K 162 367
                                    

note: good evening! long time no update hehe missed you all! apologies for the late update, busy days ay nandito na. balak ko sana gawin isang bagsakan ang cd until sa intense part, watchu think? if yes, this will be the last update. if no, then tutuloy tayo hehe anw, for now, kilig muna bago ang sakuna eme have a good night and enjoy, readers!

Jill's POV

"Kanino 'to?"

Kinuha ko 'yong payong na nakita kong nakapatong sa sofa. Hindi pamilyar sa'kin 'yong itsura.

"That's not mine, anak. Nasa bag 'yong akin," Mama answered habang nagaayos sa dining ng pagkain para sa umagahan namin.

Ang sabi niya kasi, unang umaga raw 'to na officially engaged si Ate Trish at Arki kaya gusto niyang sumalo sa agahan.

Normally kasi maaga pa ay umaalis na si Mama para pumunta sa opisina at mag trabaho.

"Keith? Sa'yo 'to?" I asked Keith na kalalabas lang ng kwarto at humihikab pa.

Kinusot niya ang mata niya bago tumingin sa hawak kong payong at umiling.

"Baka sa Atty. mo 'yan," she said, not realizing kung anong sinabi niya.

Mama, Ate Aika, and Inay all looked at me nang marinig 'yon.

I gave them an awkward smile at lumapit kay Keith para kurutin ang tagiliran nito.

"Anong Attorney mo 'yan ha," Mama said. "Kayo na ba?"

"Ah, hehe ang ibig ko pong sabihin Tita," napakamot sa ulo niya si Keith, trying to isip a palusot. "Atty. ni Jill, Atty. ko, Atty. nating lahat! Atty. siya ng bayan!"

She looked at me and chuckled.

"Sorry, labyu." she mouthed.

Inirapan ko na lang siya at hinampas nang bahagya para hindi mapansin nila Mama.

"Baka kay Atty. Miles nga iyan. Naupo rin siya sa sofa kagabi, hindi ba?" Mama said.

Sa kaniya nga siguro. Tatanungin ko sana sina Ate Tricia pero tulog pa raw sila. Sabi ni Mama ay mamaya na gisingin kapag okay na ang lamesa.

I was about to go back sa kwarto ko para sana itago muna 'yong payong when I heard a loud thunder.

Shocks, wala siyang payong. Nakaduty kaya siya?

Idaan ko kaya sa store nila saglit? Hindi pa naman kami kakain.

Pero for sure, maaasar na naman ako because of this. Ano bang magagawa ko? Kawawa naman 'yong tao kung mababasa ng ulan.

Saka, I'm doing this as a concerned citizen, nothing more.

Why do I sound so defensive tho? Bahala na nga.

"Ma," I called Mama who's still busy sa ginagawa. "Idaan ko po muna 'to kay Ra-" napatigil ako. I faked a cough at natawa naman patago si Keith. "Kay Atty. po,"

"Sige, anak. Magdala ka rin ng sarili mong payong, baka abutan ka ng ulan," paalala niya at tumango naman ako. "Mag ingat,"

"Ikaw, Keith anak?" tanong ni Inay. "Sasama ka ba kay Jillian?"

I saw Ate Aiks looking at Keith. Her eyes.. it's like they're hoping na hindi sumama si Keith.

Hay, bakit ba hindi na lang kasi kayo?

"Ah, op-"

"Hindi po, Inay!" pagputol ko kay Keith, napatingin naman siya sa akin, nagtataka sa sagot ko. Palagi kasi kaming magkasama nito kapag lalabas. "Mag stay na po siya rito, tulungan niya po si Ate Aiks sa pagluluto,"

Chasing DaylightWhere stories live. Discover now