chapter 4

5 0 0
                                    

Evan Lopez PoV :

Nakauwi na kame at dito muna daw si Sian sa bahay ko kaya ito kameng dalawa ngayon nag lalaro ng play station habang kumakain ng chips.

"Bakit ka nga pala lumalapit kay Fiore Ilaria eh hindi mo naman kilala yon." panimula kong tanong dito kaya napatigil ito sa paglalaro at tumingin sa akin.

"Dahil mukha syang mabait at binigyan ako ng foods nya ang sarap   sayang hindi kita natirhan"

"Manghihingi ka na nga lang sa iba mamimigay ka pa kahit hindi naman sayo, pektusan kaya kita." kunwaring lumapit ako sa kanya kaya agad itong nag takip ng sarili nya.

"Huwag kuya masakit ouch!!!"

"Wala pa nga si Oa ka talaga hahaha" 

Umayos naman ito ng upo at tumingin sa akin ng diretso bago mag salita.

"Tingin mo kuya crush ni Elio si ate Fiore?" nakangiting tanong nito.

"Tingin ko hindi kase may ibang babaeng kausap si Elio, natatawa nga ako don nakakita lang ng babaeng magaling mag motor ang hot daw sabe ng gagu HAAHHAHA!!" tawang tawa ako habang kinukwento ko kay Sian iyon.

"Matinik talaga si Elio sa babae "

"Tama ka jan buti nalang self love tayo heheh"

"Baka ako lang ang self love kuya Evan, sino yung babaeng nag hi sayo kanina ang ganda non ah hahah" pinaningkitan ko sya ng mata.

"Sab Aridas daw crush ata ako HAHAHA baka dugo to ng Lopez."

umarte itong parang nasusuka kaya hinampas ko sa kanya yung unan na nasa tabi ko.

"Pero sayang naman kung may ibang gusto si Elio ang ganda pa naman ni ate Fiore "

Napatango naman ako sa sinabe nito kase totoo naman talagang maganda si Ilaria Fiore yung mata nya ang liit tapos pag ngumingiti nawawala pero hindi ko sya type ah.

Kinuha ni Sian ang kaniyang phone at sinimulang mag scroll kaya nakinuod ako dito ng mapansin kong may mukha ni Ilaria Fiore ang dumaan sa timeline nya kaya agad kong kinuha ang cp nito at tiningnan iyon.

"Akin na nga yang cp ko kuya may cp ka naman ah!"

Hindi ko sya pinansin at pinindot ang account ni Fiore Ilaria. Wow... Friends pala sila sa instagram.

Tiningnan ko ang mga picture nito na halatang kuha sa ibang bansa. May isang picture na nakatingin siya sa moon habang may hawak siyang wine na naka suot ng black dress at heels.

"Ang ganda nya noh, yung tumawag kanina siguro ayon yung bf nya may pa i love you pa kase si ate fiore ." Sian.

Sinauli ko sa kanya ang cellphone nya at kinuha ang cp ko para ifollow sya sa instagram.

Natapos ang aming pag uusap ni Sian dahil nakatulog na ito sa sofa kaya hinyaan ko nalang itong magpahinga at sinubukan kong tawagan si Elio na agad naman nitong sinagot.

"Yes bro?" mukhang bagong gising to ah.

"Kamusta na hatid mo ba si Fiore sa kanila?" nakangiti ako habang tanong ko ito.

"Ah.. Yea naiwan nya phone nya in my car kanina bukas ko nalang ibabalik" humihikab pa na sabe nito.

"Ayan Elio namin dumadamoves, naiwan ba talaga o si---" pinutol niya ang sinabe ko kaya natawa ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BARE MINIMUM Where stories live. Discover now