chapter 1

29 0 0
                                    

Ilaria Fiore PoV :

Nagmamadali ako sa paglalakad papasok ng  skwelahan dahil ito ang unang araw ng pasukan 1st year college na ako at bagong dating lang kame dito sa pilipinas. We are curently living dito sa farbs the expensive village in the philippines.

Kung itatanong nyo kung saan kame galing at bakit kame nandito sa pinas ito ang sagot. Nakatira talaga kame sa California but we have house here in philippines. My mom said na dito daw kame pinanganak sa pinas ng kuya ko. Yes i have kuya hes 1 year older than me and his name is  Ilaxion Fiore.  O diba ang hilig ni mama sa ila  ang start ng pangalan haha.

So, yun na nga kaya kame lumipat ng Pinas sa kadahilanang kailangan daw naming matuto sa buhay. May natutunan naman kame sa Cali yun nga lang ay yung bar all night with friends and shopping.   If youre asking again why i know how to speak tagalog its because our parents will broke our bones kung hindi daw kame matututo pag salita ng tagalog. 

Back to reality.

Pag pasok ko ng classroom ay makikita mo agad ang difference nito sa paaralan sa Cali.  two words here Magulo, Maingay. 

Nakahanap ako ng mauupuan sa may likuran kaya dali dali akong nag punta don at umupo ng hindi ko namalayang sira pala ang upuang ito kaya ayon bagsak ako sa  sahig.

Napatingin ako sa mga kaklase kong tumatawa kaya nag pilit nalang din ako ng tawa.

"Hahaha magandang tanga" rinig kong sabe ng babaeng nasa tabi ko bago nito iabot ang kamay sa akin at tinulungan akong tumayo.

"Salamat miss, bakit naman ganito yung upuan dito sa room sira sira like gosh hindi ganto ang upuan sa California." saad ko sa kanya.

Tumatawa na naman sya kaya tiningnan ko ang whole appearance nya. Her hair is long unlike mine my hair is short, morena, matangkad pero mas matangkad ako ng onte.

Napansin niya sigurong pinagmamasdan ko sya kaya nailang ito at kunwaring umubo.

"Galing ka palang ibang bansa, pasensya kana ganito talaga dito sa paaralang ito kaya bago ka umupo check mo muna kung maayos yung upuan para hindi ka lumalagabog jan sis haha"

"I see , by the way im Fiore" inilahad ko ang kamay ko sa kanya at pinunasan nya muna ang kaniyang kamay bago iabot sa akin.

"Sorry pasmado hehe.. Ako naman si Sab Aridas tara upo na tayo dito kana sa tabi ko may isa pa namang chair" nakangiting pag aalok niya saakin kaya nagpasalamat ulit ako dito bago sumunod sa kanya at tumabi sa kaniyang tabi.

Wala pang dumadating na teacher kaya ang mga kaklase ko ay nagkkwentuhan yung iba ay napapasin kong nakatingin sa akin lalo na itong Sab kaya tumingin din ako dito at bigla syang ngumiti.

"Ang ganda mo naman Fiore ang liit ng mata mo at ang puti mo pa may lahi kaba?" tanong nito sa akin.

"Salamat,Maganda ka din naman Sab" lumaki ang ngiti nito kaya natawa ako. Ang cute parang bata.

"Pero may lahi kanga?" tanong ulit nito.

"Pinanganak ako dito sa Pinas, my mom is half korean half pinoy while my dad is half spanish and half pinoy" sagot ko sa tanong nito.

"Dami mo namang lahi ako kase pure aspin" natawa naman ako sa sinabe nito kaya ayon dalawa kame nag tatawanan ngayon.

"So.. Friends?" tanong ko naman dito.

"Friends."

Dumating na ang guro kaya nagsipag balikan na sa kanilang mga upuan ang mga kaklase ko.

BARE MINIMUM Where stories live. Discover now