chapter 3

5 0 0
                                        

Sian Lopez PoV :

Pinanuod namin si ate Fiore na umupo, tawang tawa ako sa sagot nya pero medyo naawa naman ako mag tataas na sana ako ng kamay para makauwi na pero inunahan ako ni Elio.

"Yes Mr. Salvatore?" tanong ni maam at tumayo naman ng ayos si Elio.

"The father of psychology is Wilhelm Wundt" proud na sagot nito bago tumingin kay Ate fiore at kumindat kaya naman nginitian sya ng pilit nito.

"Okay. Very good Mr. Salvatore. Tomorrow kayo ay mag groupings para sa activity na ipapagawa ko sa inyo. Hindi porket 1st day of class ay wala na kayong gagawin, wag nyo akong igaya sa ibang teacher. You can go home." umalis na si maam pag tapos niyang sabihin iyon kaya inayos ko na rin ang aking gamit at naunang pumunta kay ate Fiore.

Iniwan ko muna sila kuya Evan dahil nag aayos pa naman sila ng gamit nila.

"Hi ate Fiore, sabay kana sa amin umuwi." sabe ko dito kahit hindi ko naman alam kung saan siya nakatira heheh..

"No thanks Sian susunduin ako ng kuya ko" napatango naman ako sa kanya at kumapit sa braso nya.

"Sama nalang ako sayo hehehe ayaw ko sa bahay wala namang tao don kundi sila yaya lang." nakapout pa ako ng sabihin ko yon kaya tiningnan nya ako ng may pag tataka.

Eh totoo namang sila yaya lang ang tao sa bahay at lagi kong kasama kase busy sila mommy sa trabaho nila tapos yung ate ko naman nasa ibang bansa edi ako nalang talagang mag isa sa bahay kasama yung yaya namin.

"Bat ka naman sasama saken hindi pa naman kita gaanong kakilala, pano kung kidnaper pala ako tapos kinuha ko yung lamang loob no at ibenta ko ng sampong libo?" kinilabutan naman ako sa sinabe nito pero alam ko namang hindi sya ganong tao dahil binigyan nya ako ng foods nya.

"Mukha ka namang mabait eh kaya sige na ate mabait naman ako "

"Ayaw, dun ka sa pinsan mo sumama."

"Eh ayaw ko nauumay nako sa mukha nila hahaha secret lang natin yon ah."

"Hahah Sige secret pero hindi pa din kita isasama"

Inalis nito ang pagkakakapit ko sa braso nya at nakita ko ang mga pinsan ko sa tabi nya na pinaniningkitan ako kaya nag pout nalang ako.

"Anong secret yon?" tanong ni Dion sa akin.

"Wala hmp." pinagkrus ko ang aking mga braso at nagpuppy eyes kay ate.

"Ang kulit mo talaga Sian diba sinabe na namin sayong wag kang mang iistorbo ng iba gusto mo bang isumbong kita sa mommy mo?" kuya Evan.

"Sorry po ate Fiore " pag papaumanhin ko dito.

Hinawakan nya naman ang aking buhok at ginulo ito tapos ay nginitian ako kaya ngumiti din ako pabalik.

"Gusto mong sumama sa bahay?" tanong nya sa akin tatango na sana ako ng biglang nag salita si Dion.

"Hindi siya sasama sayo dahil aalis kame may pupuntahan kame diba Elio."

Kumunot naman ang noo ni Elio na tila nag-iisip. San naman kame pupunta wala naman silang sinabe saken na aalis kame ngayon hmp. Epal.

"Ahh.. Oo aalis kame pupunta tayo Sian sa Mall" Elio. panget ng dahilan nyo halatang hindi totoo ahahhaha!!

"Sige. See you tomorrow lil boy" sabe ni ate Fiore bago sinukbit ang kanyang bag at nilagpasan na kame.

"Hi Evan!! I'm Sab Aridas kaibigan ko si Fiore See you tomorrow!" kinikilig na ani nito bago tumakbo palabas. Krazy..

BARE MINIMUM Where stories live. Discover now