2 and half weeks ago..
"Doc? what happened to my daughter?
why she suddenly doesn't seem to recognize us?tanong ni Isabel sa doktor na humahawak sa kalagayan ng anak nitong si Eloisa na kasalukuyang nakatulog na dahil sa tinurok na pampatulog, naghysterical kasi ito ng magising, halos dalawang linggo kasing commatose si Eloisa at kanina lang ito nagising.
Napabuntong hininga ang doktor bago tumugon
"I'm also not sure what really happened, but based on the examination we did, she didn't get a serious injury to his head, but if she doesn't recognize you like this, I'm going to assume that your daughter got mild amnesia, due to traumatic experience Mrs. Jade..
maaring bumalik din naman ang kanyang ala-ala,.sa sinabi nito ay nalungkot ang ginang,
halos pinaliwanag din nito ang mga possible pang dahilan kung bakit at paano maaring magka amnesia ang isang tao, maging ang mga dapat gawin ay ipinaliwanag ng doktor dito.
nang makaalis ang doktor ay muling napaluha ang ginang, mabuti na lang at narito si Bright ang bestfriend ni Eloisa na kasama niyang nagbabantay, ang kanyang asawa ay saglit na umalis dahil may inaasikaso pa ito sa kanilang negosyo na hindi nito maaring maiwan, lumuwas ito ng malaman ang nangyari sa anak. paminsan-minsan ay nagsasalitan sila sa pagbabantay kay Eloisa.Ang kapatid naman nito na si Ellison ay alalang-alala din sa sinapit ng nakababatang kapatid nito, pero dahil hindi maaring umalis ang binata sa Paris dahil sa walang ibang mamamahala ng negosyo nila doon ay hindi ito agad nakauwi ng Pilipinas, ngayong araw palang ito maaring umuwi pagkatapos nitong isettle ang naging problema ng negosyo nila roon.
"tita tahan na.. ilang araw na kayong iyak ng iyak.. tulog na si El.. pwede naman kayong magpahinga muna, ako na muna ang magbabantay sa kanya..
wika ng dalaga na inalalayan ng pumasok sa silid ang mommy ni Eloisa.
tumango-tango naman iyon bilang pagsang-ayon sa dalaga dahil nakaramdam narin ito ng pagod.
Makalipas ang Ilan pang Oras
muling nagmulat ang mga mata ni Almira, kagaya ng una niyang pagmulat ay bumungad sa kanyang paningin ang puting-puting kisame..
kung noong unang nagising siya ay napasigaw siya dahil hindi niya kilala ang mga taong nasa paligid niya, na nagsasabing mga magulang niya ngayon ay lalo siyang nalito ng makita sa gilid niya ang isang ginang na nagisnan niya rin kanina na nagsasabing mommy niya raw..
lubos ang kanyang kalituhan, mapapasigaw pa sana siya ng may magsalita sa kabilang gilid ng kama.
kaya napahinto siya."Sisigaw ka na naman Eloisa?
Hindi ba napapagod yang lalamunan mo?wika ng tinig ng isang babae na may pagka mataray.. nang lingunin niya ito ay tila pamilyar sa kaniya ang mukha nito pero hindi niya maalala kung saan niya nakita..
"wala ako kanina nang magising ka, ang mommy at daddy mo ang narito at nagwawala kadaw.. pakiusap girl.. kapag nagwala ka ngayon baka kutusan kita kahit pa hindi pa hilom yang sugat mo sa ulo...
wika nito na bagamat mataray ang tono ay kitang kita at mababakas ang pag-alala at tuwa sa mukha nito, dahil sa nagising na siy nagulat siya ng yakapin siya ng babae, maluha luha pa ito.
YOU ARE READING
The Borrower
Randomkamatayan ba ng dalawang katawan? o kamatayan ng dalawang kaluluwa? Ang pinapangarap noong buhay sa isang iglap ay biglang matutupad. Subalit ang lahat ng iyon ay hindi ganoon kadali, dahil parehong may magsasakripisyo, ano nga ba ang dahilan at ras...