Chapter 3

0 0 0
                                    

Isang linggo pa ang mabilis na lumipas at sa tulong ng mga bumibisitang dermatologist sa mansiyon ay wala ng kababakasan ni katiting na peklat sa mga tinamo niyang sugat sa aksidente, iba talaga ang nagagawa ng pera at siyensya..

sa isip-isip niya.

Nang araw ding iyon ay naroon si Bright, alam ng dalaga na hindi niya ito ka close pero alam niyang bestfriend ito ni Eloisa, ng tunay na Eloisa, pero sa kabila ng maikling pag kakilala niya rito napansin niya na mabait itong talaga at hindi lang basta bestfriend ang turing nito sa kanya.

Naging abala ito nang nagdaang mga araw, kaya ngayon lang ulit ito nakabisita sa kanya,

"Beshie.. sinabi na ba sayo nina Tita at Tito ang tungkol sa party mamaya?
tanong nito habang lumalantak ng meryenda sa couch na nasa kwarto niya.

Siya naman ay halos matatapos na sa pag check sa laptop niya,(sa Laptop ni Eloisa)
nangunot ang noo niya dahil wala naman siyang nababalitaan na may party, o baka hindi lang talaga sinabi sa kanya.

"hmm.. mukhang hindi kana sinabihan nina Tita dahil nag-aalala sila..

wika pa nito ng makita ang ekspresyon sa kanyang mukha

"bakit? dahil ba kay Flint Brylle Martin?
diretsang tanong niya kay Bright na tila nabigla sa narinig sa kanya, hindi ito sanay na marinig buhat sa kanya na banggitin niya ang buong ngalan ng lalakeng first love ni Eloisa, at oo nabasa niya ang email na mula sa lalake, noong nakaraan pang araw.

Napag-alaman din niyang Head over heels ang pagtingin ni Eloisa sa lalakeng iyon.

muli siyang nagsalita ng di makasagot si Bright na kamuntikan pang mabilaukan sa kinakain, dagli niya naman itong inabutan ng tubig na nasa ibabaw ng lamesita.

dahan-dahan siyang natawa sa babae

"Bakit naman hindi ako pwedeng dumalo? iyon ba yung sinasabing Welcome Party para sa kanya ng Jewels Company?

tanong niya sa kaibigan,
nang mahimasmasan ito ay tumango iyon at sumagot

"oo, yun nga.. paano mo nalaman kung walang nagsabi?
kunot noo nitong tanong

"hmmm..

aniya na kunwari nag-isip at humawak pa sa baba.

"wala naman talagang nagsabi, bale hinulaan ko lang! natatawa niyang wika dito.

Kunot noo na naman na nakatitig si Bright sa kanya, binulaga pa niya ito dahil para na naman itong nakakita ng multo.

"wow ha... kakaiba ..
umiiling nitong sabi na muling uminom ng tubig

"napapadalas ata ang pagiging masiyahin mo Eloisa.. alam kong may amnesia ka pero nakakapanibago yung ugali mo ngayon promise..

anito na inirapan siya saka nginitian

"so.. mamaya sasama ako sa Party?
nakangiting wika niya kay Bright

"sabihin mo kina Tita,..
ani Bright

umiling siya rito..

"hindi naman siguro bigdeal kung aattend ako doon dahil Welcome Party yun ni Flint diba?
matapang na Wika niya na tila hindi naman interesado.

"Hayyy...
wika ni Bright na bumuntong hininga pa.

"so.. Mag peprepare na tayo?
aniya rito napag alaman kasi niyang ang mayayamang tao kapag may party ay mahabang Oras ang ginugugol sa pag aayos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The BorrowerWhere stories live. Discover now