Nanginginig parin sa takot ang dalagang si Almira habang nakatitig sa asawa ng kanyang tiya na si Alonzo naisakatuparan nito ang maitim na balak nito sa kaniya,
Habang nakatalikod at nagbibihis ang hayop na lalake na pinapatay na niya sa tingin ay tumawa pa ito at nagsalita,
"kahit magsumbong ka sa tiya Blanca mo hindi yun maniniwala sayo, dahil sino ba naman ang gagahasa sa kagaya mong...
huminto ito sa sasabihin saka siya pinasadahan ng tingin bago nagpatuloy
"pangit..
wika nito saka iniwan siyang tumatawa, diretso iyong lumabas ng kaniyang silid at iniwan siyang tulala
ng makaalis ang lalake ay muling bumalong ang luha sa kaniyang mga mata, mugtong mugto na rin ito at halos namaga na kakaiyak,
winasak ni Alonzo ang kanyang puri na bukod tanging iniingatan niya, wala doon ang tiyahin niya at sinamantala ng lalake ang kaniyang kahinaan, pagod at puyat siya dahil sa thesis at galing pa sa overtime sa trabaho ng pwersahang pasukin siya nito sa kwarto, hindi niya magawang sumigaw dahil nagtatangan ng baril ang demonyo at alam niyang halang ang kaluluwa nito dahil isa itong tulak ng pinag babawal na gamot at alam niyang miyembro ito ng isang sindikato, bagamat may hitsura si Alonzo at batang di hamak sa kaniyang tiyahin ay isa lang naman ang dahilan nito kaya pinakasalan nito ang kaniyang tiya, yun ay dahil sa naiwang kaunting ari-arian ng pamilya ng babae dito.
at totoo ang sinabi ng lalake, hindi siya paniniwalaan ng kaniyang tiyahin kung isusumbong niyang ginahasa siya ni Alonzo dahil baka siya pa ang palayasin nito, hindi iyon maari dahil wala siyang tutuluyan at graduating pa siya sa kolehiyo, pilit niyang ginagapang ang sarili at nag working student pa siya dahil ayaw niyang umasa at humingi sa kaniyang tiya. dahil sa may mataas siyang pangarap na alam niyang possible kapag nakapagtapos siya.
pangit na nga siya hindi pa siya magtatapos,
subalit ang kaniyang kayamanang tinuturing, ang kaniyang dignidad at puri ay kinuha lang ng isang demonyong lalake na lulong sa droga.
Bagamat mugto ang mata, ay wala sa sariling inayos niya ang suot at lumabas ng bahay, tulala siyang naglakad ng naglakad nang hindi alam ang patutunguhan, hindi na niya alam kung saan nagtungo ang lalake.
Tanging ang maiingay na kapit-bahay ang sumalubong sa kanya,
nakatingin ang mga ito sa kanya pero walang naglakas ng loob na magtanong kaya naman diretso siyang naglakad na parang walang bukas..Hindi niya namalayan ang isang humaharurot na pulang sasakyan huli na ng mapagtantong mababangga siya nito dahil kahit nasa gilid siya ng kalsada ay sa pwesto niya talaga ito saktong papunta, isang nakabibinging ingay ang gumulantang sa lahat ng naroon,
Naramdaman ni Almira ang pagkamanhid ng kanyang buong katawan, napatingin pa siya sa harapan ng kotse na tumama sa kanyang katawan bago siya nawalan ng malay ay nagkatinginan pa sila ng babae na nagmaneho noon, maging iyon ay may malaking pinsala sa ulo, pag bulwak ng dugo sa kanyang bibig ay doon narin siya tuluyang napapikit ng mata.
Sa kabilang banda..
"Oh my God Eloisa look at yourself'!
mahinang sigaw ni Bright sa kaniyang bestfriend habang nakatingin dito kagabi pa kasi ito iyak ng iyak dahil sa pag tanggi ng first love nito na maging fiancee.
Hindi niya masisisi ang kaibigan, bata palang ito ay alam na niyang mula ulo hanggang paa ang pag tatangi nito sa lalakeng iniiyakan nito ngayon,
alam niyang matagal ng panahon na tiniis ng kaniyang kaibigan na hindi magkaroon ng nobyo para lang mapansin ng isang kagaya lang naman ni Flint Brylle Martin,.pero matagal naring panahon na parang hindi kilala ng lalake ang kaniyang kaibigan gayung ang mga magulang nila ay magkakaibigang tunay. kaya nga nagpasya ang mga iyon na ipagkasundo ang dalawa na kinatuwa ni Eloisa subalit ganun nalamang ang pagtanggi ni Flint, isa kasi itong independent man kaya ng malaman nito ang pasya ng mga magulang ay nagalit ang binata at nagpadala ng email kay Eloisa, at yun ang dahilan kung bakit hanggang ngayon iiyak parin ito ng iyak.
sino ba naman ang hindi madidissappoint at maiiyak sa mensaheng naroon, nabasa rin niya ito at ayon sa message ay...
"for a woman who desperate to marry a man, I'm telling you right now that I don't want to marry you, I don't want to have an extra worry like you in my life and most of all I don't want to have a wife, who is childish and knows nothing else to do.
That wish of yours that I know you enjoy, will never happen, so don't get your hopes up.Muli siyang napatingin kay Eloisa kanina pa niya ito pinagagalitan pero tila wala itong naririnig..
alam niyang nasaktan ito ng sobra.
Ganoon siguro nito kamahal ang lalakeng iyon at saksi siya sa lahat ng iyon. nilapitan niya ito at niyakap saka tinapik tapik ang likod dahil sa awang nadarama."Please El.. lahat ng advice ginawa ko na... hindi ko na alam kung paano ka patatahanin..
bulong niya rito. tahimik naman iyong humihikbi at saka ito nagsalita ng...
"Leave me alone.. Bright please..
malungkot nitong wika..
napabuntong hininga siya saka umiling iling na tumayo ayaw man niyang iwan ito ay wala siyang magawa kundi ang lumabas ng silid ng kaibigan.sinalubong naman siya ni Tita Isabel ang mommy ni Eloisa ngunit umiling iling siya rito, maging ito kasi ay ayaw kausapin ng anak nito, ang mga ito kasi ang sinisisi ng dalaga na kundi sana plinano ng mga ito na magkasundo sa kasal kasal na iyan ay hindi sana magagalit sa kaniya si Flint, para sa dalaga ok na sa kanya ang makita at matanaw ito sa malayo kahit pa, iniiwasan siya nito at tila hindi nakikita kapag bumibisita sila sa Paris.
Punong-puno ng isipin ang kanyang utak sa nga sandaling iyon pero lamang ng sakit ang kanyang puso,
matitiis naman niya ang lahat pero ang magalit ang lalakeng nag-iisang tinatangi niya at tuluyan siyang hindi pansinin ay tila siya nawalan na ng gana na mabuhay.Oo, nasa kanya ang lahat, kayamanan, kagandahan, pero hindi siya masaya, dahil kulang na kulang ang buhay niya.. para siyang pinanganak na nawawala ang kalahati ng kanyang buhay.
kaya naman nagpasya siyang umalis ng bahay ng hindi nalalaman ng kanyang mommy Isabel, wala rin doon ang kanyang daddy dahil nasa out of town ito. ang kanilang mga katulong naman at si Bright ay nakita niyang nasa kusina ng bumaba siya, walang nakaka alam na umalis siya kundi ang kanilang security guard.
Mabilis niyang pinasibad ang sasakyan at balak niyang magtungo sa tagaytay upang doon muna sana pansamantala na magpahilom ng sakit na nadarama
habang nagmamaneho ay iyak siya ng iyak hindi niya mapigilan ang sarili na hindi iyon ilabas, maraming beses na siyang nasaktan sa pambabalewala ni Flint pero ayos lang sa kanya yon dahil nakikita naman niyang natatanggap nito ang kanyang mga inireregalo dito,masaya na siya roon, subalit ang makatanggap ng masasakit na salita bagamat totoo ay sobrang sakit para sa kanya, pinamumukha kasi nitong wala siyang kwentang babae at walang alam kundi ang magpa ganda lang at maging kapansin-pansin.
sino nga ba naman siya para mapansin nito kung sa pagkaka alam niya ay may iba naring nagugustuhan ang binata, walang iba kundi ang kaniyang pinsan...
si Monique...
Malayo layo na ang kanyang minamaneho at nasa highway parin naman siya, ngunit dahil sa labo ng kanyang mata dulot ng mga luha ay nagdulot iyon ng matinding hilo sa kanya.
Kapag kasi napapagod ang kanyang isip dahil sa kaiiyak at kakaisip ay nakakaramdam siya ng matinding antok. dagdag pa na wala siyang maayos na tulog ng nagdaang gabi.
napasipa pa siya sa accelator ng subukan niyang iunat ang paa dala ng pagsakit non, kaya bumilis lalo ang kanyang takbo, Huli na ng mapatingin siya sa unahan dahil ng apakan niya ang preno ng kanyang kotse ay hindi iyon kumakagat, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaganon ang kanyang kotse, hindi na siya nakapag-isip ng maayos, ang sakit na nadarama ay napalitan ng matinding takot.
Huli na ng mapagtanto niya ang mangyayari, isang nakabibinging ingay ang gumulantang sa lahat ng naroon.
ilang sandali pa ay..
Naramdaman niya ang pamamanhid ng kanyang ulo, ng hawakan niya ito ay naramdaman niya ang mainit na likido na ng tingnan niya ang kamay ay basa na iyon ng kanyang dugo.
napatingin din siya sa unahan ng kanyang sasakyan kung saan may isang babae siyang nabangga, lalong dumoble ang hilong nadarama ni Eloisa,
nais niyang tulungan ang babae, nagkatitigan sila nito subalit ng makita niyang sumuka iyon ng dugo ay lalo lang siyang nahilo, nakaramdam siya ng pagkakapos ng hininga, dahan-dahan niyang pinikit ang mga mata at nasabi sa sarili na ito na marahil ang oras ng pamamahinga ng kanyang isip.
YOU ARE READING
The Borrower
Randomkamatayan ba ng dalawang katawan? o kamatayan ng dalawang kaluluwa? Ang pinapangarap noong buhay sa isang iglap ay biglang matutupad. Subalit ang lahat ng iyon ay hindi ganoon kadali, dahil parehong may magsasakripisyo, ano nga ba ang dahilan at ras...