Chapter 2

0 0 0
                                    

Nang makaalis ang mga bisita ay lumapit siya kay Isabel habang kausap nito ang asawang si Luis, naiilang man siyang tawagin ang mga ito na mommy at daddy ay wala naman siyang magagawa, baka isipin kasi ng mga ito na nababaliw na siya kapag sinabi niya kung sino talaga siya, iniisip niya ang maaring isipin nito sa totoong may-ari ng katawan at baka tuluyan siyang bumagsak sa mental hospital.

Nararamdaman kasi niya na may rason ang lahat kung bakit ito nangyayari at may gusto siyang malaman kaya naman tinanong niya ang dalawa sa isang bagay na patuloy na gumugulo sa kanyang isipan.

"Mom.. dad..?

naiilang na agaw niya sa pansin ng dalawa, sila nalang ang naiwan sa hallway ng mansyon at pabalik na sana sa loob ng bahay, dahil maging si Ellison ay umalis at isinabay na si Bright.

"Yes.. anak? tanong ni Isabel
huminto ang mga ito sa paglalakad

"May itatanong po sana ako..
aniya sabay na nagkatinginan ang mag-asawa

"hmmm.. honestly anak.. naninibago man kami, dahil usually never kang nag tagalog ng diretso, pero siguro kailangan na talaga naming masanay..

so go.. on.. ano ba iyong gumugulo sayo?
wika ni Luis

napayuko siya, hindi naman kasi niya alam kung ano ang ugali at nakagawian ng tunay na Eloisa.

"Itatanong ko lang po sana, y.. yung.. babaeng nabangga.. ko?
aniya na bahagyang kinabahan sa isasagot ng mga ito.

nagkatinginan ulit ang mga ito at sabay na napabuntong hininga

"don't worry anak, we settled everything.. Ok ..

ani Isabel napatingin siya rito habang nakakunot ng noo bakas sa kanyang mukha na hindi niya maunawaan ang sinabi nito.

muling bumuntong hininga si Isabel bago sumagot

"inurong na ng tiyahin niya ang kaso laban sayo kapalit ng dalawang milyong danyos anak at sagot sa burial assistance ng nabangga mo.. tugon nito

Sa sinabi nito ay nakaramdam siya ng panlalamig at panghihina ng mga tuhod. agad naman siyang inalalayan ng dalawa dahil sa muntik na siyang matumba

Sa isip niya

kung ganoon ay patay na siya?
patay na ang katawan niya?

halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman.

"Anak mabuti pa magpahinga ka muna sa kwarto mo..we will talk about that again kapag nakapagpahinga kana..

Ani Isabel hinatid siya ng mga ito sa silid niya. humingi din ng tawad ang mga ito dahil sa pag plano ng kasal nila ni Flint daw bakas sa mukha ng mga ito ang pagsisisi. agad naman siyang tumango dahil hindi naman niya malaman ang isasagot at wala siyang ideya kung sino ang tinutukoy ng mga ito.

Ilang oras ang lumipas, nakapagpahinga naman siya dahil napasarap ang tulog niya sa malaki at malambot na kama, dagdag pa ang sobrang bango ng silid na iyon at napakaraming magaganda at mamahaling gamit na ni minsan sa buhay niya ay hindi niya naranasan, o nahawakan.

tumayo siya sa higaan at sinuri ang lahat ng malapitan niya. hinawakan at hinaplos ang mga iyon na tila ba mababasag kapag pinisil niya, halos lahat ng nasa kwarto na iyon ay mahalaga at mamahalin.

naisip niya, ang swerte naman ni Eloisa dahil pinanganak na may gintong kutsara sa bibig, maganda na ay mayaman pa.

napatigil siya sa ginagawa ng mapadako siya sa full length mirror.

The BorrowerWhere stories live. Discover now