01

15 0 0
                                    

"Anak!Gising na at may pasok ka pa." My mother said as she patted my shoulder to wake me up. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nanay ko na naka suot ng apron mukhang kakatapos niya lang mag niya magluto.

Umupo muna ako sa kama ko para hindi ako mahilo pag tumayo ako,iyon ang turo sa akin ng nanay ko dahil noong ginawa ko ang pag tayo agad agad ay nag dilim ang paningin at muntik na akon matumba,buti nalang ay nasa loob pa ng kwarto ko si mama,at sinabi niya sa akin na huwag akong agad agad na tatayo at umupo muna ako ng ilang minuto bago tumayo.

Kinuskos ko ang mata ko gamit ang kanang kamay ko.

"Bumaba ka na muna,para makakain ka na nang almusal bago maligo at pumasok." Saad niya, tumango at lumabas na siya ng kwarto ko.

Pumunta na ako sa banyo para mag hilamos at mag ayos na.Pagkatapos ko ay bumaba na ako para kumain.

Nag luto si mama ng Fried rice dahil paborito ko iyon,mayroon ring sunny side up,tucino at dilis. Lahat ng iyon ay paborito ko.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako para maligo at mag ayos,binilisan ko na ang pagkilos ko dahil baka malate pa ako at baka hindi ako papasukin ng guard doon.Pagkatapos kong mag ayos ay sinuot ko na ang ID ko at sinuot ang hawk bag ko,bago ako lumabas ng kwarto ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin para siguraduhing maayos akong tignan.

"Ma!Papasok na po ako!" Sabi ko,habang sinusuot ang sapatos ko.

"Ay!Teka,ang baon mo,sandali lang!." Sabi ni mama,tapos ko nang isuot ang sapatos at sakto naman na inabot sa akin ni mama ang lunch box ko.

Nag sabi nga pala ako kay mama kagabi na ipag balot ako ng pagkain ngayon dahil siguradong magiging busy ako at hindi ako makakapunta ng canteen mamaya,kaya napag pasyahan ko na mag baon nalang ng pagkain kaysa bumili ako sa canteen.

"Mag iingat ka ha." Hinaplos niya ang balikat ko.

"Opo!." wika ko,at pumunta na ako sa pinto upang lumabas na.

Nag tricycle na lang ako para mapabilis ang pag punta ko sa school,maykalayuan din ang school ko sa bahay namin.

2nd year Senior Highschool na ako,
Honor Student. GaGraduate na ako next month.Gusto kong mag Abogado para maipag laban ko ang side ng tatay ko,gusto kong buksan ulit ang Case ng tatay ko dahil gusto kong malaman kung sino ang pumatay sa kaniya,wala silang awa mag babayad sila sa ginawa nila sa tatay ko.

Nang maka baba na ako at nag bayad ay dumeretso na ako papasok ng school,mabuti naman ay hindi ako late.Walang traffic ngayon kaya mabilis akong nakapasok kaya medyo maaga.

Habang nag lalakad ako papunta sa building ng senior high ay hindi ko sinasadyang madapa dahil sa mga estudyanteng nag hahabulan,akala ko ay babagsak ako sa lupa,pero hindi,may sumalo sa akin na lalaki hindi ko maaninag ang mukha dahil nakatalikod siya sa liwanag kaya madilim ang mukha niya.

"Ok ka lang,miss?" Tanong niya habang inaalalayan akong tumayo,nang makatayo na ako ay kinuha niya ang lunch box ko at iniabot sa akin iyon dahil nabitawan ko ito nung nadapa ako.

"S-Salamat." Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak,siguro ay nabigla lang ako sa nangyari.

May sasabihin pa san siya pero may tumawag sa kaniya sa likod,lumingon siya sa likod niya, mukhang kaibigan niya ito.

"Carlo,pre!tara na." Sabi nung kaibigan niya,tinatawag na ata siya para pumasok na.

"Ah,sige mauna na rin ako.Salamat ulit." Saad ko at ngumiti sa kanya ng tipid,hindi ako sanay sa mga ganito nahihiya tuloy ako sa nangyari kanina maraming nakakita dahil marami na ring mga estudyante noong pumasok ako.

Noong malapit na ako sa pinto ng classroom namin ay bigla akong may naramdamang kirot sa tuhod ko kaya naman ay tiningnan ko iyon.May gasgas pala ako siguro yung kanina ito,hindi ko namalayan na naituon ko pala ang tuhod ko noong nadapa ako.
Agad akong kumuha ng wet wipes sa bag ko at pinunasan ko ang sugat ko.

"Uy!Autumn nandito ka na pala." Bungad sa akin ni Kaylee pagkapasok ko ng room,Secretary dito sa classroom.

"Oh,eto pirmahan mo na yung pangalan mo d'yan." Iniabot niya sa akin ang isang ballpen at yung Attendance list.

Pagkatapos kong pumirma ay umupo na muna ako sa aking upuan.Wala pa naman ang Guro namin dahil 7:40 am palang at ang simula ng klase ang 8:15 am.

"Uy!Pres,May pupunta ka ba mamaya?" Tanong sa akin ni Astrie na katabi ko.Ako nga pala ang President dito sa classroom namin.

"Wala naman,bakit?" Sagot ko sa tanong n'ya.

"Nag aaya kasi si Kainah mamaya sa bukid. May kainan daw roon." Sabi niya.

"Sasama ka ba?" Dagdag pa niya.

"Sino sino ba mga kasama?baka mamaya buong classroom nanaman." Sabi ko.Noong nakaraan kasi ay nag aaya itong si Kainah na gumala tapos buong classroom pala ang inimbitahan niyang sumama.

"Hindi ha!Sabi tayo tayo lang daw.Si Kainah,Kaylee,ikaw,tas ako.bali apat lang tayo."

"Ano?G ka?" Dagdag niya.tinaas baba pa niya ang kilay niya.

"Sige sige." Pag payag ko.

Masyadong gala kasi itong si kainah kaya marami siyang mga kaibigan at kakilala,marami rin siyang chismis na kinukwento sa amin.pati itong si Astrie ay nahahawa na rin dito kay Kainah.

Ng matapos ang klase ay umuwi muna ako sa bahay para mag palit ng damit,I just wore a plain gray t-shirt and I wore pants because I don't wear short shorts.And it was hot outside so that's what I wore,tsaka baka mangitim pa ako ubos pa naman yung sunscreen ko. nag paalam na ako sa nanay ko,pinayagan naman niya akong sumama kila Astrie.Mag kikita nalang kami sa 7/11 dahil malapit lang doon namin ang papuntang bukid.

"Hoy!Kainah,Saan ba dito yung sinasabi mong kainan?" inis na sabi ni Kaylee napaka tamad kasi nitong mag lakad,sinusundan lang namin itong si Kainah dahil siya ang nakaka alam.

"Ayan na oh!" Turo ni Kainah sa kanan.

Hindi naman kalakihan ang kainan,maliit lang. Nag order si Kainah ng Burger,kay Kaylee ay Fries cheese ang flavor,kay Astrie ay Putlong,at sa akin ay Burger lang din.

Uupo sa na kami sa labas ng kainan kaso mainit at tirik ang araw ngayon dahil tanghali na,kaya sa loob nalang kami umupo kung saan may bubong.

"Ay!Girls,Ang daming igop." Sabi ni Kainah,Dahil may mga dumadaan na nagbibisikleta.Ang linaw talaga ng mata nitong si Kainah pag dating sa mga lalaki.

"Ay!Hala bet ko yung naka uniform." Sabi naman ni Astrie.

"Tae ka." Hinampas ni Kainah ang balikat ni Astrie."Lahat sila naka uniform at tsaka baka mas bata pa yan kaysa sayo no." Dagdag pa ni Kainah.Umirap naman si Astrie.

"Ikaw Autumn?Wala kang balak mag Boyfriend?" Tanong sa 'kin si Kaylee,Si Astrie at si Kainah ay nagkaroon na ng mga Ex,at si Kaylee May Boyfriend na,at ako na lang ang wala.Wala akong planong mag boyfriend dahil baka mapabayaan ko ang pag aaral ko.

"Wala naman akong planong mag boyfriend e,Study First ako 'no." I rolled my eyes.

"Sus!Sinabi ko na rin 'yan noon." Kontra nitong si Kainah.

"Ay!Same girl,tingnan mo 'ko ngayon naka tatlong ex na." Nag kibit balikat itong si Astrie at sumandal sa upuan.

"Tatlo lang?" Sabi naman ni Kainah at itinaas ang isang kilay habang nakatingin kay Astrie.

Mga pag jojowa ang pinag aatupag ng mga 'to,pero 'wag ka ang tatalino rin ng mga babaeng 'to.Well lahat kami Honor Students.hindi ko nga alam kung nag re-review pa sila tuwing exam namin lagi kasing matataas ang score nila.

"Hina mo na naman." Si kainah.

Maya maya lang ay dumating na ang inorder namin, at isa isa na namin itong kinain.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin kami agad dahil madagim na ang langut tanda na bubuhos ang ulan anong mang oras.

(✿^‿^)

___________________________________________
Unedited


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You, Goodbye.Where stories live. Discover now