Infatuation nga lang ba talaga ?

40 2 0
                                    

Ayon , tuloy pa rn ang conversation pero napansin ko medyo close na sila nung kaibigan kong babae , mas madalas na silang nagkakausap kumpara sa kaming dalawa .

Syempre ako dedma lang , ano namn karapatan ko di ba ?

Kalaunan , di na kami madalas magkausap kundi sila na nga ang madalas na magkausap nung kaibigan kong babae . Hanggang sa nalaman ko na nililigawan nya na pala yung kaibigan ko .

Syempre ako nganga . Haha

Nung time na yun dun ko lang narealize na may nararamdaman na pala ako para dun sa lalaki . Yung mga oras pala na kakaiba na yung kaba ko pagdating saknya , nafafall na pala ako nun . Dinedma ko lang kasi sabi ko parang ang bilis namn . Sabi ko nun sa sarili ko baka infatuation lang . So yun dedma na lang .

Hanggang dumating sa punto na nagiging sweet na sila nung kaibigan kong babae , dun na ako nakaramdam ng panibugho . Na parang unti unti kaht wala sakeng ginagawang masama yung kaibigan kong babae nagiging masama na yung pakiramdam ko saknya . Which is alam kong mali kasi wala namng KAMI dba ? So sabi ko anong karapatan kong magselos ?

Oo nagseselos ako , nagseselos ako kasi ako dapat yung nasa kalagayan nya eh . Ako dapat yung masaya . Kami dapat yung masaya at hindi sila . Pero anong magagawa ko di ba ? Ako lang yung may gusto sakanya at SYA gusto nya yung kaibigan ko . So WTF . Anong inaarte ko ? :'( Anong karapatan ko mag inarte ? Anong karapatan kong magselos ?

Oo nagseselos ako , sobrang selos na selos ako .

FRIENDSHIP VS. BOY-LOVE/LIKE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon