SHANI ANDREA
"Wow mayaman tayo ngayon ah" biro ko sa kanya pagkadating nya sa tambayan namin. May dala syang kape galing 7/11 at iilang mga pagkain.
"Sira." sabi nya sabay tumawa nang mahina. Pag kalapit nya sakin, agad nya akong inabutan ng kape at ginulo ng bahagya ang buhok ko.
"Huy! Wag! Kulang ka ba sa pansin ha?" sabi ko sabay iwas sa kanya. Umupo lang sya sa tabi ko at tumingin sa kalangitan na punong puno ngayon ng mga bituin.
"Pag sayo? Oo." napalingon naman ako sa sinabi nya pero nakatingin lang sya sa buwan. Parang wala lang para sa kanya yung mga salitang ganon. Ang hindi nya alam iba ang epekto sa akin non.
"Tigil tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo." sabi ko na lang at tumingin na lang din sa buwan. Gabi na naman. Hindi ko alam kung kami pa rin ba ang tumitingin sa mga bituin at buwan o sila na ang tumitingin samin. Wala, naisip ko lang para kunwari, isa akong deep na tao.
Tahimik. Payapa. Walang takot.
Hindi ko mapaliwanag. Wala namang espesyal o kakaiba tuwing magkasama kami pero kahit sobrang tahimik ng kapaligiran ay walang problema. Dati kasi ayoko pag ganitong katahimik, natatakot ako at hindi ako komportable. Ewan ko kay Narvi kung bakit payapa ang pakiramdam ko kahit tahimik na ang paligid.
"Kumusta araw mo?" pagbasag nya sa katahimikan.
Eto naman, dinadamdam ko pa yung kapayapaan nagtanong agad. "Ayos lang, ganun pa rin. Kaka-announce lang sa klase namin ng top 10." sagot ko sa tanong nya.
"Congrats." tapos inabutan nya ako ng stitch na stuff toy. Normal size lang sya na pwedeng mayakap. Nanlaki naman agad yung mata ko kasi paborito ko si Stitch.
Kinuha ko to agad at niyakap. Sobrang lambot, shet. "Thank you pero para saan to? Tsaka bakit congrats?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Sus, maang-maangan ka pa. Ikaw top 1 sa klase nyo eh. Tapos top 2 sa overall ng batch natin."
"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.
"Nakapost kaya sa bulletin board." diretsong sagot nya na para bang alam nya na yung itatanong ko at kanina pa naready yung isasagot nya.
Oo nga naman. Malamang naipost na yun kasi umaga pa iyon nai-announce samin eh. Malamang sya ang nagtop 1 sa overall. If we were still serious about being rivals, paniguradong pag nalaman ko na sya ang nagtop ngayong 3rd grading, maiinis ako.
But things have changed.
Hindi ko alam kung kailan o paano pero pareho naming alam na may nagbago. At hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Everything is so surreal.
"Umay, ikaw na naman top 1." biro ko sa kanya. "Nasasawa na ako sayo." dagdag ko pa.
Tumawa na lang kami pareho. Simula first grading, sya lagi ang top 1 sa overall. Pero point something lang naman pagitan namin. Katulad nung last grading, 95.89 yung kanya tapos ang akin naman ay 95.76. Magkaiba nga lang kami ng section kaya pareho kaming top 1 sa kanya kanya naming section.
"May kinahihiligan ka na bang gawin ngayon?" tanong nya sa akin.
Kinahihiligan? Magbasa ng novels. Alam nya naman yon dati pa. Bukod don, wala na. "Magba------"
"Magbasa ng novels. Got it." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi sya na ang tumapos n'on para sa akin. Desisyon yarn?
"Ayos ah." sabi ko sa kanya habang tumatawa.
BINABASA MO ANG
Anxious Heart of Saturn
ContoYour Typical Stories #03 Shani Andrea Celestial October 8, 2021