Exclusively Yours 23

161 7 0
                                    

"Smile, anak." Dad whisper.

Humarap ako dito at pilit syang nginitian.

"That's better. But make it more natural. I don't want them to be scared of you." He joked.

I chuckled. "Dad!"

Dad chuckled also.

Nasa isa kaming business party at kadadating pa lang namin ay gusto ko ng umuwi.

Si dad kase. Ayoko naman talagang sumama kaso wala daw syang kasama dito kaya wala na akong nagawa. I just wear my simple red dress and red heels.

"Mr. Belmonte."

Nilingon namin ang taong tumawag kay dad.

Hindi ko ito kilala pero mukhang kilala ito ni dad.

"Pupunta lang ako don, anak. Call me if you need anything."

Pinandilatan ko si dad para hindi nya ako iwan.

Humihingin ng tawad itong tumingin sa akin.

Napairap na lang ako ng tinalikuran nya ako.

Damn it!

Tutal ay wala naman akong ginagawa ay nagscroll na lang ako sa phone ko.

"Hi!"

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko at may isang lalaking nakangiti sa harap ko.

Para hindi magmukhang rude ay nginitian ko din ito.

"Can I sit beside you?" he asked.

I slowly nodded.

Naupo naman na ito sa tabi ko.

"You are Mr. Belmonte's daughter right?"

I nodded. "Yes."

"I heard your dad and my dad talking about marrying the two of us."

"Huh?" nagulat ako sa narinig.

"Oh. I'm sorry. Narinig ko lang naman kanina habang nag-uusap sila."

I blinked twice.

"I'm sorry. I went too far. Maybe I heard it wrong. And if I did I'll be embarrassed to face you again." He apologized.

"Ah. It's fine. We should ask them first."

"Ah. By the way I'm Eman." Inilahad nito ang kamay para makipagkamay sa akin.

"I'm-"

Natigil ang pagsasalita ko ng magsimulang magbulungan ang mga tao.

"It's Eve."

"Eve."

"Oh my god. It's Eve."

Iyan ang mga naririnig ko.

Napatingin ako sa entrance at pumasok roon si Eve. He looks like a royalty in his black suit.

Kasunod nito sila Matt, Ark at Jack.

Why is he here?

"Woah. Ngayon lang umattend ng party si Eve."

Nilingon ko si Eman.

"What do you mean? Kilala mo sya?"

He nodded.

"He's one of the most successful, powerful and dangerous business man. No one gets in his way alive and breathing."

"Huh?"

"It would be better if you keep your distance from him."

Napatingin ako kay Eve at nagtagpo ang mga mata namin kaya agad akong umiwas ng tingin.

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon