PROLOGUE

480 6 1
                                    

"Letting go is hard, but sometimes holding on is harder."

Tatlong taon na din pala mula ng sagutin niya ako. Actually ngayong araw na ito mismo ang araw na iyon. Sadyang kay bilis lang ng panahon, noon hanggang tingin at nakaw na sulyap lang ang kaya kong ibigay. Pero ngayon tatlong taon ko na siyang sinasamba at pinag sisilbihan. Andito ako ngayon sa harap ng pintuan ng kanyang apartment upang surpresahin siya na madalas ko naman gawin sa kanya. Maingat ko itong binuksan. Dilim ang unang sumalubong sa akin. Ngunit kasabay din nito ang mumunting ungol at halinghing na nanggagaling sa kanyang silid. Minabuti ko ng pumasok upang alamin kung ano ba ang pinagmumulan ng aking naririnig na munting ingay.

"Ugh! Fuck! Ang sarap mo talaga babe." Dinig kong ungol ng isang lalaki ng tuluyan na akong makapasok sa kanyang silid.

"Ugh! Shit! Sige isagad mo pa." Ganting halinghing ng boses ng isang babae.

"Ganito ba ha?, Shit ang dulas at ang sikip talaga ng butas mo." Saad ng lalaki. "Ahh! Ganyan nga ang sarap."

Patuloy ang aking paglakad upang makalapit sa pinang-gagalingan ng ingay. Bagamat may ideya na ako kung sino at ano ang nangyayari ay gusto ko pa din masiguro ang hinala ko.

Kadiliman. Tanging haling-hing at ungol ng dalawang taong puno ng pagnanasa ang aking naririnig. At ng tuluyan na akong nakalapit sa pinang gagalingan ng mga ungol at haling-hing ay tuluyan ng lumandas ang pag-tulo ng masaganang luha sa aking mga mata. Unti-unti na ding sumisikip ang aking dibdib tanda ng matinding galit at poot dahil sa aking nasaksihan. Sapat na ang liwanag na nag mumula sa isang poste sa labas na tumatagos sa binta ng silid upang mag bigay tanglaw nang sa gayon ay makompirma ko ang aking hinala.

"Ugh! Shit! Nagagawa ba to sayo ng boyfriend mo ha?."

Kitang kita ko ang babaeng minahal ko sa loob ng tatlong taon, ang babaeng sinamba at aking pinag-silbihan, Nakapatong. Umiindayog. At waring sarap na sarap na nakapikit habang binabayo ng isang lalaki.

Nanatili ako sa aking kinatatayuan na animo ay isang bato. Hindi makapaniwala sa nasasaksihan ng aking mga mata. Habang patuloy na umaagos ang mga luha sa aking mga mata, unti-unting bumalik ang mga masasayang ala-ala ng babaeng aking mahal, na aming pinag samahan sa loob ng tatlong taon.

Ngunit lalo lamang akong nasaktan ng nag balik sa aking pag iisip matapos sariwain ang mga masasaya naming ala-ala ng nakilala ko ang lalaking kaniig ng mahal ko.

Walang iba kundi ang taong pinag katiwalaan ko. Ang itinuring kong kapatid. Walang iba kundi ang best friend ko.

Maingat ang aking sumunod na pag-kilos ng mapag-pasyahan kong umalis sa silid na iyon. Silid na minsan na ding naging pugad ng aming pag mamahalan. Ngunit ngayon ang silid na iyon ay isa ng silid ng pag tataksil.

Dahan-dahan kong isinara na pinto ng kanyang kwarto. At ng tuluyan ko na itong mai-sarado ay naging mabilis na ang aking pag kilos upang makalayo sa lugar na iyon. Lakad. Takbo ang aking ginawa habang patuloy ang ang pag-ragasa mga luha sa aking mga mata. Hindi ko alintana ang mga taong akin ng nababangga.

"Hoy! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!." Hindi ko pinansin ang pag-singhal na ilan sa mga ito. Wala akong paki-ala, ang gusto ko lamang ay makalayo sa lugar na ito.

Kasalukuyan akong nandirito sa park, naka-upo sa isang upuan na gawa sa semento. Nag iisip, puno ng sakit at kalungkutan ang aking puso ng dahil sa eksenang aking nasaksihan. Wala pa din patid ang ang pag luha.

Tumingin ako sa kalangitan. Napaka-dilim at wala ni isa mang bituin na wari mo ay puno din ng lungkot at hinagpis. Mapait akong napa-ngiti ng mag simula kong maramdaman ang pag-ihip ng malamig na hangin sa aking balat kasabay ng pagpatak ng mumunting butil ng tubig.

Hanggang sa tuluyan ng bumuhos ang malakas na ulan. Tama nga ako, nakiki-isa nga ang kalangitan sa nararamdaman ng aking puso ngayon. Tumayo ako sa aking pag-kakaupo. Sinimulan ko na ang paglalakad ng hindi alintana ang malakas na pag buhos ng ulan.

Basang basa na ako ng dahil sa ulan. Hindi ko pa din alam kung saan ang aking patutunguhan. Tuloy-tuloy pa din ang pag buhos ng ulan. Ganon din ang pag-ragasa ng aking mga luha. Hindi pansin ang mga ilang sasakyan na dumadaan.

"Mag-papakamatay ka ba? Pwes wag ka mang-damay ng iba!." Malakas na bulyaw ng isang tao kasabay ng pag busina nito dahil minsan nawawala na sa direksyon ang pag-lalakad ko. Wala na akong paki-alam sa paligid ko. Ang nasa isip ko lamang ay ang mga katanungan kung saan ako nag kulang at nag-kamali kung bakit nagawa nila akong pag taksilan.

Napakasakit dahil nagawa akong traydurin ng mga taong aking pinag katiwalaan. Ibinigay ko naman ang lahat pero bakit hindi pa rin naging sapat?. Nag-kulang ba talaga ako o sadyang wala lang pagka-kuntento ang babaeng minahal ko?.

Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang aking kamay dahil nag sisimula ng manlabo ang aking mga mata dahilan sa luha at tubig ulan. Tuloy pa din ang aking pag-lalakad sa landas na di ko alam kung saan tutungo. Ang gusto ko lang ay makalayo, mapag-isa o maglaho kahit pansamantala na lang muna upang makawala sa sakit at lungkot na nararamdaman ko.

BEEEEEEEEP!!!!!!!! BLAG!!!!

Huli na para maka-iwas. Naramdaman ko na lang ang pag tama ng isang matigas na bagay sa aking katawan. Hindi ako maka-kilos. Nag sisimula na din mamanhid ang katawan ko. Isang liwanag ang na aninag ng aking mga mata. Heto na, dininig na niya ang panalangin ko. Mawawala na ang sakit, lungkot at pighati na nararamdaman ng puso ko.

"Hey! Are you okay?." Nanlalabo man ang aking paningin ngunit batid kong isang lalaki ang nag tanong sa akin base na din sa baritono nitong boses.

Gusto ko man sumagot pero hindi ko na magawa pa. Ang panlalabo ng aking mga mata ay tuluyan ng napalitan ng kadiliman kasabay ng pag tigil ng malakas na buhos ng ulan.

"Shit! Hey man, wake up!." At iyon na ang huling kataga bago ako tuluyang kainin ng kadiliman.

---
A/N..........

Unang kwento ko po ito kaya sana magustuhan nyo.

Free to judge, kase di naman po ako professional writer..😊

Sorry na agad sa mga typo's and misspelled word.

~IAIROS

Having You Near MeWhere stories live. Discover now