CHAPTER 2

221 2 1
                                    

MARCUS' P.O.V

"Dear friends and family, We gathered here today to witness the union of two loving hearts in a wedding." At nag simula na nga ang seremonya ng aming kasal. Batid kong marami pang sinabi ang pari ngunit hindi ko na ito pansin dahil naka-tuon lamang ang aking atensyon sa babaeng pakakasalan ko. Siya si Thalia Acosta.kababata at naging kaklase ko din siya noong high school. Ngunit noong nasa kolehiyo na kami ay nag ibang bansa siya upang doon niya ipag patulot ang kanyang pag aaral. Gusto ko na siya noong mga bata pa kami. Ngunit alam ko din na hindi ako ang gusto niya, kundi si Lorenzo. Kaya nga hindi ko na sinubukan pang ligawan siya dahil alam kong malabo na sagutin niya ako. Ngunit noong bumalik siya mula sa America ay sinubukan kong sumugal, dahil sa nakalipas na mga taon na nasa ibang bansa siya ay mas lalo ko siyang minahal. Siya lang din ang babaeng minahal ko ng seryoso. Bagama't marami akong babaeng naikama noon eh puro one night stand lang ang mga iyon. Apat na taon na kaming mag-kasintahan. At sa apat na taon na iyon ay marami na kaming napagdaan problema ngunit lahat ng iyon ay aming nalagpasan dahil walang bumitaw sa kahit na anong hamon na dumating sa amin. Marami man ang problemang dumating, ngunit batid ko na mas marami ang masasayang ala-ala at pangyayari na nangyari sa aming buhay. Isa na nga dito ay ang pagbubunga ng aming pag-mamahalan. Si Gioseph Austin Del Real, ang aming anak. At ngayon nga heto at ikakasal na kami.

"Bago tayo mag patuloy sa seremonyang ito ay nais ko lamang itanong kung may tumututol ba sa pag iisang dibdib nina Mr. Del Real at Ms. Acosta." Mahabang litanya ng pari na siyang nag pabalik sa aking pag-iisip matapos alalahanin ang mga pinag daanan namin ni Thalia. Ngunit nakakabinging katahimikan lamang ang naging tugon ng mga taong ngayon ay sumasaksi sa pag iisang dibdib namin ng babaeng pinaka-mamahal ko.

"Kung ganon simu-." Hindi na natapos pa ng pari ang kanyang sasabihin ng mag salita si Thalia.

"Sandali lang po Father." Wika nito, "May gusto lang akong sabihin bago natin ito ituloy." Dag-dag pa nito. Tahimik lang akong naghihintay sa gusto niyang sabihin.

"Marcus, I'm pregnant." Anunsyo nito. Kumunot ang aking noo sa naging pahayag nito. Maging ang mga tao ay mababakas sa mukha nila ang pag kagulat. Ngunit napalitan din ito ng saya ng maproseso nila ang sinabi ng aking bride. Maging ako ay nabigla, ngunit napangiti ng abot tenga ng mapagtanto ang kanyang sinabi.

"Talaga ba!? Magiging daddy na ulit ako?". Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko.

"Yes Marcus, Im 3 months pregnant." Sagot nito. "Yes!" Niyakap ko siya ng mahigpit matapos niyang kumpirmahin ang pag-dadalang tao niya. Nagsimula na din manubig ang aking mga mata. Bahagya naman niya akong itinulak dahilan para makalas ang pag-kakayakap ko sa kanya. Saglit siyang natahimik at waring may iniisip. Hinawakan ko ang kanyang baba upang mag pantay ang aming mga mata. "Hey, babe hindi ka ba masaya.?" Usisa ko dito. "Hindi sa ganon Marcus." sagot nito. "Eh bakit?, anong problema?" pag-uusisa ko pa.

Pag-buntong hininga lang ang nakuha kong kasagutan sa kanya. Nagsisimula na din siyang pag-pawisan. Maging ang kanyang mga mata ay naging maiilap sa akin.Tanging katahimikan ang namayani sa loob ng simbahan.

"Buntis ako Marcus, pe-pero." Nauutal niyang pag-basag sa katahimikan. "Pero ano?" tanong ko dito. "Buntis ako, pero hindi ikaw ang ama." Napasinghap ang mga tao sa aming paligid matapos ang kanyang sinabi. Maging ang pari ay halata din sa mukha ang pag kagulat. Habang ako ay natuod sa aking kinatatayuan at natahimik ng dahil sa kanyang naging rebelasyon.

"Buntis ako, pero hindi ikaw ang ama."

"Buntis ako, pero hindi ikaw ang ama."

"Buntis ako, pero hindi ikaw ang ama."

Paulit ulit kong naririnig sa aking isip ang kanyang sinabi. Nabalik lamang ako sa aking sariling pag iisip matapos na maramdaman ko ang pag-tapik ng aking bestman na si Lorenzo. Maging sa kanya ay bakas ang pagkabigla marahil sa kanyang mga narinig. Tinignan kong muli ang babae na aking mapapangasawa. Nakatungo ito, halata ang pag-iyak dahil sa mahinang pag-taas at baba ng kanyang mga balikat.

"Kompadre, anong ibig sabihin nito!?" may diing pagtatanong ng aking ama sa ama ni Thalia. "Wala akong alam dito kompadre." Tugon nito sa aking ama. Maging ang mga tao ay nag simula na din mag bulungan. Ang aking ina naman ay nanlulumo ng dahil sa mga nalaman.

Magsasalita pa sana si Thalia ngunit hindi ko na ito hinintay pa. Mabilis ang aking naging pag kilos upang maka-alis. Naging mabilis ang aking hakbang upang maka-labas ng simbahan. Dinig ko pa ang pagtawag sa akin ng aking ama. Ngunit hindi ko na ito pinansin pa. "Papa, where are you going po.?" Saglit akong napahinto sa pag lalakad ng marinig ko ang mumunting tinig na tumawag sa akin at nilingon ko ito. Saglit ko lamang siyang pinag-masdan. Pinag-masdan ko din ang aking ina na ngayon ay lumuluha na. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Naramdaman ko din ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Ngumiti ako ng mapait dito at napagpasyahang lisanin ang lugar na iyon.

Lutang ang aking isipan ng tuluyan akong makalabas ng simbahan. Walang iba sa aking isipan kundi ang mga masasayang ala-ala na aming pinagsamahan ng babaeng pinaka-mamahal ko na ngayon ay siyang trumaydor sa akin. Ang sakit. Sobrang sakit. Akala ko eh siya na. Akala ko eh hindi niya magagawa sa akin ang pag-taksilan. Apat na taon, sa apat na taon na mag pag mamahalan namin eh kahit minsan hindi ko siya nagawang lokohin. Ibinigay ko lahat ng luho na gustohin niya. Ngunit hindi pa din pala iyon naging sapat. Patuloy lang ang aking paglalakad patungo sa aking sasakyan. Kasabay nito ang mainit na luhang dumadaloy sa aking mga mata. Gusto kong magwala, gusto kong magalit, pero may magagawa pa ba iyon. Nangyari na ang nangyari. Sa ngayon walang ibang nasa aking isip kundi ang magpakalayo, mapag-isa at magpakalasing. Gusto kong punuin ng alak ang aking sikmura upang kahit na sandali ay mawala ang sakit na nararamdaman ng aking puso. Gusto kong makalayo sa lugar na sana ay magiging bahagi ng isang masayang pangyayari sa aking buhay. Agad akong sumakay sa aking sasakyan ng makarating ako sa parking lot ng simbahan. At agad na pinaharurot ng mabilis ang sasakyan. Gusto kong mawala ang sakit na aking nararamdaman. Gusto kong lumimot kahit na sandali lamang.

.
.
.
.
.
To be continued. . . . .

-----
A/N.
"Expect the unexpected"

____IAIROS

Having You Near MeWhere stories live. Discover now