Chapter 28

1.8K 70 4
                                    

Rebecca's POV

Dalawang araw na siyang nagpabalik-balik rito sa bahay, at kung ano-anong iniuutos ni Nanay.

Nagdedeliver ito ng kahoy na nasisibak niya sa palengke.

Pinag-iigib din siya ni Nanay...

"Ayaw mo ng pagkain?" Seryosong tanong ni Nanay kay Zyair.

Pinakbet kasi ang ulam.

"Po? Gusto po." Mabilis niyang sagot.

Kinuha ko ang kanin at nilagyan ang plato niya.

Sinunod ko rin ang ulam.

"Thank you, baby." Bulong niya sa'kin.

Ngumiti naman ako.

Sinimulan namin ang pagkain.

Pansin kong pagod na ang katawan niya kahit hindi niya sabihin.

Walang umimik sa'min habang kuamain.

Pagkatapos ay naghugas ako, napaiktad ako ng pumulupot ang braso niya sa tiyan ko.

Hinalikan niya ang likod ng ulo ko at huminga ng malalim.

"Zyair, pwede ka naman na kasing umuwi at magpahinga sa bahay mo..." Mahinahon kong boses.

Inihaplos niya ang palad sa kaliwa kong braso.

"Konting pagkuha pa sa loob ng Nanay mo, baby..." Malamyos niya sambit.

Pinunasan ko ang kamay ko saka ako humarap sakanya.

Inabot ko ang pisngi niya.

"Alam kong pagod na ang katawan mo-" pinutol niya sa pamamagitan ng mabilis na pagsakop sa labi ko.

Napapikit ako, ilang segundo bago siya bumitaw sa halik.

"Don't worry about me, okay? I can do everything for you." Malambing niyang saad.

Huminga ako ng malalim at tumango.

Pagdating ulit ni Nanay ay pinagbungkal niya ito ng lupa, tataniman daw kasi ng gulay.

Kagat labi ko siyang pinapanood.

Huminga ako ng malalim.

Ilang beses ko na ring kinausap si Nanay tungkol sa mga pinapagawa niya kay Zyair.

Hindi na kasi ito nakakapasok sa opisina, dito nalang ang punta niya tuwing umaga hanggang hapon.

Pumasok dito sa loob si Nanay.

Pansin niyang kay Zyair ako nakatingin.

"Mahal mo ba talaga siya?" Biglang tanong niya.

Mabilis akong bumaling sakanya at tumango.

"Wag mo sanang iisipin na pinapahirapan ko siya dahil gusto ko siyang mapagod sayo, ginagawa ko lang to dahil gusto kong mapatunayang totoo ang lahat ng sinasabi niya." Maalumanay na saad ni Nanay.

Ngumiti ako ng tipid.

"Iniisip niyo po bang magiging katulad ang nangyari sainyo ang mangyayari sa'kin sa piling niya?" Malamyos kong pagtatanong.

Tiningnan niya ako sa mata.

"Ayoko lang na maranasan mo ang naranasan ko anak, hindi ko kayang ikaw ang makikita kong dumaranas non. Kaya intindihin mo sana ako ha?" Mangiyak-ngiyak niyang sambit.

Nag-iinit ang gilid ng mata ko saka mabilis na tumango.

Sumapit ang alas tress ng hapon, pagkatapos makapagpahinga ni Yitro ay inuutusan siya ni Nanay na dalhin ang isang malaking kahoy ng Narra kila Mang Banjo.

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon