Chapter 53

3.2K 74 0
                                    

Rebecca's POV

"Mama, bakit po tayo lilipat?" Pagtatanong ni Yuna habang naka-upo sa ibabaw ng kama, ako naman at si Farah ay ineempake lahat ng gamit namin.

Nagtinginan kami ni Farah, hindi pa kasi niya alam na lilipat kami sa bahay ng Tatay niya. Sinabi ni ni Zyair na wag ko munang sasabihin ang tungkol sakanya, gusto niyang siya mismo ang magpakilala ng sarili kay Yuna.

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ni Yuna mamaya, pero sana maging madali lang ang lahat...

Itinigil ko ang ginagawa saka naglakad papunta sa harapan niya, ibinaba ko ang sarili para pumantay sa anak ko.

Hinaplos ko ang pisngi niya at ngumiti ng tipid.

"Kailangan, baby." Malambing kong sagot saka hinaplos ang gilid ng buhok niya.

Tumango siya at hindi na nagtanong pa, kaya naman ipinagpatuloy namin ang pag-eempake, wala si Cris, hindi ko na siya masasabihan ng personal. Itetext ko nalang siya para alam nito, alam kong hindi siya papayag na hindi na makita si Yuna, pero ipapaintindi ko nalang sa kanya lahat-lahat.

"Nakabili ka ba ng bagong cellphone mo? Itext or tawagan mo ako kapag nagkaproblema okay? Pwede naman siguro akong bumisita? Itext mo nalang din ang address pagkarating niyo doon, ha?" Sabi ni Farah, sumulyap siya kay Yuna.

Huminga siya ng malalim, saka muling tumingin sa'kin.

"Wag mong hahayaang saktan ka niya." Pag-aalalang paalala niya, tumango lang ako.

"Salamat, Farah." Pasasalamat ko, tumango siya at ngumiti.

Nagpaalam na ito pagkatapos naming maikumpuni lahat.

Ilang sandali pa ay may sasakyan ng pumarada sa tapat ng apartment ko, napabuntong hininga ako, hindi ko maiwasang hindi kabahan sa maramdaman o magiging reaction ni Yuna.

Naglakad ako papunta sa pintuan, binuksan ko ito at bumungad ang bulto ng malaking katawan niya.

"Pumasok ka." Mahinang pag-aaya ko sakanya, hindi siya umimik at inihakbang ang mga paa papasok.

Nauna akong naglakad sakanya papunta sa kwarto, pumagilid ako para makapasok siya.

Tumabingi ang mukha ni Yuna sa gawing pintuan at ngumiti.

"Tito Papa?" Masayang sambit nito, napalunok ako...

Ang akala niya si Cris ang dumating.

Sumulyap ako kay Zyair, banayad ang pustura nitong medyo napawi ang pag-ngiti. Nakaramdam ako ng konting awa. Naglakad siya papalapit kay Yuna, ibinaba nito ang sarili para mapantayan ang anak.

Alam na nitong hindi nakakakita si Yuna, sinabi niyang kapag nasa wastong edad na ito ay ipapagamot niya ito para makakita na. Na labis na ikinatuwa ng loob ko dahil konting panahon nalang ay mapapalitan na ng liwanag ang madilim na paningin niya.

Nag-aalangan pang iginalaw ni Zyair ang malaking palad, dahan-dahan niyang inihaplos iyon sa maliit na mukha ni Yuna.

"He-ey, hi. I'm Yitro... Your Papa." Malambing na boses ni Yitro, pigil ang pagpiyok nito, tinitigan ko sila... Nagbabadya ang luha sa'kin, sa totoo niyan. Matagal ko ng pangarap na mapagmasdan silang dalawa.

Bahagyang napawi ang pangiti ni Yuna, kumibot ang pustura niya at dahan-dahang iginalaw ang mukha, ramdam ko ang pagkabigla nito, alam kong pinapakiramdaman niya kung saan ako nakapwesto.

"Ma-saya akong makilala ka. Anak." Pabulong na boses ni Yitro, dumaan ang emosyon nito sa boses...

"Ma-ma..." Pagbabadya ng iyak ni Yuna habang tinatawag ako.

Beg for It (Quadro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon