CHAPTER 23

8 1 0
                                    


"Ano ba nangyayari sa'yo?! Akala ko napano ka na!" Sigaw ni mama at dinabog niya ang bag niya sa mesa. 




Hindi ako makapag salita, gusto ko.. Pero hindi ko maipagtanggol ang sarili ko't hinayaan sila na mag sabi ng kung anu-ano sa'kin, kahit masakit. 




"Alam mo at aware ka na bawal iyon sa school!" Giit pa niya, "Hindi kita maintindihan ngayon at nag babago ka na, Mayumi. Ano ba ang nangyayari sa'yo? Dati namang hindi ka ganiyan!"





Napakagat ako sa ibabang labi ko at dinadama ang mga sinasabi nila sa akin, kinakabahan ako na idala nila si Shantal dito. Hindi ko kakayanin 'yon. Mabigat akong huminga ng malalim.





Napailing siya sa akin, "Kay Shantal ka pa talaga pumatol." She scoffs, "Bakit? Sa pag tanda mo ba mabibigyan ka rin ba niya ng magandang buhay?!" Sigaw niya sa akin.





Pinigilan siya ni dad at pinakakalma niya ito. Napaupo siya sa lamesa, pilit kong hindi niisang luha lumabas sa mga mata ko. "Tahan na." Lumapit si Dad sa'kin, "Pumasok ka muna sa kwarto mo, mag-uusap tayo mamaya." 





I did not response at dere-deretso akong nag tungo sa kwarto ko at doon ko iniyak lahat. Lahat ng mga hindi pa nangyayari ay iniisip ko na. 





Habang pinakakalma ko ang sarili ko, I opened my social media accounts at kalat nga kami sa twitter. 




'Ano ba naman 'yan, alam na ngang bawal pinilit pa.'




'True vebs, ayan tuloy na suspend silang dalawa. At hindi lang iyon ha, pangalawa na ni Shantal 'yan. Bumalik tuloy ang trauma sakaniya.'





'Bakit? Na suspend din ba si Mendoza?'





'Hindi ah! Nawala siya sa team na pinag t-try out-an niya noon no'ng sila pa ni Dei. So parang gano'n na rin. Haha.'

Purple and Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon