CHAPTER 26

6 0 0
                                    

"Mayumi!" Sigaw niya habang kumakaway siya. Tumayo ako at tinignan pa siya ng malapitan.





"Francheska, anong ginagawa mo rito?" Pagtataka kong tanong. She's my cousin in mother's side at sobrang close nila ni mommy.





"Actually, napadaan lang ako rito sa Manila and you know nag apply rin ako sa one of my favorite University. Baka 'di mo pa nga 'yon kayanin, sabi nila super high ng tuition and dapat matalino talaga." Laging may backhand compliment 'to sa akin kapag nagkikita kami. I just stared and smiled at her playing dumb.








"Oh! That's great! Good luck, saang University ka ba nag apply?" I asked. Mas matanda siya sa akin ng isang taon at mag college na siya next school year.








Tumingin pa siya sa itaas, "Uh.. marami. Sa UP Diliman, Ateneo, La Salle..." She got me in her corny brows.








"Wow, well that's nice. By the way, I'll see you around?" Pag tatapos ko sa conversation at baka humaba pa.








"Oh! By the way, siya ba 'yung girlfriend mo? I mean ex?" Tumingin siya sa gawi nila ate napalunok na lang ako.






"Sino? Kami lang ni Ate narito." Pag deny ko.








"Bakit kausap ng ate mo 'yung familiar na girl na 'yon?" Lumingon ako kila Ate. "Huwag mo sabihin, ginamit mo si Xiarra para mag kita kayo ng girlfriend mo, Mayumi?" Nawala ang pag ngisi niya sa akin. "Hindi ba't pinag hihiwalay na kayo ni Shantal?"








"Matagal na kaming hiwalay ni Shantal, nandito kami kasi hindi ko alam na kasama pala 'yung ex ko. Nandito kami, para sa date ni Ate at ni Kuya Tim."









"Ooh.. a date? Double date?"








Pinipigilan ko lang ang sarili kong masampal ang pinsan ko at bakit ba siya nandito? Kung may balak man siyang sabihin kay mommy ang lahat, sasaluhin ko na 'yon para kay Shantal.








"I don't know why you are so defensive, Mayumi. I'm just asking you, why you and that familiar girl is here. And the way you act is dumb." Binangga niya na lang ang balikat ko, "And for you to know, you are a black sheep."








She left and my eyes started to tear. Lalapit na sana sina ate Xiarra at Shantal ngunit dumeretso na ako sa comfort room at sa pinaka dulong cubicle. Pinipigilan ko umiyak para hindi nila malaman kung saang cubicle ako.








I don't know why they are against to me. Bakit ganito? Sobrang sakit ng mga salita na pinaratang nila sa akin at wala naman akong ginawa.








My mom texted me, 'na saan kayo ni Xiarra?' wala akong balak sagutin ang tanong ni mommy. Another message popped up. 'bakit kasama niyo si Shantal?'








Nagulat ako nang i-text iyon, lumabas agad ako ng cubicle at masama ang tingin sa amin. "Aalis na tayo." Lumapit pa si mommy kay kuya Tim, "Bantayan mo kapatid mo, Tim kung hindi maging kayo ni Xiarra mag hihiwalay rin." Mom gave Shantal a glance.








Gusto ko magpalamon sa lupa ngayon, gustong-gusto. I looked back where Shantal is... wala siyang emosyon makita akong umalis na may masama ang loob.








When we got home, binaba ni mommy ang gamit niya at saktong naroon din si daddy. "Ano ba naman kayo?! Pati si ate mo dinamay mo na, Shantal! Nakita ko pa nga pinsan mo sa mall at sinabi 'yung mga nakita niya." Paninigaw na naman ni mommy sa akin.











Purple and Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon